Eight

3.1K 118 27
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

EIGHT

 

Don’t get too close, it’s dark inside. It’s where my demons hide, it’s where my demons hide. –Imagine Dragons

 

Asan ako? Anong oras na? Anong meron?

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Mapusyaw ang liwanag ng araw na nagmumula sa bintana. Hapon na ba? O dahil lang sa makapal ang kurtina?

Teka asan na nga ba ulit ako?

Tama, pumunta ako kina English boy kanina dahil magpa-practice kami nung ipe-perform namin dapat sa Humanities, tapos nag-practice naman kami. Andito kanina si Andrea, binigyan kami ng cupcakes at iced tea, tapos naki-CR ako, tapos...

Wala na akong matandaan.

Ang lamig naman. OA naman makapag-aircon sa lugar na ito.

Ano ba talaga ang nangyari kanina?

Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga at nakita ko si English boy na nakaupo sa tabi ng kama ko. Nagbabasa siya ng kung ano man. Black na cover na libro. Mukhang encyclopedia. Tatayo na sana ako mula sa kama ng bigla akong makaramdam ng hilo at napansin kong...wala akong damit!

Naka-bra at underwear lang ako, OMG. What-the-fuck-happened?

“AAAAHHHHHHHHHHHHHH!”

Niyakap ko ng mahigpit ang kumot sa aking katawan. Nagulat talaga si English boy sa ginawa kong pagsigaw at nakatayo na siya ngayon sa gilid ko...pero yung mukha niya...magkahalong lungkot at pag-aalala ang naaaninag ko dito.

“Anong nangyari?! B-bakit wala akong damit? Anong ginawa mo sa’kin?!” Kahit galit na galit ako, nangingibabaw pa rin ang hiya sa akin kaya hindi ko napigilang mag-init ang mukha at mamula.

“Calm down, Penguin girl! How are you?” Puno ng pag-aalalang tanong ni English boy.

“Nahihilo ako. Ano bang nangyari?”

“You collapsed in the CR a while ago.”

“Oh tapos? Bakit wala akong damit?”

“Aren’t you grateful that I rescued you?”

“Ni-rescue o tinangkang rape-in? Nag-collapse tapos paggising ko wala na akong damit?!”

“How dare you?! I won’t even attempt to rape you, eww.”

“Ang kapal mo!”

“It’s hard to explain what happened.”

“Eh talagang mahirap, english ka ba naman nagi-explain!”

“And you won’t believe in me anyways,”

“Aminin mo na kaseng pinagnasaan mo ako ng hindi ka na mahirapan mag-explain!”

“No I didn’t! You foolish warfreak penguin girl!”

At nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Niyakap ako ni English boy.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon