Eighteen

2.6K 78 6
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

EIGHTEEN

 

 

 

 

Lumabas na kami sa bakuran ni Andrea, habang si Levine ay naiwan sa loob kasama ni Caleb. Ayokong imagine-in kung paano niya papaliguan iyon dahil walang pumapasok sa isip ko kung hindi malaswa at nakakadiring  image.

Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa gagawin naming training ni Andrea. Naka-high ponytail ang itim nitong buhok. Naka-gray itong racerback din at naka shorts ng itim. Naka sneakers itong red. Parang naaalala ko sa kaniya yung mga sexy chick na bida sa mga action movie.

Wala akong ka-ide-idea kung paano ang gagawin. First time ko sumabak sa isang training pagkatapos yung training na iyon eh laban pa. Medyo gusto ko atang maloka.

“Ang una nating training ay tungkol sa bilis at listo.” Wika ni Andrea na siyang nagpatigil sandali sa train of thought ko.

“Sa pakikipaglaban, lalo na sa mga non-human creatures, kailangan ang bilis at listo hindi lamang ng katawan kung hindi ng isip,” Pagpapatuloy nito.

“Non-human creatures tend to have a great instinct for survival and battle compared to us who has human blood. Para bang ang pagkakaroon natin ng human blood ay nagpapahina sa ating senses.”

Lahat ng sinasambit ni Andrea ay pinakikinggan kong maigi. Instinctively, naka-tense ang buo kong katawan. Para bang may inaantay akong sunod na mangyayari. Hindi ko maunawaan ngunit parang hindi ko first time gawin ang mga bagay na ito.

“Lugi tayo sa mga kakalabanin natin because their body can somehow predict your next move, next attack—“

Hindi na tinapos ni Andrea ang sinasabi nito at bigla itong nagpakawala ng isang kulay asul na orb ng enerhiya. Mabagal lamang iyon na pumunta sa direksyon ko, ngunit nabigla pa rin ako! Buti na lamang ay nakaiwas kaagad ako dito.

“Magaling. Now, the second lesson ay wag maging kampante. “

At pagkasabi nito ni Andrea ay naramdaman ko ang init ng asul na enerhiya sa likod ko! Buhay pa rin pala iyon! Akala ko ay nawala na lang o di kaya ay tumama somewhere! Nataranta ako at clumsy akong umilag dito.

“I-anticipate mo ang mga next na atake ng kalaban. Wag kang magiging pabaya sa kahit anong galaw mo. Wag mong i-underestimate ang makakalaban mo.”

Tumango naman ako dito kahit busy ako sa pag-ilag.

“Next is, wag matataranta sa mga bagay na hindi mo inaasahan. Ipakita mo sa kalaban na sure ka sa sarili mo. In that way, mare-reverse psychology mo siya. Kapag pinakita mo sa kalaban mong hindi ka natitinag dito at sure ka sa mga ginagawa mo, kahit sa loob-loob mo ay takot na takot ka na at hindi na alam ang gagawin, maaaring ang confidence mo ang magpahina ng loob nito na siyang maging dahilan ng pagkatalo nito.”

Bumilis ang phasing ng asul na orb ng enerhiya. Lundag, ilag, dapa—ilan lamang sa bagay na ginawa ko. Natamaan nito ang dulo ng tsokolate kong buhok na nakatali, umusok ito. Ngayon ay nagkaroon na ako ng idea kung ano ang mangyayari sa akin kapag natamaan ako nitong bagay na binato sa akin ni Andrea.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon