Twenty-Five

2.1K 64 13
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

TWENTY-FIVE

 

 

 

 

Half-awake. Half-asleep.

Half-alive. Half-dead.

Promise hindi ko na alam kung ano ang status ko ngayon mula ng kagatin ako sa leeg ng bampirang si Damien. Hindi ako makakilos. Hindi ko mabuksan ang aking mga mata. Blurry lahat. Pero nararamdaman ko kahit papaano ang paligid ko. Naririnig ko sila. Ata. Hindi ko sure. Baka hallucinations ko lang pala ito.

Levine.

Naramdaman ko ng inalis ako ni Levine sa mga kamay ni Damien. Feeling ko narinig ko ang kamao na tumama sa isang bagay. Marahil ay sinuntok ni Levine si Damien? O kaya ay si Andrea ang sumuntok? Hindi ko alam.

Madilim ang paligid.

Tila gumagalaw ako. I mean umaalis na ako sa pwesto ko. Maingay. Parang may commotion. May mga hiyawan akong naririnig. Feeling ko si Damien ang karamihan dun sa hiyaw na naririnig ko.

Howls of pain and agony.

Or baka ako yun? Naririnig ko ang sarili kong sumisigaw? Kaya ko pa bang sumigaw?

Namamanhid ang buo kong katawan. Parang sinabuyan ng asido ang aking leeg sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko. Ang hapdi na ito ay nagra-radiate sa buo kong katawan.

Masakit. Hindi ko na ata kaya.

Naririnig ko si Levine na tinatawag ako. Sinisigaw ang pangalan ko. Hello? Andito pa ako Levine. Nababaliw ka na naman. Para kang tanga. Tumatakbo tapos sinisigaw yung pangalan ko? Ano kaya yun?

Lundag. Liko. Takbo. Ewan. Feeling ko iyon ang mga bagay na ginagawa ni Levine. Hindi ko maidilat ang mga mata ko para i-check kung ano na ba ang tunay na nangyayari.

May narinig akong pagsabog. May narinig akong madaming paang tumatakbo. Bakit kami hinahabol? Wala naman kaming ninakaw sa Great Coven. Ano bang kailangan sa’min ng mga bampira na ito at ayaw nila kami tantanan?

At Levine, paano mo ko binubuhat? Siguraduhin mo lang na maayos ang way ng pagkakabuhat mo sa akin kung hindi malilintikan ka talaga sa akin once na nakakagalaw na ako.

At biglang tumahimik ang paligid. Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na sensation. Naramdaman ko na ito before.

Tila may humihila sa akin. Parang binabatak ang katawan ko  pataas at pababa. Parang sasabog ang mga molecules at atoms ng katawan ko...Kahit hindi ako makagalaw at wala akong nakikita, sure akong pumasok na uli kami sa portal.

Paano nagka-portal? Akala ko ba ay yung mga bampira lang ang pwedeng mag-portal papunta sa kanilang lugar at paalis sa kanila? Ang weird na talaga.

Nararamdaman ko ang higpit ng pagkakayapos sa akin ni Levine. Hoy demonyito! Siguraduhin mo lang na ang mga kamay mo ay nasa likuran ko lang. Kapag iyan ay naglakbay sa ibang parte ng katawan ko, hindi ka na aabutin ng isa pang 1000 years.

At ayun na naman ang pakiramdam na tila hinihigop ako. Nagpaubaya na lamang ako. Shet ano ba ‘tong kagat na ito ng bampira. Sabi magiging bampira ka din kapag nakagat ka...ngunit para akong naka-General Anesthesia dahil hindi ako makagalaw...ngunit ang weird. Intact ang consciousness ko. Aware ako sa paligid ko...well sort of. Para akong kinulong sa katawan kong hindi makagalaw...

Gaano ako katagal na ganito?

At bigla kong naramdaman ang malagkit na bagay sa aking leeg...at naramdaman kong patuloy itong tumutulo...

Sarili ko ba itong dugo?

Ayoko isipin na sa mga oras na ito ay lumalabas mula sa aking leeg ang napakaraming dugo... Pero bigla kong naalintana ang basang-basa ko ng jacket at blouse...

Ayoko isipin na soaked in blood ang katawan ko.

Dyusko. Mabubuhay pa ba ako? Ano na bang mangyayari sa akin?

Naramdaman kong tumigil na ang paghila at paghigop sa aking katawan. Mukhang nakaalis na kami sa portal. Tahimik pa rin, walang nagsasalita. Tanging mga tunog lamang ng hininga ang aking naririnig.

Hakbang ng mga paa against sa damuhan...

Nasa bahay na ata kami nila Levine...

“F*ck!! Anong nangyari kay Penelope?!”

Shet. Kilala ko kung kaninong boses iyon!!

Caleb.

Ano? Paano? Anong gagawin namin? Anong explanation?

===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon