Twenty-One

2.3K 74 22
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

TWENTY-ONE

 

 

 

 

Hindi ko makilala sa salamin ang babaeng nakatitig pabalik sa akin. Hindi ako sure if ako din ba ito o baka enchanted din ang mga salamin dito sa kabahayan nina Andrea at Levine for all I know.

Tinry ko umikot-ikot, tinitignan ko kung susunod pa rin ang imahe sa salamin. Baka biglang tumigil. Alam kong nakakatakot ang thought na iyon ngunit kapag nangyari nga iyon, at least mas mapapalagay akong hindi nga ako ang babaeng nasa salamin.

Naka-make up. Hindi naman makapal ngunit hindi naman talaga ako nagmi-make up sa tunay na buhay. As if may fake na buhay eh noh. Nakatali sa left side ko ang kulay tsokolate kong buhok. Hindi mahigpit ang pagkakatali, tama lang. Kinulot ang mga dulo nito. Andrea insisted. Hindi ako nag-inarte at tumanggi. Kahit anong sabihin nito na dapat suotin at gamitin ko ay gagawin ko dahil alam kong para sa kapakanan ko iyon.

Hindi ordinaryong ball o party ang pupuntahan namin. Hindi ito ordinaryong okasyon. Hindi ito gaganapin sa normal na lugar.

Gaganapin ito sa Great Coven.

Tahanan ng mga undead.

Undead or Vampires.

Kinilabutan ako ng maalala ko kung anong mga klaseng nilalang ang makakasalamuha namin any time from now. Kanina pa binabantayan ni Levine ang palibot ng mansyon upang alamin kung saan magbubukas ang Great Coven ng portal papunta sa kanila.

Tinignan ko ng huling sandali ang aking itsura. Pwede na siguro ito—Peach na satin at chiffon na blouse. Sleeveless ito at medyo body-hugging. Naka skater skirt ako ng black. Naka-tuck in dito ang blouse. Ang sapatos ko ay peach na pumps. Nagku-compliment iyon sa aking suot na blouse. May strand of pearls na nakapalibot sa aking leeg. Lahat ng ito ay borrowed kay Andrea. Wala akong pam-party na damit.

Lumabas na ako ng kwarto ni Levine at bumaba sa grand staircase. Hindi pa ako totally nakakababa ay naramdaman ko na ang pares ng mga mata na nakatitig sa akin. Si Levine. Parang tuod na nakaupo sa sofa. At parang na-stun ito. Humihinga pa ba iyon?

“What’s up? Ano may portal na bang lumabas?” Bati ko dito.

“W-wala p-pa.” Utal- utal nitong wika.

“Okay ka lang? Bakit parang umurong ‘yang dila mo?!”

Namula ito at parang mas lalo pang nanigas sa kinauupuan niya. “What’s wrong with you?” Pang-aaway ko dito.

“Shut your big mouth later if you want to live long enough!” Mukhang nahimasmasan na ito sa pagkaka-stun. Hindi ko pa rin ma-figure out kung bakit ito na-tanga  kanina. May mali ba sa suot ko? I’m pretty sure naman na hindi ako pagmumukhaing tanga ni Andrea.

“I won’t even talk later.” Reply ko kay Levine. Totoo iyon. Natatakot ako, kabado – halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon pa lamang.

“And stay close to me. Don’t go anywhere else without me.” Seryosong wika ni Levine.

Tinignan ako nito at parang napi-pierce ang katauhan ko dahil sa intensity ng gaze nito sa akin. What did I do wrong? May fashion mishaps ba akong na-commit?

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon