===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
TWENTY-TWO
“Ang tagal niyo. Naligaw ba kayo? Eh isa lang naman ang daanan papunta dito?”
Si Andrea. Nakatayo sa isang sulok sa may gilid ng itim na gate. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nakita ito. Akala ko hindi na namin ito matatagpuan sa dami ng mga nilalang dito.
“Malayo kaya ang lakarin papunta dito at dun sa pwesto ng portal.” Reklamo ni Levine.
“Hay nako, dami pa reklamo. Tayo na nga sa loob.” Mataray na wika ni Andrea. Humahanaga ako dito. Parang hindi man lang ito apektado sa mga pangyayari sa lugar. Ni hindi makikitaan ng pagka-stress dahil sa mga kakaibang nilalang na nakakasalamuha namin. Nauna itong maglakad at sumunod naman kami ni Levine dito. Sinikap namin na wag mawala sa paningin namin si Andrea. Mahirap na mahiwalay sa kanya.
Siguro ay sanay na ito sa mga ganitong pagtitipon. Ilang pagkakataon na kaya ang nagdaan na naka-attend siya ng ganitong gatherings? Iyon siguro ang isa sa mga factor kung bakit parang confident na ito despite na napaka-creepy ng kinalalagyan naming sitwasyon ngayon.
May bumungggo dito na isang maskuladong lalake. Nagulat kami at natigilan. Si Andrea naman ay walang emosyon. Hindi umalis ang maskuladong lalake sa harapan niya. Hindi naman nagpatinag si Andrea at hindi rin ito umalis. Hello, ang laki ng daanan? Pero yung lalake talaga ang may kasalanan. Feeling ko nga, sadya yung pagkakabunggo sa kanya...
“Hindi ka ba magsu-sorry?!” Mataray na tanong ni Andrea sa nakabunggo sa kanya. Hindi ito nag-aangat ng paningin. Mas matangkad ang nakabunggo sa kanya. Natatakluban ng malaking sumbrerong itim ang mukha nito.
Nagtanggal ito ng sumbrero...
Nagulat ako at napahawak sa bibig ko ng makitang ang mukha ng lalake na kausap ni Andrea ay isang aso...o wolf. O basta hindi pala ito tao! Napahawak ako sa manggas ng damit ni Levine. Pinipigilan kong wag manginig sa takot. Hinila naman ako ni Levine palapit sa kanya.
“Wow...sarap.” Ngumisi ang taong-lobo (o aso) at lumabas ang mga matutulis nitong ngipin. Lumabas naman mula sa bibig nito ang malalaki nitong pangil.
Tinaasan lamang ito ni Andrea ng isang kilay at nagpamewang pa ito.
“Hindi ko alam na pwede pala ang mga tao sa ganitong pagtitipon...Paano ka naimbitahan? Ano ka alay? Iinumin ba ng mga undead ang dugo mo bilang parte ng okasyon na ito?” Nilabas pa ng taong-lobo ang dila nitong mahaba at binasa nito ang mga labi niya.
Parang eksena ito sa little red riding hood. Juice ko. Red-hair kase si Andrea tapos may na-meet siyang wolf na maskulado at naka-formal attire pa. Kakaloka.
“Hindi ko alam na pwede pala ang mga wolf sa ganitong pagtitipon?” Mataray na wika ni Andrea. Astig talaga ng babaeng ito. Ni walang bakas ng takot sa kanyang tinig.
“Well, nakakuha ako ng imbitasyon...Ang rude naman kung i-isnob-in ko iyon ‘di ba?” Ngumiti ng mas malaki ang taong-lobo at nakakapanindig ng balahibo ang pangitain na iyon.
“I wonder kung bakit ka nila binigyan ng imbitasyon?” Ngumiti si Andrea. God, nakuha niya pang ngumiti. Imba talaga. Samantalang ako at si Levine ay nanatiling mukhang tuod sa aming mga pwesto.
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Fiksi Remaja[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...