Ten

3.1K 85 35
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

TEN

Katulad nga ng nai-kwento sa akin ni Levine kanina ay everything is planned para matagpuan nila ako. The thought of it na may mga stalker ako gives me immense creeps!

“Nag-enrol kayo sa school na pinapasukan ko para lamang talaga sa’kin?” Patuloy ko pang usisa.

“Yes, and also to protect you.” Wika ni Andrea.

“Protect me from whom?”

“Sa mga alagad ni Greatest Demon na gusto kang patayin.”

“At bakit gusto nila akong patayin? Hindi naman ako demonyo noh!”

“Sa ayaw mo man at gusto, isa ka sa mga rare creatures na nalikha na may kakayahan to kill demons and half demons as well.” Wika ni Levine.

“The likes of you only appears once in every 500 years. You’re capable of doing many things..You’re capable of helping us...”

“...Help us destroy the Greatest Demon and his army!” Tumitig sa’kin si Andrea pagkasabi niya ng mga iyon.

“WHAT? Ako? Ni wala nga akong alam ni isang combat skill. Wala akong supernatural powers kagaya niyo! Nahihibang na ba kayo?” Shocked kong reply sa mga ito.

 “We can train you.” Wika ni Andrea.

“Uhm, no thanks?” Wika ko.

For god’s sake. Ayoko nga maki-epal sa labanan ng mga demonyo laban sa kapwa demonyo. I’m outta here.

I just wanted to live a NORMAL life, okay.

Masama na kung masama ang ugali ko, ngunit ayoko makisawsaw sa kanila.

 “Ibig sabihin pwede ko kayong patayin?” Casual kong tanong sa kanila. Just for the sake of curing my curiousity.

“Oo, kung kaya mo.” Levine replied smugly.

“Sa tingin ko hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano papatay ng demonyo. Wala akong special powers kagaya niyo, hello.” Irita kong sabi.

Natapos na rin kami kumain. Umakyat si Andrea sa 2nd floor, ikukuha niya daw ako ng damit samantalang ako at si Levine ay nagligpit ng pinagkainan.

“We need your help, Penelope.” Seryosong sabi ni Levine

“Hindi ko alam kung paano kayo tutulungan.”

Levine sighed when I answered that. Nagpatuloy naman ako.

“Sa totoo lang ay ayoko sumali sa gulo ninyo...”

“...Kung pwede ay labas na lang ako sa mga problema niyo?”

Hindi naman ako pinilit ni Levine. Hindi siya nag-rebut. Alam kong mahilig siya makipag-away sa’kin but this time, wala siyang sinabi na kahit ano.

Nasaktan ko ba siya sa pagtanggi ko?

“Gusto ko ng normal na buhay, Levine. Sana maunawaan mo. Gusto ko mag-aral. Gusto ko bumalik ng school. Gusto ko makita uli si Caleb. Alam mo naman yun eh,”

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon