Fourteen

2.6K 90 14
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

FOURTEEN

 

 

 

 

Second to the last subject namin ang Humanities at okay naman ang nangyari sa presentation namin. Pasado kami sa prelims despite the fact na madami akong pinagdadaanan ngayon. Parang timang pa rin itong si Levine. Hindi ako pinapansin. Invisible mode. Nilagyan rin ba ako ni Anrdrea ng repellent spell at hindi ako nakikita ni Levine? Hello. Magkausap tayo nung last weekend?

Hinayaan ko na lang siya sa buhay niya. Katabi na naman niya yung babaeng kahampasan niya kanina dun sa first subject. Pagkatapos na pagkatapos ng humanities ay lumabas kaagad ako ng room. Naiirita akong makita si Levine na kung sino-sino ang kahampasan.

Hindi ko siya kaklase sa last subject at ni hindi ko rin naitanong sa kanya ang last subject nito or kahit ano pa sa schedule nito. Naisip ko tuloy kung bakit kailangan ko itanong ang schedule nito. Aanhin ko naman kapag nalaman ko? Pero hindi ko magamot ang curiosity ko tungkol sa buong class schedule ni Levine. Nakakainis ka Penelope. Ano na naman bang pinu-problema mo ngayon?!

Anyways, pinagdadasal ko na mabilis sana matapos ang last subject ko. Nae-excite na ko makita uli si Caleb and well, kumain kasama siya. Parang ilang taon na ang lumipas mula ng ginawa namin ang bagay na iyon. Parang ang tagal na ng last bonding namin.

Pagka-dismiss na pagka-dismiss sa amin ng prof ay as usual, nauna akong lumabas ng room. Tinignan ko ang phone ko if may text na ba si Caleb—ay shet, dead bat na ako! Paano ko malalaman if nag-text na sa akin yun? Hindi bale, siguro andun yun nag-aantay sa dati naming tagpuan.

Halos takbuhin ko papunta sa Gate 3 galing sa 3rd floor ng building ng huli kong klase. Pagkalabas ko ng Gate 3 ay nakita ko kaagad si Caleb. Ngumiti ito ng malaki sa akin at sinuklian ko iyon ng isang matamis na ngiti.

“H-hi kanina ka pa?” Medyo nahihiya kong wika dito.

“Hindi kakadating ko lang dito. Nag-text ako sa’yo pero di ka nag-reply...I thought in-indian mo na ko!” Biro nito.

“N-naku hindi! Na-dead bat lang yung phone ko...Nag-alala nga rin ako na baka hindi tayo magkita! Buti na lang!”

Pinakita ko pa dito ang dead bat kong phone para ibidensiya na nagsasabi ako ng totoo. Ginulo naman nito ang buhok ko in return.

“Dun tayo sa bagong kainan malapit lang dito. Nakita ko na maganda yung ambience!” Excited na wika sa akin ni Caleb.

“Sure!” Masaya ko namang reply dito.

Naglakad kami ng magkasabay at halos magkadikit ang aming katawan. Nung tumawid kami sa pedestrian lane ay hinawakan ako nito sa likuran upang alalayan. Kunwari naman, patay malisya ako.

Pagkadating namin ni Caleb sa kainan na malapit medyo sa school namin ay agad kaming um-order. Wow! Libre niya daw ako! Haha! Alam kong nakakahiya pero ininsist niya, so hindi na ako pumalag.

“Himala ha, ang galante mo ata ngayon? Ano meron?” Biro ko dito.

“Ito naman, bawal ba ilibre ang isang kaibigan?” Nakangiti nitong sabi.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon