Parang nagiba naman ang pakiramdam ni Sam sa narinig na parang wala ng nararamdamn si Devon sa kanya, na ginagawa lang niya lahat ito para sa kanilang deal at dahil doon ay parang nagiba ang kanyang mood na naiinis na di mawari.
Sam park his car after, he walks fastly at nagulat naman si Devon sa kinikilos ni Sam kung bakit iyon nagmamadali. Then they rode the elevator at hindi pa din umiimik si Sam at pagdating sa kaniyang condo,
“Devon, pakalinis ng terrace bukas ng umaga. Isama mo na din ang pool.” Saad nito at nakatingin ng seryoso sa dalaga. Di naman makapagsalita agad si Devon at tumango na lang.
Pagkatapos ay dumiretso na si Sam sa kanyang kwarto at may pagkalakas ng pagsarado ng pinto.
“Ano kaya nangyari dun?” tanong ni Devon sa kanyang sarili hanggang pagpunta sa kanyang kwarto ay iniisip niya pa din kung may ginawa ba siyang di nagustuhan ng binata.
Inalala niya ang lahat at inisip nito dun siguro sa pinagusapan nila sa kotse bago umalis sa venue ng party.
Hindi nakatulog ng maayos si Devon hanggang sa pagalarm ng orasan nito. Bumangon na lang ito para maipaghanda ng agahan ng nailatag ni Devon sa mesa ang mga pagkain ay tamang tama na lumabas na si Sam sa kanyang kwarto,
“Sam, kain..” pero sumingit agad ang binata,
“Devon, I have to go. Im going to gym with Aaron.” At dali daling lumabas sa pinto at hindi na pinansin ang nakahandang agahan sa mesa.
Nalungkot naman ang dalaga sa nangyari. Di na din siya ginanahan kumain kaya niligpit na lang niya ito.
While at the gym. Nagkita sila ni Aaron sa lobby.
“Bro, ang aga naman natin maggym ngayon? O dahil nagaway na naman kayo ni Devon?” pabirong sambit ng kaibigan.
“Tigilan mo nga ako ang aga aga ng aasar ka na.” seryosong saad ni Sam.
“Chillax Bro!” saad naman ni Aaron at pumasok na ito sa gym.
Pumunta na sa threadmill si Aaron para simulan ang kanyang routine exercise pero si Sam ay nakaupo sa bench at mukhang di ginaganahan.
“Oh! Wag mong sasabihin pinapunta mo ng maaga dito para lang umupo?” pabirong saad ulit ni Aaron.
Pero wala sa mood si Sam sa biruan ngayon at hindi na pinansin ang kaibigan.
“Ano ba kasing nangyari?” at umupo ito sa tabi ni Sam at ngakwento naman ang binata sa nangyari sa kanila ni Devon sa party hanggang sa usapan nila sa kotse bago umalis sa venue,
“Parang wala ng nararamdaman sa akin si Devon. Sabi pa niya sa akin na ginagawa lang niya yun dahil sa pinagkasunduan naming deal.” Malungkot na pagkakwento ni Sam.
“O, baka ganoon na lang talaga? Mahirap na magassume Sam. Ano ba pakiramdam mo towards Devon sayo?” seryosong saad ni Aaron.
“Di ko lam, Bro. Pero isa lang alam ko, mahal na mahal ko talaga siya.” Saad ni Sam sa kaibigan.
Sa condo naman ay nagsimula na maglinis ng terrace si Devon. Nagwalis walis na siya sa terrace at pinalitan ang tubig ng swimming pool at tinakpan niya ito para di mahulugan ng kung ano mang dumi sa tubig pagkatapos ay biglang bumuhos ang ulan.
Sa pagmamadali ay nadulas ito. Dahan siyang tumayo at pumunta sa kanyang kwarto upang magpalit at ng tignan niya ang kanyang likuran ay pasa ito at medyo masakit.
Ininda ni Devon ang naramdaman ng biglang pakiramdam nito ay may sinat na siya kaya nagpumunta ito sa clinic upang magpakonsulta at may di naman siya inaasahang makita.
