Thirteen

2.9K 85 24
                                    

Amnesia by 5SOS ang background song ng chapter na ito. Hehe! :) Youtube vid on the mm side! Enjoy. :D

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

 ===========================================================

THIRTEEN

 

 

 

 

Mabuhay na parang normal.

Ito ang unang plano matapos ang recent na pagkasira ng bahay namin at pag-abduct sa Dad ko at kuya.

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon ng school uniform sa kwarto ni Levine. Samantalang siya ay nasa baba naman.

“Hey penguin girl! Can you make it faster? Mali-late na tayo!” Sigaw nito galing sa baba

Hindi naman ako nag-reply dito. Bahala siya sa buhay niya. 

Masyadong fit ang uniform ni Andrea para sa akin. Hindi ako sanay. Binigyan niya kase ako ng mga uniform sa school since wala akong na-salvage ni isang uniform dun sa dati kong tirahan.

Napagtanto ni Andrea na kung sino man o kung ano man ang dumukot sa Dad ko at kuya ay malamang sa malamang ay may gusto itong kapalit. Napagtanto niya ito dahil kung gusto lang naman talaga patayin ng kung sino man yung pamilya ko eh ‘di sana ginawa na nila kaagad. Wala namang laban ang mga iyon.

Naisip ni Andrea na baka may kailangan sa akin ang mga dumukot. Mag-antay na lang daw kami. Sooner or later ay may lalabas din upang sabihin ang kanilang tunay na pakay.

Maging vigilant at maingat.

Ito naman ang pangalawang reminder sa akin ni Andrea. Tinanong ako ni Andrea kung ilang taon na ako. Sabi ko, magi-eighteen years old na ako. Kaya naman daw pala. Nagtaka ako kung anong meron. Sinabi nitong sa ganitong time daw lumalabas ang special abilities ko. At naaamoy daw ng mga demons yun.

What the heck. Anong kashungaan na special abilities? Ni wala nga akong ibang nararamdaman sa sarili ko kung hindi ka-normalan at recently depression at malubhang pag-aalala para sa pamilya ko.

Itong dalawa daw muna ang pwede at dapat naming gawin sa ngayon. Siya naman daw, however ay patuloy na magri-research sa maaaring kinaroroonan ng Dad at kuya ko.

“Peng! Why are you taking forever to—“

Hindi na nakapag pigil si Levine na akyatin ako sa kwarto niya. Siguro sobrang tagal ko ng nagbibihis. Paano ka ba naman gaganahan pumasok kung may mga malalaki kang pinuproblema? Kaso sinabi ni Andrea na huwag ko naman daw sirain yung ibang aspeto ng buhay ko ng dahil lang sa ibang bagay. They are going to help me. Guaranteed daw yun. That is why they are here daw.

At ito namang si Levine, nakatulala sa harapan ko. Ano na namang pakulo nito. Parang gago.

“Ano na namang tinitingin-tingin mo diyan?!” Na-conscious naman ako kahit papaano at hinila ko kung saan –saan ang masikip na uniform ni Andrea. Body fit ito at hindi talaga ako kumportable.

Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon