===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
ONE
Marami ang nagsasabi na parang hindi daw ako babae kung magsalita at kumilos. Hindi naman sa brusko ako na parang lalake. Ang ibig ko sabihin ay hindi ako binigyan ng tamang arte o sapat na landi ng lumikha nung pinanganak ako. Tapos, kahit sa Exclusive Girl's school ako nag-high school eh hindi naman ako naging conyo o naging Taglish magsalita. Ewan ko ba.
Eto siguro ang epekto kapag ang nagpalaki sa inyong magkakapatid eh tatay lang tapos may dalawa ka pang kapatid na lalake na mas nakakatanda sa'yo. Hindi naman ako tomboy 'no. Nagkakagusto naman ako minsan sa mga lalake. Minsan. Sobrang minsan.
Buong high school ko ay hindi ko man lang nasubukan mag-make up, o kahit mag ahit ng kilay. Yung mga kaklase kong babae, OA na sa grooming. Ako, parang napag-iwanan ng panahon. Tinatamad akong mag-ayos.
Ngayong college na ako, eto, walang pagbabago. Tamad pa din ako mag-ayos. Naka-pony tail ang mahaba kong buhok. Mainit kase ngayong araw na'to ewan ko ba. Pero kadalasan, nakalugay ang buhok ko. Pang takip ko kase sa earphones na laging naka-plug sa tenga ko. Lalo na pag ayoko yung Professor at ang kanyang lecture.
Nagdadasal ako palagi na sa mga ganitong pagkakataon eh 'wag niya akong tawagin. Sa kabutihang palad, hindi pa nga nangyayari ang mga ganung bagay sa'kin.
Maaga ako pumasok ngayong araw. Naka-pony tail nga, tapos wala pang Prof, so pinasak ko muna ang earphones sa tenga ko. Walang pakialam sa mundo.
Na-aadik ako sa Eraserheads ngayon. Isang linggo na'kong na-stuck sa pakikinig sa kanila. Isa itong lumang banda nung panahon nila kuya. Naririnig ko lang sa kanila ngayon at hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nagustuhan. Outdated ako palagi.
Mahilig naman ako sa mga banda-banda na ganyan. Matagal ko ng naririnig ang Eraserheads, pero ngayon lang napukaw ang atensyon ko.
Buti pa nga daw sa music o sa tugtugan, nakukuha ang atensyon ko.
Pero pag dating talaga sa lalake, wala eh.
Ayan na naman, naka-isip na naman ako ng lalake. Eh kase naman, No Boyfriend Since Birth ako. Kasalanan ko ba yun? Kung wala ako natitipuhan sa mga nanliligaw sa'kin?
Hindi naman sa panget ako kaya ang mga nanliligaw sa'kin eh wala ding dating pero, basta. Hindi ko talaga gusto ang jowaan. Naku-cornyhan ako.
Naaalala ko nung High School, yung mga kaklase kong babae, kating-kati makakita ng lalake sa kabilang Exclusive All Boy's School kase nga 'di ba hindi uso ang lalake sa'min? Ako lang yung walang pakialam. Seryoso. Hindi naman sa nagmamaganda ako. Pero hindi talaga ako tinamaan ng kati sa lalake.
Nung intrams, kilig na kilig sila magkaroon ng mga ka-partner na lalake. Nandidiri ako. Joke lang. Pero seryoso. Nagbasa lang ako ng Harry Potter sa gilid. As usual, wala na namang pakialam sa paligid...
Grabe ano ba'tong iniisip ko, umabot na ng High School...ang tagal kase nung Professor...
Matatapos na'tong sound track na pinapakinggan ko, ng biglang may dumaan sa gilid ko, nasagi niya ang CD player ko. Oo, CD player. May attachment kase ako sa mga lumang bagay.
Nalaglag ang CD player. Tumigil sa pagtugtog. Pinulot ko. Ini-off. Ini-on ulit. Wala, ayaw na gumana. Teka, hindi man lang nag-sorry yung nakalaglag. Hinanap ko yung nakatabig sa CD player ko at pagmu-muni-muni, ayun! Umupo sa harapan!
Pinuntahan ko siya.
"Excuse me, nasagi mo ako at yung CD player ko. Ni hindi ka man lang humingi ng paumanhin. Ganyan ka ba talaga?" Irita kong sabi
Tumingin sa'kin yung nakasagi. Tisoy. May itsura ang loko. Pero kahit na.
"Uhm, I'm sorry miss. I can't understand you. What are you saying?"
Amputek. English spokening ampota.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog ha? Sabi ko nasagi mo ang CD Player ko, nalaglag. Ayaw na gumana!"
"It isn't my fault. Your CD player is on my way. You should have put it somewhere safe, not in a place where it can easily fall."
"Eh naknamputek, nakakaintindi ka pala ng tagalog! Ang arte mo! At kasalanan pa talaga ng CD Player ko ha? Ang kupal mo na nga, ang bastos mo pa, hindi ka marunong mag-sorry. Ipagawa mo 'to!"
"Look, who still use CD Players nowadays? It's obsolete. I can't think of anyone or anywhere whose gonna repair tha piece of crap. And it's your fault in the first place. Stop blaming me, miss."
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinapak ko siya sa mukha.
Natigilan ang klase. First day ko sa pagiging 2nd year college, may sinapak ako. Dumugo pa ang ilong. Ang putek. Gwapo sana kaya lang parang bakla kung maka-english. Nakakaasar. bagay talaga yan sa kanya.
"Ang daldal mo, hilaw! English english ka pa. Di naman bagay sayo. Mas itim pa ang buhok mo at mata kesa sa'kin. Diyan ka na nga! Bakla!"
Bumalik ako sa upuan ko. Nakatitig sa'kin ang lalakeng sinipak ko.
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Roman pour Adolescents[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...