Twenty-Four

2K 71 19
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

TWENTY-FOUR

Isang bagong beat ang pinatugtog ng dj at parang baliw ang mga creatures na nagsasayaw sa dance floor. Mas lalo pang naging aggressive ang way ng pagsasayaw ng mga ito or baka ako lang yun. Hindi pa kase ako nakakakita ng normal na dance floor sa buong buhay ko. Ito ang first dance floor na nakita ko sa talambuhay ko at pa-party pa talaga ng mga bampira ang okasyon na ito. Hindi ko malaman if I should feel special o very unlucky ng dahil sa circumstances na kinapapalooban ko ngayon.

Hinatak ako ni Damien papuntang gitna at kahit ayoko ay wala akong nagawa dahil ang lakas nito at talagang nakaladkad ako nito. Ang higpit ng pagkakakapit nito sa wrist ko na parang feeling ko naputol na ang blood circulation ng kamay ko. Halos matapi-tapilok ako dahil sa brutal na pagkaladkad nito sa akin. Pagkarating sa gitna ng dance floor ay hinapit nito ang bewang ko at inilapit nito ng husto ang katawan ko sa katawan niya. Ang higpit ng pagkakayakap nito sa akin na parang napipigilan na ang paghinga ko...Para akong sinasakal.

Sumunod ang katawan nito sa beat ng music ngunit ako naman ay nanatiling tuod the whole time. Napakalapit ng mga mukha namin na nakikita ko na ang mukha nitong ubod ng nipis at puti. Walang pores at halos nasa surface lang ang mga veins na kulay violet. Nalaman kong hindi ito...humihinga. Magkalapit ang aming katawan kaya dapat ay ramdam ko ang laboured nitong paghinga dahil sa pagsasayaw nito...pero wala eh. Para itong bato. Para akong niyakap ng isang pader ng yelo. Naramdaman ko bigla ang malalamig nitong kamay na nasa aking bewang at likuran. Parang napapaso na ako sa sobrang lamig. Itinulak naman nito ang ulo ko para sumubsob sa dibdib nito...Wala akong naririnig na kahit ano sa dibdib nito...Hindi ko alam if napakalakas ba ng tugtog para hindi ko na marinig ang tibok ng puso nito, ngunit wala talaga...Dapat ngayon ay naririnig ko na ang bilis ng heart beat nito dahil sa pagsasayaw ngunit wala. Para itong...patay.

“Sabihin mo, pinsan ka ba talaga ng mga Emory?” Bulong sa akin ni Damien. Lumapat ang mga labi nito sa tenga ko at nagtayuan talaga ang mga balahibo ko sa katawan. Napakalamig ng mga labi nito. Ano bang klaseng nilalang ang mga bampira? Para silang snowman!

“Oo. Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa namin sinasabi sa’yo. Paulit-ulit ka.” Iritable kong sabi dito. Leche Peng. Hawak ng snowman vampire na ito ang buhay mo ngunit hindi mo inaayos ang pagsagot mo. Bakit ba kapag nasimulan mo ng mairita ay wala ka ng pake kahit sinong kausap mo? Umayos ka nga!

“Matalas ang iyong dila. Hindi mo ba kilala kung sino ang kaharap mo?” Patuloy pa rin kaming sumasayaw...I mean si Damien lang pala ang sumasayaw at wala lang choice ang katawan ko kung hindi sumunod sa galaw niya.

“Kilala. Kanina ko pa naririnig na Damien ang pangalan mo. Hindi ako bingi.” Pagtataray ko dito. Gosh Peng. You and your big mouth. Always and forever. Ugh.

“Alam mo bang kayang-kaya kitang patayin ora-mismo?” Pagbabanta ni Damien sa akin.

“Wala akong pakialam tangina! “

Naramdaman kong bumababa ang isa nitong kamay na nakakapit sa bewang ko at tinatangka atang hawakan ang aking pwet.

Sinuntok ko ito ng malakas sa mukha.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon