===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
SIX
Siguro muntik ng mag 1 kilometer yung nilalakad namin ni English Boy. Hila niya pa rin ako. Malalaki yung hakbang niya. Mainit kahit hapon na. Tagaktak yung pawis ko. Hingal na ako.
Ang higpit nung pagkakahawak niya sa wrist ko. Medyo masakit na.
"Hoy English boy, sandali lang!"
At talagang huminto kami sa gitna ng daanan. Naabala yung mga tao na naglalakad din na nasa likuran namin. May mga narinig akong bulungan kagaya ng "Ano ba yan istorbo, nakaharang" at "Pag talaga mag-jowa ang bagal maglakad, naglalandian pa."
"Sinong English boy?"
"Ikaw? Dahil english ka ng english?"
"Di ba nagpakilala na 'ko sa'yo kanina? I told you I am Levine. Hindi ka ba nakikinig? Basagulera ka na nga, bingi ka pa!"
"Ang yabang mo talaga kahit kailan noh?" Sabay hila ko ng kamay ko mula sa kanya.
"Bakit ba ang sama-sama ng ugali mo sa'kin? O sadyang masama ka lang talaga? Ang yabang mo. Ang feeling mo. Nakakainis ka! Inis na inis ako sa'yo!"
"Actually, I already repaid your goddamn old CD player. Aren't you thankful to me?"
"Anong pinagsasasabi mo diyan? Nababaliw ka na!"
"Maybe you're the one whose going crazy! Why are you in the verge of tears awhile ago?"
Natigilan ako.
"Look, I'm not the most emphatic person around but it's easy to tell that you're gonna cry awhile ago and I'm not stupid enough to not know that you like that guy my sister is dating!"
Naiyak ako bigla.
"H-hindi noh. Bestfriend ko lang yun" Sabi ko sa gitna ng mga hikbi.
"Oh my God, why do you have to cry in public?" Tarantang sabi ni English boy.
HInila niya ulit ako. Naglakad kami ng mabilis at pumasok sa isang milk tea shop.
Nakakahiya ako. Ano ba 'to. Bakit may crying episode na nangyayari? Feeling ko boyish ako or astig, pero heto umiiyak ako sa isang semi-stranger kase ano? Hindi ko ma-contain yung dissapointment at hurt na naramdaman ko kanina.
Ngayon ko lang na-realize. Ang tagal ko ng niloloko ang sarili ko. Gusto ko nga ata talaga si Caleb. Bakit ba ayoko aminin sa sarili ko na marunong ako magka-gusto sa lalake?
Nahinto ang pagmu-muni-muni ko. Bumalik na si English boy sa mesa namin. May dalang dalawang milk tea. Inabot sa'kin yung isa. Namumula ang mata ko siguro dahil sa pag-iyak kaya nakatungo lang ako almost the whole time.
"See I told you. I already repaid your old CD player. I saved your face from your crush and I'm now treating you to a milktea. Aren't you grateful or what?" Nakangiti at nang-aasar na sabi ni English boy.
"Kulang pa 'to, che! Madaming sentimental value yung CD player na yun. Hmp."
"Sorry kase nasira ko yung CD player mo."
Natigilan ako. Tumingin ako kay English boy. Ewan hindi ko mabasa yung mukha niya if sincere ba 'tong mokong na 'to or jinu-joke time lang ako.
"Sorry din kase sinuntok kita. Pero naiinis pa rin ako sa'yo kase english ka ng english"
"Well I grew up in the US and if that irritates you then I'm sorry. It's only been 2 years since we've come to the Philippines so forgive my lack of filipino words."
"Bakit hindi ka na lang kase nag-stay dun sa US? Nakilala pa kita tuloy. Che!"
"Aren't you thankful that you've known me? I'm your Knight in Shining Armor way back there in that resto!" Nang-aasar na sabi ni English boy.
"Kapal!" Wala na akong masabi.
Uminom ako ng milktea. Masarap. Manamis-namis pero sakto lang. Napawi ang lungkot ko kahit papaano.
"Siguro no boyfriend since birth ka 'noh? Kaya ang grumpy mo. And kaya siguro ang denial mo sa feelings mo"
"Hindi ako grumpy at hindi rin ako denial. Konti lang talaga nakaka-gets sa ugali ko"
"Like who? That Caleb guy?"
"Oo, since first year college ko pa friend yung si Caleb"
"O talaga? Matagal mo na pala siya pinagnanasaan?"
"Shut up!"
"Alam mo ayoko siya para sa sister ko. He's too rugged for me. But I'm in no position to tell my sister who she can date or not."
"Baka we can help each other," tumingin sa'kin si english boy.
"What the F?" Ang nasabi ko lang.
"Well I can teach you techniques on how to make that Caleb guy fall in love with you instead of my sister, that way, we can be both happy. You- ending up with that rugged guy and me-ending up with a rugged guy free sister...So what do you think? Deal?"
"At anong alam mo sa pag-ibig? Eh ang sama-sama ng ugali mo?"
"Don't you trust me? I know alot of things way better than you do, naive girl."
"What you only know is to cry in front of that rugged guy and in public. lol"
"Aba't! Ang yabang talaga nito!" Galit kong sabi at akmang papaluin ko siya sa balikat.
Hinuli ni English boy ang kamay kong ipangpa-palo sana at hinawakan ng mahigpit.
"Deal or no deal?"
Tumitig ako sa kanya.
"Sige, deal."
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...