===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
EPILOGUE
Excited na ako sa engagement party namin ni London. Sinuot ko ang pinaka maganda kong gown na kulay dark blue. Sinuot ko muna ang itim na corset bago ko isinuot yung gown. Napapangiti ako tuwing iniisip ko kung anong reaksyon kaya ni London kapag nakita nito ang itim kong corset.
Hindi ko na napigilan ang pilyang ngiti na namuo sa aking mga labi. Mukha akong tanga.
Sabay bumukas naman ang malaking wooden door. Si London.
“At bakit nakangiti ang maganda kong soon-to-be-bride?” Bungad nito sa akin.
“Wala ka na dun.” Mas lalo pang lumuwang ang pagkakangiti ko.
“Hmm.Naiintriga ako sa makahulugan mong ngiti, Sibbyl.” Lumapit si London sa akin at niyakap ako nito mula sa likod. Hinawakan naman ng dalawa kong kamay ang mga kamay nitong nakapalupot sa aking bewang.
Masaya akong kasama si London. Kahit wala ng engagement party. Kahit wala ng kasalan. Basta makasama ko ito habang buhay, okay na sa akin.
Basta alam ko lamang na ako ang mahal nito. Na ako lamang ang yayakapin niya ng ganito...
Naramdaman ko ang mga labi nito sa aking kulay tsokolate na buhok.
“Mahal na mahal kita, Sibbyl.” Wika nito.
Kahit ilang beses ko ng naririnig mula dito ang mga katagang iyon ay kinikilig pa rin ako sa tuwing naririnig ko iyon mula sa kaniya. Tila hindi ako magsasawang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya.
Humarap ako dito at tinitigan ko si London sa mga mata. Yumakap din ako dito.
“Mahal na mahal din kita, London.”
At nagtagpo ang aming mga labi. Kahit ilang beses na kaming naglalapat ng mga labi ay parang bago pa rin ang lahat kapag gagawin namin iyon. May kuryente pa rin...at walang hanggang kaligayahan.
Ako ang unang nagtanggal sa aming pagkakahalik.
“Halika na sa labas!” Masaya kong wika. “Tayo yung nagpapa-engagement party, tayo yung wala dun!” Natatawa kong wika dito.
“Hindi ba sila pwedeng maghintay kahit sandali?” May namuong pilyong ngiti sa mga labi ni London.
Hinapit nito ang katawan ko palapit sa kaniya. Hindi naman ako pumalag at nagpaubaya ako dito. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mas matagalan pa kaming makalabas sa kwarto ko kapag hindi ko ito sinaway!
“Hep, hep. Tama na iyan!” Kinurot ko ito sa tagiliran at nagkunwari itong nasaktan. “Halika na, wag na matigas ang ulo...”
“Madami pa tayong time para maglambingan after nitong engagement party.” Wika ko dito sabay kindat.
XXX
Magkasama kami ni London na pumasok sa bulwagan kung saan gaganapin ang engagement party. Halos marami ng tao ang naduon. Lahat ay abala sa pagdiriwang, sa pagkain, sa pag-inom ng champagne...sa pagsasaya. Lahat ng makasalubong naming tao ay binabati kami at wini-wish well kami.
Ang palibot ng hall ay napapalibutan ng magagarang kurtina. Lahat ng parte ay may nagkikislapang ilaw. Ang mahahabang lamesa ay puno ng masasarap at iba’t ibang putahe.
May live band. Ang sarap sa tenga pakinggan ng pinaghalo-halong tunog ng violin, cello at iba pang string instruments...
Bagay na bagay sa okasyong mangyayari ngayong gabi.
Para akong nasa fairy tale.
Inalalayan ako ni London papuntang harapan ng hall. May isang elevated part duon at duon kami nagtungo. Mukhang hihingin na nito ang aking kamay.
Nagtaas ng isang kamay si London at sumenyas na i-focus muna ang atensyon ng lahat sa amin. Nagsipunta naman ang lahat sa may harapan at inantabayanan ang paghingi ni London ng aking matamis na oo.
Lumuhod ito sa aking harapan at nagpalakpakan naman ang mga tao. May mga napatili pa at sumipol dahil sa ligaya. Lahat ay nagagalak.
“Sibbyl, will you marry me?” Sincere na tanong sa akin ni London. Naglabas ito ng maliit na kahon na gawa sa velvety material na kulay blue. Binuksan niya ito at naglalaman iyon ng silver na singsing na may malaking oval na diyamante sa gitna.
“Yes!” Maligaya kong wika at hindi na napigilang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Dala ito ng sobrang kaligayahan!
Tumayo na si London at tinanggal ang singsing sa blue na box. Isinuot nito sa palasingsingan ko ang singsing na may oval na diyamante. Mas lalong nagningning iyon ng tamaan ng liwanag ng ilaw.
“Bagay na bagay sa iyo, Sibbyl.” Wika ni London at niyakap ako nito. Niyakap ko naman ito pabalik ng mas mahigpit. Nag-uumapaw ako sa kaligayahan.
“I love you, London.” Sambit ko dito. Inihilig ko ang aking ulo sa matipuno nitong dibdib.
“I love you more, Sibbyl.” At hinalikan ako nito sa buhok.
Isa ito sa pinaka-perfect na gabi para sa akin.
Nang biglang may pagsabog na yumanig sa buong hall.
Gulat at takot ang makikitang nakapinta sa mga mukha ng mga tao sa hall. Niyakap ako ng mas mahigpit ni London. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
Biglang lumipad ang dalawang malalaking kahoy na pintuan. Naghiyawan ang mga tao sa hall ng dahil sa takot. Ang iba ay tumakbo pa palayo ng pintuan.
Mula sa pintuan ay nagsipasok ang mga lalake na naka-itim na tuxedo. Nagtataka ako kung bakit at ano ang pakay ng mga ito sa amin...guest rin ba sila? Bakit sila nanggugulo?
“London...alam mong bawal ang ginagawa mo.” Wika ng isa sa mga lalake na naka-tuxedo.
“Paano niyo ko natunton?” Seryosong wika ni London.
“Hindi na importante iyon...Ang mahalaga ay mapigilan ka namin sa kahibangan na ginagawa mo...” Wika uli ng lalake.
“Umalis na kayo. Hindi ko kayo inimbitahan!” Sigaw ni London.
“S-sino sila?” Takot kong wika.
Ngumiti ang isa sa mga lalakeng naka-tuxedo. “Siya ba ang dahilan ng pagsuway mo?” Ngumiti ang lalakeng nakaitim. Nakakapangilabot ang ngiti na iyon. Parang hindi natural. Parang pilit.
“Leave her alone! Ako ang harapin niyo!” Pumwesto si London sa harapan ko at akmang tinatago ako nito.
“L-london...anong nangyayari?!” Pagpa-panic ko. At hindi lang ako ang mukhang natatakot...Maging ang mga guest ay bakas na rin sa kanilang mukha ang pag-aalala.
Naglabas ng apoy ang mga lalakeng naka-tuxedo sa magkabila nilang kamay. Nagulat ang mga guest at natakot sa pangitain na iyon kaya naman kanya-kanya na silang takbo.
Tinira ng isang lalakeng naka-tuxedo ng apoy ang mga magagarang kurtina. Mabilis na nagliyab ang mga ito. At dahil paikot ang mga kurtina at magkakadikit, mabilis kumalat ang apoy sa palibot ng kwarto. Naiiyak na ako sa mga weird na nangyayari...at gulong-gulo na ako kung anong meron.
Sumugod ang mga lalake kay London. Anim laban sa isa.
“Dito ka lang. Pu-protektahan kita!” Wika sa akin ni London. Tumango naman ako dito. May tiwala ako dito.
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...