===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
FOUR
Kanina pa ako naka ngiti na parang tanga, na parang ewan.
Umalis ako sa school na ganito na yung state ng facial expression ko, naglakad ako papunta sa kainan na sinabi ni Caleb na andun siya na ganito ang ka-ichurahan ko.
Yung nakasalubong kong complete male stranger eh nakatingin sa'kin, feeling niya siguro nginingitian ko siya. Or baka feeling niya may topak ako. Or baka ganito lang talaga ang normal kong itsura. Whatever.
Kulang na lang mag-bounce ako. Every foot step, parang gusto ko na tumakbo.
Pero kailangan poised pa rin. Pa-cool. Pa-presko. Pa-demure. Hay shet dami iniisip. Dami iniintindi. WTF makikipagkita ka lang naman kay Caleb. Like hello? First time mo ba?
Hindi ka pa ba sawa kay Caleb like siguro mga 3-4x a week mo siya nakikita? Mukha kang tanga. Si Caleb lang yan, hello. Tropa. Barkada. Pwede ng best friend. Ganun.
Ganito ka ba ka-antisocial ha Peng? at sabik kang makakita ng kaibigan? Abnormal ka talaga kahit kailan. O ayan chill, andito ka na. Inhale, exhale. Relax. Bakit nanunuyo lalamunan mo? Sira ka talaga.
Asan si Caleb? Panicking. Shut up Peng. Bakit kailangan mag-panic eh ang liit-liit lang naman ng fastfood na 'to. Makikita mo rin...
Si Caleb.
Si Caleb nga. Nasa isang table sa sulok. Tumatawa. No. Humahalakhak.... May kasamang babae. at si Atey, lakas din makatawa ha. Wow ha. Stand up comedian na pala si Caleb ngayon. Wow atey ha. Magkano binayad mo?
Bakit ganun naiinis ako? Para akong shunga naman. Na-stuck na 'ko sa kinatatayuan ko. At iritang-irita ako sa bawat pagtawa nung babae na mukhang espasol. Mga 3 inches siguro yung kapal ng powder. Or more.
At anong nangyayari sa'yo Peng? Bakit bigla kang naging hater? HAHA. Kailan ka pa natuto manglait ng kapwa? LOL.
"HOY PENGUIN! Andyan ka na pala! Kanina ka pa?"
Muntanga si Caleb kung makatawag. Ngiting-ngiti pa. Kandidato teh? Infairness...bagong gupit ang loko. Bagay sa kanya ha.
"Huy Caleb! Ano musta?" Todo smile ang peg ko. Nakikita ko sa corner ng mata ko eh nakatingin sa'kin ng OA si Ateng espasol.
"Upo ka muna Penguin, tinuturuan ko lang ng Algebra 'tong si Andrea. Peng, this is Andrea. Andrea, this is Peng...
...friend ko."
"H-hi." Bigla akong nautal sa hindi malamang dahilan.
"Oh hi Peng! Ikaw pala yun. Lagi ka sa'kin naku-kwento ni Caleb. Yung barkada niya daw na girl na lagi niya kasama! Nice meeting you!"
Shucks nag-abot pa ng kamay si Atey espasol este Andrea para makipag-shake hands. Kinuha ko naman. Peng umayos ka. Anyayare sa'yo?
Ayun nag-shake hands naman kami. Red nail polish si Andrea. Hanlupet.
"Napaka-funny nitong si Caleb, mas madami pa akong tawa kesa naintindihan dito sa Algebra na tinuturo niya! I hope you don't mind me joining his company from time to time ha? We can also be good friends, Peng!" Masayang sabi ni Andrea.
"Ah, eh, oo naman...ahehehe," mahina kong reply.
Lumipas ang 1 hour...2 hours. Masaya naman...sila na nag-aaral ng Algeb. I mean masayang naghahampasan, naghaharutan at nag-aasaran at nagtatawanan at... haay okay. Minsan naman napapansin nila ako na nage-exist pala ako, LOL kasali pala ako sa mesang yun. May ISA pa palang tao bukod sa kanilang dalawa.
Naka-order ako ng dalawang regular fries, dalawang cheese burger at isang Coke float sa buong time na inilagi ko sa mesang kasama silang dalawa. Para akong nanuod ng movie infairness ha. Dapat pala nagbaon ako ng popcorn.
"Okay ka lang?" Tanong ni Caleb.
"Yup, busog na busog ako, hehe." Reply ko, may mai-reply lang pabalik.
"Ey guys, uuwi na ba kayo? Let's just wait for my kuya ha. Susunduin niya ako here eh," Sabi ni Andrea, habang nakatingin at nagpi-pipindot sa cellphone niya. Halatang may ka-text.
"Oy ayan na pala kuya ko! Guys!! I want you to meet my kuya when he gets here!"
Nakita kong papasok ng glass door si English Boy.
===========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...