Sixteen

2.5K 75 14
                                    

Caleb (Brad Simpson) on the mm side. Enjoy! :)

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

SIXTEEN

Hindi ko iniwan ang tabi ni Caleb habang siya ay wala pang malay. Kahit ayaw ni Levine ay duon ako naglatag sa tabi ni Caleb upang doon matulog. Nilatag ko yung comforter na galing sa kwarto ni Levine. As usual nag-away muna kami ng bongga bago ko nailabas ang comforter na iyon sa kwarto niya, ngunit in the end ay wala na rin itong nagawa. Asa pa siya.

 “He won’t wake up immediately even if you camp there in his side! Id*ot.” Wika sa’kin ni Levine.

Irap lamang ang naging tugon ko dito at nagtalukbong na ako ng kumot. “Whatever!” Pahabol kong sigaw dito  bago pa man ito pumasok muli sa kwarto nito. Isa namang malakas na kalabog ng pinto ang naging sagot sa akin ng kalahating demonyong lalaki na yun.

Inalis ko muli ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko. Iginala ko ang mga mata ko sa living room ng bahay nila Levine, I mean mansyon pala. Ang daming creepy na paintings na may tabing na kurtina. Ano kaya ang mga nakapinta sa likuran ng mga iyon?

Dinama ko ang velvety red carpet na kinalalatagan ng comforter ko. Ang lambot. Halatang lahat ng bagay na narito sa bahay na ito ay mamahalin o pangmayaman. Ewan. Personal opinion. Tumitig naman ako sa kisame at nag-glint sa dilim ang mga crystal na nakasabit sa napakalaking chandelier. Patay na lahat ng ilaw pwera lamang sa isang lampara na malapit sa grand staircase. Ang mga kwarto naman ni Levine at Andrea ay parehas na may tabing na makakapal na dark red na kurtina.

Nakatali ang mga dark red na kurtina ng gintong lubid. Ang mga gintong lubid ay umaabot hanggang first floor. Nagsisilbi itong palamuti din sa buong bahay.

Ang angas talaga ng gothic style na bahay na ito. Nakakalungkot nga lang isipin na dalawa lamang ang nakatira sa tahanan na ito.

Bigla namang napukaw ang atensyon ko ng isang painting na napakalaki. Ang painting na ito ay natatakpan din ng makapal na kurtina. WTF. Ano  ba ang meron sa mga painting na iyon at tinatakpan ang mga iyon?

My curiosity got the better of me. Hindi ko na napigilan na hindi tumayo at lapitan ang isa sa mga painting na may tabing na kurtina.

Hila-hila ko ang mahaba kong pajama ay nilapitan ko ang isang painting.

Ginto ang frame nito ngunit halatang naluma na iyon ng panahon. May title ito sa baba na hindi ko naman mabasa ang nakasulat. Nababalot na halos ng alikabok ang kurtina at ang buong frame. Hahawakan ko na dapat ang kurtina na nakatabing dito upang tignan kung ano ang nasa likuran nun, ng biglang...

“P-penelope...”

Nagulat naman ako sa boses na iyon! Boses yun ni Caleb! Akala ko ba ay wala itong malay for 3 days? Day 1 pa lang ngayon ah?

Dali-dali akong bumalik sa sofa kung saan ito nakahiga. Tila may inaabot ang kamay nito. Hinawakan ko ang iyon at ibinalik sa gilid nito.

“Caleb?” Tawag ko rin dito.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon