Seven

3.8K 108 24
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

SEVEN

 

Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad.

#21 yung house number na tinext sa’kin ni English Boy. Jade street.

Nasa Jade street na’ko at palapit na ako ng palapit sa house number 21.

#19, #20...

Feeling ko mas lalong bumigat yung gitara na pasan ko sa likod ko.

Sabado ngayon. Pinapunta ako ni English boy sa bahay nila para makapag-brainstorming kami nung presentation namin para sa Humanities na subject. Dalhin ko daw yung gitara ko.

Napaka-primadonna talaga nitong si English boy. Ako yung babae, ako yung pinapunta niya sa kanila at pinagdala pa ng gitara.

Pero hindi na lang ako nagreklamo since tinulungan naman niya ko last time (refer to Chapter Six). He saved my ass from eternal damnation.

At isa pa hindi naman pu-pwede sa bahay namin mag-practice ng mga ganyan since ang daming tao sa’min tapos maliit lang yung bahay namin. Wala kaming space.

So overall gusto ko lang talaga magreklamo for no particular reason.

#21.

The house looks oh-so-vintage pero it looks like it is really taken care of. Immaculate white. Lavish garden. Ang ganda. Hindi na ako nagulat na mayaman sina English boy. Halata naman sa itsura niya (at paguumenglish niya)

Akmang magdu-doorbell ako ng biglang may umakbay sa’kin.

“Aaaah!!” Napasigaw ako sa gulat. Sobrang timing kase nung akbay. Split-second lang. Peste.

“Wag niyo po ako holdapin. Hindi ako taga-rito. Hindi ako mayaman. Wala akong pera! Wag niyo rin ako rape-in. Hindi ako masarap!”

“Baliw!” Sabay batok sa’kin nung kaninang umakbay sa’kin.

Si English Boy.

“Hay na’ko English Boy bwisit ka! Papatayin mo pa ‘ko sa nerbiyos! Ano ba yang pinaggaga-gawa mo at nasa labas ka ng bahay niyo...Niloloko mo lang ako noh? Hindi yan yung bahay mo noh?”

“Baliw kanina pa kita sinusundan. Mukha kang tanga. You look like a lost cat! Lol.”

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon