===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
THREE
Yung hinihiling mo na 'wag makasama sa group project yung taong ayaw mo habang nagru-roll call yung Prof kung sino-sino magkaka-grupo.
Sabay,
kagrupo mo siya.
Astig. Ka-grupo ko yung sinapak ko, si English Boy. @_@
Bale yung subject namin ay Humanities. For Prelims, kailangan namin mag-perform sa buong klase ng something na may kinalaman sa music. Pwede kumanta, tumugtog ng instrument, mag-ingay ganon. Pero joke lang yung mag-ingay, music nga eh. K. Dami ko sinasabi pero naiinis ako at arghhh KASAMA KO SA GRUPO SI ENGLISH BOY.
So anyways, five per group. Bale ako, English-kainis-boy, dalawang babae na ngayon ko lang nakita ang pagmumukha (ay grabe, anti-socialism to the highest level) at isang lalake na kaklase pala namin, haha! (Akala ko nagkakamali lang siya ng pasok sa classroom namin sa Humanities kase mas madalas pa siyang absent kesa sa andito siya. Pero for some magical reason, present siya ngayong nag-groupings. lol)
"So what's our plan? What are we gonna do?" Sabi ni English boy.
"Siguro ano, kanta na lang tayo ng mga 2-3 songs, gawin nating mash-up or medley tapos may kanya-kanyang moment ng pagkanta, ganun, tapos pwedeng may mag-gi-gitara para malupet." Sabi nung kaklase kong lalake na kaklase ko pala.
"Hmm. Your suggestion is quite okay. We can start searching for songs that we can use and start rehearsing as soon as possible. We are given 3 weeks to prepare fo this, so we gotta do our best. This is our Prelim exam already, for God's sake."
"And please, let's all act very humane and resist the urge to punch anybody at all time, regardless of any situation."
Ulul. Isip-isip ko, habang tinitignan ako ng masama ni English boy. Di niya pa pala nakakalimutan yung mala-Paquiao move na ginawa ko sa kanya nung isang linggo nung nabasag niya yung CD Player ko at sinuntok ko siya. Sa kabutihang palad, ni hindi man lang kami na-guidance or walang nakakitang Prof sa'min (Ang saya-saya ko, lol) pero ang masama, ni hindi man lang niya inattempt bayaran yung CD Player ko. Hayup siya. lol Dami kong galit kay English boy hahaha. K. Okay na nga. Oldies na rin naman yung CD player at nasapak ko naman siya. Nyenye. Okay na yun.
Shet dami ko na namang inisip, di ko na naintindihan yung group discussion namin, haha!
"I am asking for the second time who can play an instrument? If no one can, it's cool."
"Kaya ko mag gitara." Sabat ko. "Pero kailangan ko pa aralin yung mga tutugtugin so suggestion ko, malaman ko na asap yung mga song choice natin para masipra ko na.
"What's masipra?"
"Ay ewan ko sa'yo English boy. Ma-practice, ganun. Tumigil ka na nga kase kaka-english, pwede ba. Naririnig kita mag tagalog at times. Wag ka nga maarte. Wag mo paduguin ang ilong naming lahat dito, pwede?"
"You know what, for a girl, you're very combative that you start to look like a man already! You swear like a sailor and you say your words brusquely. Are you really a girl? Maybe for all we know, you're homo and you're wearing a female's uniform. I have nothing against homos. However even if you're a homo, you should follow the school's required uniform and dress like a male student should!"
"Aba, gagong 'to ah!" Inis kong sabi.
"Oh tama na, chill lang kayo." Sabi nung isa sa dalawang babae na kaklase pala namin at nagpakilalang Cheska.
Ang sama talaga ng hilatsa ng dila nitong si English boy. Nakakasira ng araw 'pag nakakasalamuha ko siya. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya lol. Actually mga 3-4x ko na narinig sa roll call kaso parang nagkakaroon ako ng selective amnesia kapag inaalala ko. Hindi ko alam pero di ba dapat siya yung na-trauma kase sinuntok ko siya at hindi ako? lol At ano naman ngayon if hindi ko matandaan ang pangalan niya? For all I care di ba? Wala kong pakialam. Siguro mabaho ang pangalan nito. Pang-tatay ganun. Haha. Ang sama ko forevs...oops teka, may nag-text.
Caleb.
Oy, penguin. Pos nb klase mo? Tara kain. W8 kita dito sa Gate 3.
Haha. Ayun. Bumalik ulit ako sa mood. Ang saya ko. Ang saya-saya ko. Magkikita kami ni Caleb. Wee. Teka teka. Yung pagiging masaya ko eh sayang nararamdaman lang pag magkikita kayo ng mga normal friends n'yo, okay. Walang halong malisya. Baka kung ano isipin n'yo. Wala lang 'to. Nairita lang ako ke English boy at naging grateful much lang kase it turns out hindi ganun kasira ang araw ko, lol. ISA PA, WALANG HALONG MALISYA 'TO, OKAY.
"Why are you smiling like a fool you fake girl? Is there something wrong with your brain?"
"It's none of your business, hilaw na english boy. Che!"
Natapos na ang klase at dali-dali akong lumabas ng classroom para makipagkita kay Caleb. Ang weird. Habang palabas ako, nararamdaman kong nakatingin sa'kin si English boy. Problema nun?
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Jugendliteratur[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...