===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
TWO
Iritado ako buong araw dahil sa english speaking na mokong na kaklase ko, hindi lang sa isang subject, kung hindi sa limang subject, pati P.E. Napa-WTF na lang ako eh.
After nung incident na pinadugo ko yung ilong niya, hindi na ulit siya lumapit sa'kin. Ni hindi siya lumalapit sa'kin within 500m radius. Chos. Na-traumatize 'ata ang loko. Bahala siya.
Sa isang subject namin, nalaman kong Filam pala ang unggoy na yun, (Feeling American. Joke) kase 'di ba may mga mandatory introduce yourself sa ibang subject. Parang yung first day ginagawang leisure time ng mga prof. Diyan nangyayari yung mga election of class officers, (buti na lang hindi ako naging officer ni isang beses. Ayoko ng responsibility), yung magpapapasa ng one fourth yellow paper yung prof na may nakasulat na name mo, section, subject, day and time at yung magpapagawa ng class sitting arrangement sa secretary.
Sa isa naming klase, na-elect na president si english speaking mokong. Hulaan ninyo kung anong subject...Oo, English. Namputek. Redundant lang ang peg.
Matapos ang insidenteng iyon, wala naman ng major na nangyari sa akin ng araw iyon. Matapos ang huli kong klase, dali-dali akong lumabas ng classroom. Wala pa akong nakakausap na potential friend. Baka bukas na lang, or next week...or bahala na, hindi naman talaga ako sociable, wtf.
Ang pwedeng interaction na na-commit ko ngayong araw na ito eh yung katabi ko kanina sa isang klase na hiningi yung pinagputulan ko ng one fourth yellow paper. Sabi niya sa'kin, "ey classmate, akin na lang ha?" Na nireplyan ko ng, "sige." Haay. Napaka-sociable ko talaga forever.
Tuloy-tuloy ako maglakad hanggang sa papalabas na ako ng school gate, ng biglang may humila sa backpack ko. Alangan natigilan ako sa paglalakad.
"Hoy penguin!"
Humarap ako sa humila ng bag ko. Kilala ko ang boses na yun. Walang iba kung hindi si,
"Caleb! Punyeta! Tol kamusta na?" Excited kong bati.
Kaklase ko nung 1st year, 2nd semester si Caleb sa isang subject. Naging ka-close ko siya. Bale ganito kase yun, mga 30 minutes na niya akong dinadaldal pero hindi ko siya naririnig dahil halos naka full volume yung music ko, as usual, nakapasak sa tenga ko ang ever reliable kong earphones at as usual, wala na naman akong pake sa mundo.
Tinanggal niya yung isa kong earphone bigla, nagulat ako, pero at least narinig ko na siya at last.
"Miss, akala ko suplada ka, hindi mo lang pala ako naririnig! Halos sigawan na kita!"
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...