===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
FIVE
"Brother!"
Nilapitan ni Andrea si English boy. Bumeso at inakay papunta sa'min ang mortal enemy ko this sem.
"Hi guys! I want all of you to meet my poging-pogi na kuya!"
Nag-roll muna ako ng eyes bago tumitig sa pinakamalapit na pader. Birthday ko ba? Ang daming surprises ha.
"Kuya, this is Caleb, yung classmate ko na super bait, yung lagi kong kinukwento sa'yo na hinahatid ako sa sakayan ng FX pauwi," =))
Ouch. Seryoso ba yun? At bakit ako nasasaktan? Huhu.
"At eto naman si Peng, bestfriend po ni Caleb. We're having a study session right now! Sabi ko nga kay Peng palagi na siya sa'min sumama ni Caleb para mas masaya...di ba Peng?"
Ngumiti ako kay Andrea. Tipid na ngiti.
Sobrang malas ba ng araw ko ngayon?
Ano ba 'to, magkapatid pa talaga sila...Silang parang kontrabida ngayong sem.
At ikaw naman Caleb...bakit...
Bakit parang nasasaktan ako na may chix ka? Ano na naman 'tong katangahan na 'to.
Akala ko ba bestfriend ang turing ko sa'yo?
Bakit ang gulo ko?
Natigil ang page-emote ko nung biglang nagsalita si English Boy.
"So, may name ka pala, warfreak girl?"
Aba himala hindi siya ume-english ngayon.
"I'm Levine."
Dyusko. Inaabot ni English Boy yung kamay niya sa'kin, para ano? Anong gusto mo? Hindi ka pa ba nadadala sa basagan natin ng ulo? Gusto mo pa talaga makipag-plastikan sa'kin? Ganun?
Ang dami ko pang inisip pero inabot ko rin naman ang kamay ko.
Sobrang tipid na shake hands ang nangyari.
"So Peng pala ang name mo. It suits you well. Parang pangalan ng basagulera. Haha! Don't punch me again. I'm only joking!"
Punyeta. Kapal talaga ng mukha ng English boy na'to!!!!
"Ahehehe," ang tangi ko lang nasabi sa kanya. Plastik mode.
"Magkakilala pala kayong dalawa?" Singit ni Andrea. "That's good kuya, we can all hang-out together! OMG We gonna have a fun time together! Maybe we can invite them in our house next time noh?"
"Gusto niyo ba gumala muna bago umuwi?" Nakangiting sabi ni Caleb
"Uhm kayo na lang muna, I need to go home na eh. I need to do stuff." Tipid kong reply.
Gagala? Wth Caleb. Kailan ka pa natuto mag-aya na gumala? At ayoko na kasama si Andrea at ang kuya niyang si English Boy pwede ba. Ayoko na parusahan sarili ko. Enough na yung 3-4 hours(?) na pinitensya sa piling ni Andrea.
Hindi ako hater okay at hindi rin masama ang ugali ko. Actually umiiwas lang talaga ako.
Na ano?
Na masaktan?
Wow ha. Jowa lang ang peg kay Caleb? Ex-boyfriend mo 'teh?
"I need to go as well. Maybe next time we can spend more time together I guess." Sabi ni English boy.
"Andrea, if you don't want to go home yet, it's fine with me. And besides, it's Saturday tomorrow, we don't have any class...and now if you'll excuse me..."
"Let's go warfreak girl!"
"Ha? Ako?"
"Meron pa bang ibang warfreak na babae dito?"
At kinaladkad ako palabas ng pintuan ni English boy.
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...