Seventeen

2.7K 78 16
                                    

A/N

Ang dami ko palang ire-revise 'pag katapos ko nito :/ HAHAHA. Matapos ko lang ang board exam ko ay bibilisan ko na 'tong i-update para masimulan ko na rin yung iba ko pang kwento =))

Sorry medyo mabagal pa yung phasing, medyo busy pa :) Pero nevertheless, I hope you're enjoying! =))

Levine's character reference on the mm side! <3

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

SEVENTEEN

“L-london?” Gulat kong wika ng naramdaman ko ang biglang pagyakap sa aking bewang ng mga matitipunong bisig.

“Mmm...Ang bango mo talaga Sibbyl.” Nilanghap ni London ang aking kulay tsokolateng buhok. Naramdaman ko naman ang init ng hininga nito.

“Bolero!” Natatawa kong sabi dito.

“Na-miss kita. Maghapon kitang hindi nakita. Saan ka ba nagpunta?” Wika ni London sa akin, sabay hinarap ako nito sa kanya.

“Dito lang sa loob ng palasyo...paikot-ikot sa paligid. Nag-aantay na sumapit ang gabi.” Ngumiti ako dito.

“Nasasabik ka na ba sa engagement natin?” Ngumiti din sa akin si London.

Yumakap ako dito. Nalanghap ko ang paborito kong amoy na nagmumula dito. Matamis.

“I can’t hardly wait.” Masaya kong wika dito.

Nagkamalay ako mula sa mahabang pagkakahimbing. Ang sarap ng pagkakayakap sa akin ni London. Ang human heat na napo-produce nito ay sapat upang punan ang panlalamig ng katawan ko. Hindi ko alam kung malamig ba talaga tuwing umaga or nasa pinaka-mababang temperature yung centralized aircon ng bahay na ito...

At bigla kong naisip kung sino nga ba si London...at bakit ko siya napapanaginipan. At bakit ko siya niyakap sa panaginip ko...at WTF? Bakit pakiramdam ko ay may kayakap pa rin ako?

Natatakot  kong unti-unting dinilat ang aking mga mata

Ang unang rumehistro sa aking diwa pagkamulat ko ay ang mahahabang pilik mata ni Levine. Tulog pa rin ito.

Nakayakap ako sa may bandang leeg nito at siya naman ay nakayakap sa bewang ko...nakadantay pa!

Bago pa ako mahiya sa kung ano man itong nagawa ko--

“AAHHH!!!” Sigaw ko at tuluyan na akong nag-panic! Binato ko ito ng unan sa mukha!

Nagulat naman ito at agad-agad na inalis ang pagkakayakap sa akin. “What’s the matter with you babae ka?!” Halatang nagulat ito sa mga pangyayari at halata ang pagtataka sa mga mata nito. Para naman itong pusa na agad na nakabangon mula sa pagkakahiga at ngayon ay naka-crouch sa gilid ng comforter niya. Parang handang umatake anytime.

Nakakunot ang noo ito at nakatitig pa rin ito sa akin. Natatabunan naman ng brown kong buhok ang kalahati ng mukha ko. I found him amusing with his bewildered look that I started laughing randomly.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon