===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
TWELVE
No choice ako kung hindi bumalik sa weirdo na bahay nila Levine. Dala ko ang ilang gamit at damit na na-salvage ko sa aming bahay na recently ay inatake ng demons...at sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang sanhi ng pagkawala ng Dad ko at kuya.
Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay sinara nila lahat ng pinto at bintana. Actually pumitik lang si Andrea para isara lahat yun. Telekenesis daw ang tawag dun at most of the half-demons ay merong ganun, including him.
“Go to your room now, Levine. Isama mo dun si Penelope. Madali kayo.” Kabadong sabi ni Andrea.
“B-bakit?” Pagtataka ko sa mga pangyayari.
“Dali na. Dun ko na lang ie-explain.” Wika sa’kin ni Levine.
Di naman na ako naka-angal pa dahil hinila ako nito ka’gad at halos kaladkarin na ako nito.
Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto niya ay ni-lock nito ka’gad ang pinto at bigla itong pumikit. Ako naman, nakatanga.
Pagdilat muli ni Levine ay biglang nagkaroon ng parang transparent na bagay sa may pinto ng kwarto niya.
“A-ano yun?”
“Uhm, shield?” Sarcastic na sabi sa’kin nito.
“Aba, malay ko ba? As if naman nakakakita ako ng ganyan sa araw-araw kong pamumuhay di ba?”
Inirapan lang ako nito.
“What I’m trying to say is, para saan yan?” Patuloy ko pa rin na pangungulit dito.
“Andrea is strengthening the shields and demon repellent spells around the house. She’s using the most extreme ones especially now that she found out that there are demon activities happening very near our place.”
Hindi naman ako halos huminga habang ini-explain ni Levine sa’kin ang mga bagay na ito.
“Kapag natamaan ka ng mga spell na kina-cast ni Andrea, I tell you, mas grabe pa ang mangyayari sa’yo kesa dun sa nangyari sa’yo sa CR namin.”
Kinabahan naman ako ng nalaman ko ang bagay na iyon.”A-anong mangyayari sa akin?”
“You’ll disintegrate. Evaporate. Whatever you prefer between the two. They are just the same thing.”
“Kailan tayo pwede lumabas dito?”
“Kung kailan sabihin ni Andrea.”
Wala na akong nagawa. Napagod na ako makipag-verbal fight kay Levine. Uupo sana ako sa king size bed nito ng bigla ako nitong hilahin patayo muli. Napaka-bilis nito kumilos, halos hindi ko siya nakita.
“Ano na naman? Pati pag-upo bawal?!”
“You can’t sit on my bed with those clothes.”
“Grabe ha, hindi porke’t mas mayaman ka sa’kin eh minamata-pobre mo na ako!”
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...