===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
TWENTY-THREE
Ibang-iba ang lugar na nakikita ko ngayon, malayo sa concept ko ng isang Vampire’s lair o coven. Modern ang loob ng medieval na itim na palasyo. Facade lang ang old rotting castle image nito. Mukhang lobby ng 5-star hotel ang bumungad sa amin pagkapasok na pagkapasok.
Mataas ang kisame at nasasabitan ito ng mga magagarang chandelier. Well lit ang lugar. Sino bang nagpauso na takot sa liwanag ang mga bampira? Heto nga at may mga strobe light pa sa paligid. Parang scene ito sa mga high-end na mga gimikan.
Ang buong lugar ay iniayos para sa sinasabi nilang okasyon. Nakita kong itinabi sa gilid ang ibang kagamitan at tinakpan ng mga kulay maroon na tela. May mahahabang mesa sa gilid na puno ng pagkain at inumin. Kumalam ang sikmura ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nagugutom. Na-suppress ang gutom ko dahil sa tensyon na nadama ko kanina pa before pa lang pumunta dito.
“Don’t touch anything. Don’t eat anything. “ Bulong sa akin ni Levine. Winarningan kaagad ako nito...Siguro ay nakita nitong malagkit ang tingin ko duon sa isang whole roasted chicken na glazed ng honey.
“Oo.” Reply ko dito ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang dami ng masasarap na pagkain dito sa lugar.
May mga nagse-serve ng drinks...And I wonder kung ano ang mga iyon. Hindi maalis sa isipan ko na baka dugo yung mga iyon. But will the vampires serve that? Eh alam naman nilang hindi bampira ang mga panauhin nila? At saka ang hirap-hirap ata kumuha ng dugo tapos ipapamigay pa nila sa amin...Ano sila baliw?
At isa pa, totoo kayang umiinom ng dugo ang mga iyon? Hindi ko man lang ito naitanong kina Andrea at Levine at alam kong hindi ito ang magandang time para tanungin iyon. Baka may makarinig sa akin at mahirap na malaman na newbie ako sa mga ganitong occasion. Baka mapag-initan pa.
“Margarita for the beautiful creature?” Nabigla ako na may lumapit pala sa aking waiter. Naka-bow tie ito ng black at crisp and clean ang suot na waiter attire. Maging ang sapatos nito ay kumikinang na itim.
“Uhm, no thanks, I don’t drink.” I managed a weak smile for the waiter who is offering me some liquor. Akala ko normal na tao ito ngunit ng natitigan ko ito ng mabuti, may mga stripes pala ito sa balat na green...At ang mga eyeballs nito ay kulay dilaw. May gold ring din sa pagitan ng mga nostrils nito. Yung parang sa mga baka.
“But I insist.” Pangungulit nitong taong green stripes baka sa akin. At bilang pagiging makulit nito ay iniabot na nito mismo sa akin ang margarita. I wanted to look at Levine but I don’t want to give this monster an idea that I’m just a little, weak and afraid girl deep inside. I don’t want anyone to see behind the facade. I wanted everyone here to think na matagal na ako nakaka-attend sa ganitong occasion and I am strong, so don’t mess with me.
Kinuha ko ang margarita glass. Pinagmasdan ko ang pinkish nitong kulay at may berry pang nakasabit sa labi ng baso. Ngumiti sa akin ang waiter at nginitian ko ito pabalik. “Thank you.” I managed to tell him that without stuttering. God, I’m still keeping this facade of mine intact. Congrats Peng.
BINABASA MO ANG
Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
Teen Fiction[UNEDITED] "Do you believe in demons?" "Alin yung mga nasa hell?" "Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so," "Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?" "I just wanted...