===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
NINETEEN
Dalawang araw ang lumipas simula ng una kaming nag-training. Sa tingin ko ay mas mabilis na ako ngayon, mas maliksi at mas listo mag-isip. Competitive na ako sa labanan somehow. Pero ang kinakatakot ko ay kapag gumamit na ng supernatural element or powers ang mga kalaban. Kagaya ng ginagawa ni Andrea at Levine. Alam kong normal lang akong nilalang at wala akong kakayahan gumamit ng mga ganitong uring abilidad. Kinakabahan ako kung ano mang maaaring mangyari sa akin kapag napasubo na ako sa ganitong sitwasyon. Pinapalakas naman ang loob ko ni Levine. Sinabi niya na kaya ko naman daw ilagan ang mga ganuong atake at sa bilis ko daw makaisip ng technique kung paano lalaban pabalik o kaya ng counter attack, malamang ay bago pa makabuwelo ang kalaban ay napatulog ko na iyon o kaya ay natapos ko na ang buhay nito.
Kinilabutan ako sa term na tapusin ang buhay ng mga ito.
Kase kahit let’s say na demonyo ito o kung ano pa mang uri ng nilalang ito, hindi mawala sa aking isip na, well, may buhay ito. Parang hindi ko pa rin masikmura na kumitil ng buhay kahit gaano pa kahalang ang kaluluwa ng mga iyon.
Pero kapag naaalala ko ang ginawang pagdukot sa pamilya ko at ni hindi ko na alam kung ano ng nangyari sa kanila, kumukulo ang dugo ko. Yun ang nagiging pang-motivate ko para tapusin kung sino mang nakaharang sa aming daan at misyon.
Handa akong gawin ang lahat para sa pamilya ko.
Naputol ang aking pagmu-muni-muni ng hinawakan ako ni Andrea sa balikat. Kakatapos lang ng training namin sa araw na ito. Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng lumang swimming pool. Naka-unat ang aking mga binti. Pinapahinga ko ang mga iyon dahil kakagaling ko lang sa extraneous activity. Ang mga palad ko ay nakalapag sa lupa at ginamit ko itong support para iliyad ang upper part ng katawan ko. Some form of stretching ba. Nakatingala ako sa langit ngunit sarado ang aking mga mata.
“Gising na si Caleb.” Mahinang wika ni Andrea. Nagulat ako at sabay binalikwas ko ang katawan ko paharap dito. Tumingin ako dito at naka-half-smile ito.
Nagsimula na itong lumakad palayo. “Sunod ka na lang. Mukhang okay na siya.” Wika nito at tuluyang pumasok na muli sa pintuan na natatakpan ng kurtina ng vines.
Agad-agad akong tumayo at sumunod kay Andrea.
Pagpasok ko ay nakaupo si Caleb at Levine sa sofa at... nagbi-video games?! Parehas na mahigpit ang hawak ng mga ito sa controller at titig na titig sa TV.
Napatanga lang ako sa harap nila. Parang wala namang balak lumingon at magpa-istorbo ang mga ito.
“Uhmm...” Wala kong sense na pagu-umpisa ng sasabihin.
Lumingon naman sa akin si Levine saglit at pagkatapos ay tumingin na uli sa TV. “Hey, Penguin.” Matipid nitong wika.
Inirapan ko naman ito kahit hindi niya iyon nakita. Ewan ko ba, naging automatic na ang pag-irap ko dito.
“Nandito si Peng?” Wika ni Caleb na hindi naga-alis ng tingin sa TV.
“H-hi.” Nahihiya kong wika.
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Fiksi Remaja[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...