Dismissal na pero kinakausap pa din sila ng kanilang professor. Naupo naman sila malapit sa table ng kanilang guro at magkatabi,
"I choose you both kasi your works can jive into one. You need each other literature and references. Just do your best. Goodluck on the debate. Any questions?" pareho lang silang umiling.
"Ok I'll go ahead. More info about the debate sa Bulletin board or just appraoch me." pagkatapos ay umalis na ang kanilang professor.
At dahil hindi sila in good terms ngayon. Hindi na nagsalita si Devon at umalis na lang.
Pero bago pa ito makalabas ng pinto hinawakan ni Sam ang kanyang braso.
Nagulat naman si Devon pakiramdam niya na parang ulit kinukuryente na siya at dahil hindi na siya nagtitiwala sa binata ay ayaw na niya itong lumapit sa kanya o ano pa man gaya ng ginagawa niya dati.
Napagdesisyonan na ni Devon na hindi na siya makikipagugnayan kay Sam o kahit makipagkaibigan dahil hindi na niya kayang magtiwala dito dahil sa mga nalaman niya. Sabi nga niya nung una na hindi siya gaanong desperada at nagpapasalamat din siya na naitago na lang at hindi pa nasabi sa binata ang kanyang nararamdaman. Kahit gaanon man lang naitayo niya ang kanyang sarili natanggap na kahihiyan.
Gayunpaman lahat ng exchanges of kisses and hugs nilang dalawa ay totoo. Hindi naman pinagsisihan ni Devon lahat yun dahil ginusto din niya yun bugso na kanyang nararamdaman pero ang hindi lang niya matanggap ay nasayang lang at hindi ito pinalagahan yun ngayon ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Napabalikwas siya, "Bitawan mo nga ako. Sige sabihin mo na ang mga sasabihin mo. Just dont touch me. Dont come too near to me. " na may pagkaseryoso.
Nagulat naman si Sam sa inasal ng dalaga lalo na sa mga hinihingi niya dahil hindi niya yon kayang ibigay,
"Devon. Just let me explain." mahinahon na pagkakasaad ni Sam.
"No. Dont waste any of your efforts Sam. Bakit ka pa ba magpapaliwanag, sino ba ako sayo?" sinabi niya ito na nakatingin sa mata ng binata.
Bakas sa kanyang mata ang hinanakit. Hindi nakaimik si Sam dahil nasaktan siya sa mga narinig. Kung sana mabigyan siya na pagkakataon magpaliwanag at nang hindi makasagot si Sam nagpatuloy si Devon,
“Nasaktan mo na ako. Siguro fair enough na rin yun sayo.” Naluluhang pagkasabi at tumalikod na ito at tumakbong papalayo ayaw niya kasing makita niyang umiiyak ito.
Dumiretso na ito palabas ng school at papunta ng cafeteria para simulan ang kanyang trabaho.
Pinupunusan niya ang kanyang mga luha habang tumaktakbo dahil hindi niya makita ng malinaw ang daan at napapansin din siya ng mga tao nakakasalubong niya.
Napansin naman ng kanyang kaibigan ng kanyang namumulang mata, “Nagkausap na ba kayo?” tila naging concerned sa kaibigan.
Tumango lang ito habang inaayos ang kanyang sarili. Pinupunusan niya ang gilid ng kanyang mata dahil naluluha siya ulit at nagsalita,
“Paano na ako makakapagmove on niyan. Tsaka makalimutan yung mga ginawa niya. Magkasama kami ngayon for school’s debate.” Pahayag ni Devon sa kaibigan.
Ramdam ni Kyra ang kalungkutan ng kaibigan. “I feel for you , friend. Isipin mo trabaho lang. Alam ko mahirap yun. Just be strong.” Advice naman nito sa kaibigan.
Nagsimula na ang shift ni Devon at siya ngayon ang nakatoka sa pagserve ng mga orders, nagulat naman siya kung sino ang tatanggap nun walang iba kundi si Sam,
“Kung sinusuwerte ka nga naman.” Bulong ni Sam pero tama lang para marinig ni Devon.
Walang gana makinig si Devon sa kanya iniwan ang kanyang take out order at tumalikod, “Where do you think your going?” na hinawakan ang wrist niya at tumayo.
“Bitawan mo nga ako. Kung pwede sa ibang oras mo na ako kausapin. Nasa trabaho kasi ako ngayon.” Na hinihila naman ang kanyang kamay.
“Hindi kumpleto order ko saad ni Sam kay Devon.” Na mas hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kanyang wrist.
“Anong hindi? Kumpleto naman ah?” sabay kuha ng copy of receipt of order ni Sam.
“Hindi ba nila na sabi sayo na kasama ka sa order ko?” saad ni Sam na may pilyong ngiti.
“Anong ako kasama?!” na di mapakaniwala si Devon sa kanyang narinig.
Hindi na nagsalita pa si Sam bagkus kinarga na niya si Devon at pinatong ang katawan ng dalaga sa kanyang balikat.
“Wag ka ngang malikot” at kinarga na niya ito kung saan nakapark ang kanyang sasakyan. Sa labas naghintay si Sam para na din di na siya mahirapan.
Kumakawag naman ang mga legs at hinahampas niya ang likod ni Sam para bitawan siya. Pero di natinag ang binata.
Inilapag niya ito dahan dahan sa passenger seat katabi niya at nilagyan ng seatbelt at tinutulak naman ito ni Devon dahil ayaw niya sumama,
“Sam! Kahit kelan talaga.” Panghihimutok naman ng dalaga.
“Dont worry. Im not gonna hurt you like you think I did.” Mahinahon na saad ni Sam.
Natameme naman si Devon, “Just sit. Relax.” Dugtong naman si Sam at tumawa at tumakbo na sa driver seat para mapaandar ang sasakyan ng hindi mabigyan ng pagkakataon na makaalis ang dalaga.
Pinaandar na niya ang sasakyan habang nagse-seatbelt pagkatapos ay nagdrive na.
“Saan mo ba ako dadalhin?” na tila di mapakali ang dalaga sa kanyang kinauupuan.
“At our home.” Lumingon ito at ngumiti sa dalaga.
Mas hindi naman mapakali si Devon dahil sa condo pala ng binata siya dadalhin at tinatago niya sa kanyang sarili ang kanyang kabang nararamdaman.
