Eleven

2.7K 84 15
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

ELEVEN

 

 

 

“Stay with me.” Hinila ako ni Levine sa tabi niya. Halos yakapin ako nito. Pinalibot nito sa akin ang isa niyang braso. Nalalanghap ko ang pinaghalong amoy matamis at lalake.

Nabalot ang katawan ko ng takot ng nakarinig ako ng isang ungol mula sa loob ng aming bahay. Shet ano yun? Naiiyak na ‘ko sa takot. Kinakabahan ako kung ano ng nangyari sa Kuya ko at Daddy ko.

Pinasok naming tatlo ang bahay namin. Naging maingat kami. Naging marahan sa paglalakad. Nauna si Andrea pumasok, naglabas ito ng enerhiya mula sa kanyang kamay. Kulay asul iyon at nagsilbi itong liwanag sa aming daanan. Pinauna ako ni Levine maglakad ngunit nakahawak siya sa likuran ko, guwardiyado ako nito.

Malagkit ang sahig ng aming bahay. Parang may gumapang na kung ano man dito at latak niya ang slime na ito. Nakarating kami sa living room ng aming bahay. Kinapa ko ang switch ng ilaw dito ngunit hindi bumukas ang mga ilaw. Nanatiling madilim ang buong kabahayan.

Isa pa uling ungol! Kung hindi ako nagkakamali ay galing iyon sa may kusina namin.

Napansin ko kahit madilim na wasak ang karamihan ng aming mga gamit sa loob ng bahay. God, anong nangyari kanina?

Nang makalapit kami sa kusina ay nakita ko ang silhouette ng isang nilalang na mukhang ahas...pero hindi ito ahas dahil malaki ito...at parang kulay greyish-blue ito. Actually mukha itong reptile...Nakatalikod ito sa amin at lumilikha ito ng mahihinang kaluskos.

Lalapit pa sana kami ng kaunti ng bigla itong humarap! Nakita ko ang mga mata nitong purong kulay itim! Naglalaway ito at may malaki itong bibig na puno ng mga pangil. Ang dila nito ay mahaba at manipis. Bigla itong sumugod sa amin!

Ang kaninang bluish na ilaw sa kamay ni Andrea ay naging isang ball of energy. Bago pa makalapit sa amin ang reptile like creature ay nahawakan niya ito. Kung gaano ito kabilis ay nasabayan iyon ni Andrea.

Nag-crash silang dalawa sa sahig. Hinila naman ako ni Levine patalikod para makailag. Umusok at natunaw ang bahagi ng reptile na nahawakan ni Andrea. Umungol ulit iyon at ang sakit nito sa tenga kapag malapitan.

Ngunit hindi nagawa ni Andrea na i-pin down ito for a long time. Malakas ito at nagawa nitong ibalibag si Andrea sa pader. Bago naman tuluyang humampas si Andrea sa pader ay napigilan nito ang impact at muling pumwesto para umatake.

Humarap sa amin ang reptile monster. Naglabas naman ng apoy sa kamay nito si Levine. Nakita ko namang nag-transform rin ang kamay nito from a human hand into a scaly red demon hand.

Ibinato ni Levine ang nilikha niyang apoy sa reptile. Nasunog ang mukha nito. Umungol ito sa sakit. Ang ungol na iyon ay nakapangingilabot kaya naman hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko after nun.

Nalapnos ang mukha ng reptile dahil sa apoy. Nagkikislot iyon at nagwala. Sinamantala naman ni Andrea ang pagkakataon at sinakyan niya ito. Hinawakan ito ni Andrea sa may leeg at sinakal niya ito. Naglabas ng kulay blue na enerhiya si Andrea at matapos ang ilang sigaw at pagpupumiglas ng reptile monster ay tuluyan na itong naging abo.

“Saeel demon.” Wika ni Levine.

“Ha?” Wala akong ka-ide-idea kung anong sinasabi nito.

“Saeel demons are usually classified as a low class demon. Usually pet sila ng mga greater or higher demon.”

“Taena, pet?” Nakakadiri ang idea na may pet kang ganun ang itsura.

“Let’s split. Halughugin natin ang buong bahay kung meron pang ibang natira...and to look for Penelope’s brother and dad.” Wika ni Andrea.

Naghiwalay kami ng landas. Kasama ko si Levine papuntang taas at si Andrea naman ay sinuyod ang buong baba. SInabi ni Levine sa akin na kumuha na ako ng mga damit ko.

“Bakit?” Tanong ko dito.

“You aren’t staying in your home if you’re thinking coherently. Basically, your house is just attacked by some demons.”

“Eh saan ako mag-stay?!”

“In our house. You are going back with us.”

Narinig kong pumanhik din si Andrea sa 2nd floor. Busy naman ako sa pagi-impake ng mga damit ko. Iniisip ko pa rin kung asan na napunta ang Daddy ko at kapatid ko.

“Wala akong nakitang mga buto sa buong bahay.” Wika ni Andrea.

“M-mga buto?” Natigilan ako sandali sa pagiimpake ng mga damit.

“Kase in case na kinain sila ng mga demon, maiiwan ang mga buto nila. Demons don’t eat bones.”

Parang masusuka ata ako sa narinig kong iyon.

“Kung hindi kinain ang Daddy ko at kuya ko, asan na sila?” Tanong ko.

“Maybe they were held as hostages.” Wika ni Levine.

“At bakit?”

“Maybe whoever is behind this clearly wanted something in exchange.” Pag-e-explain ni Levine.

“At anong gusto nilang kapalit??”

“I don’t know...”

Napaiyak na lamang ako dahil sa frustration. Kanina before ako umalis ng bahay, wala pa naman akong mga ganitong problema.

Hindi ko alam pero gusto kong sisihin sina Levine at Andrea.

“Hindi kaya kayo ang may kasalanan nito? After niyo magtapat sa akin ay nangyari ito?” Galit kong sabi kay Levine

“Clearly, our revelation with you and this incident isn’t in any way connected. If they wanted us in the first place, they’ve gotten in our house not in yours.”

Tumigil na ako sa pag-ngawa at pinagpatuloy ko na ang pag-iimpake ng damit. After ko matapos ay bumalik na kami sa kotse.

Pagdating sa kotse ay iyak pa rin ako ng iyak. Tina-try naman ni Levine ang lahat para ma-comfort ako. Galit na galit ako kung sino man ang kumuha sa kuya at daddy ko.

“Don’t worry, we’ll find them. We will avenge them.” Wika ni Levine.

 ===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon