===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
NINE
Sa totoo lang ay dapat bothered ako ngayon dahil hindi kapani-paniwala ang mga nasaksihan ko kani-kanina lang.
1) Half-demon si Levine.
2) Nag-transform pa siya sa harap ko para patunayan na hindi siya nagju-joke.
3) Naka-bra at panty lang ako paggising ko.
Not to mention na nahilo ako kanina sa CR at hinimatay pero heto ako ngayon sa bongacious na living room nila Levine at nagkakape na parang nangyayari lang sa normal, everyday mundane life ang mga pangyayaring nasaksihan ko at mga katotohanang nalaman ko.
Naka-robe lang ako na dark red ang kulay ngayon dahil ayon kay Levine, sinunog na niya yung mga damit ko kanina.
“At bakit mo naman sinunog yung mga damit ko?! Alam kong hindi branded yung mga yun pero bakit kailangang sunugin?”
“I can explain my actions accurately later, you warfreak Peng! Relax!” Sabay binato ako ni Levine ng dark red na robe.
“You can wear that for the mean time. Let’s wait for Andrea. She can give you some decent clothes later.”
At heto na nga. Iniintay na namin si Andrea na napagkamalan ko pang espasol dati. Yun pala, half-demon din siya. OMG! Imagine the horrors if nakipag-cat fight ako sa kanya para lamang kay Caleb. Tiyak ma-leletson ako. Ni hindi ako aware na may powers si Andrea at ni hindi pala ito tao.
“Half of the real reason why I’m making Andrea stay away from Caleb is because she is also a half-demon, she might cause trouble to Caleb.” Explanation ni Levine sa’kin kanina habang pinagtitimpla niya kaming dalawa ng kape.
“Bakit half lang? Ano yung whole? Ang dugas naman nito!”
“The other half of the real reason is because she already accomplished her mission.”
“Pucha, wala akong naintindihan.” Pagmamaktol ko kay Levine.
“You’ll understand everything in their perfect time.”
“Whatever. Punyeta. Nakakainis ka kausap. Puro riddles. Magsalita ka nga ng pantao!”
“Okay fine! Her mission is to find you.”
“At bakit niya ko hinahanap aber? Lilitsunin niya ako kase type ko din si Caleb ganun?”
“You’ll find out later why.I’ll let her explain everything.”
Bumuntong hininga na lamang ako. Okaay. Everything is going really weird and I’m losing grip of everything and every knowledge na nalalaman ko. In fact napapa-english na rin ako habang nag-iisip. God. Damn you, Levine!
“So hindi totoo na type ni Andrea si Caleb?” Taklesa kong tanong kay Levine.
“Like I’ve said, it is just a part of the mission. Everything is part of the show to find you. However, she didn’t know that I found you first.”
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...