CHAPTER 37:

469 5 0
                                        

Two weeks  na lang ang natitira sa kanilang preparation for the debate at naging busy sina Sam at Devon at nanghingi siya muna ng leave ng ilang araw para mapaghandaan ito.

Habang sa school canteen na nila balak kumain para mas madali bumalik sa library at nagvolunteer naman si Sam na siya na bumili ng pagkain nila at naiwan si Devon sa lamesa para bantayan ang gamit nila at biglang may lumapit,

“Hi Devon! Pwede makishare?” saad ng lalaki na may hawak ng tray dahil nakaorder na siya ng pagkain.

Nagulat naman si Devon kasi isa na lang ang bakante at para kay Sam na lang ang pwesto na iyon, “Sorry Ivan pero reserved na kasi yan.” Saad ni Devon.

“Ganoon ba? Sige hanap na lang ako ng iba. Ito oh baka naiinip ka na. Inumin mo muna ito.” Sabay abot ng Coffee Java chip at nagaalangan naman si Devon na tanggapin ito,

“Mine!” mahinang sigaw ni Sam at napabuntong hininga naman si Devon.

“Buti na lang dumating ka na.” saad niya sa kanyang isipan dahil hindi siya komportable kapag umaaligid sa kanya si Ivan. Hindi niya maintindihan pero ayaw niya ng presensya ng binata kung saan man siya.

“Sige mauna na ako.” At nilapag niya ito sa lamesa at umalis. Nakita naman ito ni Sam lumapit at nilapag ang tray sa lamesa,

“And what’s this?” na parang naiirita sa bagay na hinawakan.

Kibit balikat lang si Devon, “Inalok niya sa akin yan. Nahihiya naman ako tanggapin.” Saad ni Devon.

“Talaga? Ayaw mo nito?” na parang sinusigurado si Devon at umiling lang ang dalaga.

Tumalikod naman si Sam at pumunta ng basurahan at diretso tinapon ang beverage at nakita naman iyon ni Devon,

“Bakit mo naman ginawa yun?” na parang nagtataka.

“Diba sabi mo ayaw mo nun. Kaya tinapon ko na lang.” saad ni Sam na may pagkasarkastiko.  “

Sayang naman kasi.” Na may paghihinayang.

“Yun lang ba?” tumayo bigla si Sam sa kinauupuan at umorder instead of Coffee, Chocolate Java chip ang inorder nito with caramel syrup para sa kanilang dalawa at bumalik kung saan ang pwesto ni Devon.

“Here especially for you.” At inabot sa dalaga.

Masayang tinanggap naman ni Devon ang inaalok ni Sam kumpara kay Ivan at nagsimula na sila kumain ng lunch. Iba kasi kapag sa taong mahal nanggaling ang isang bagay yun ang saad niya sa kanyang sarili.

Then two weeks had passed and this was their judgement day. Ito na kasi ang araw ng kanilang debate at pinaghandaan talaga ito nila Sam at Devon. Reports made were presentable and organized. Inputs are well researched. Kaya namangha ang mga panels dito.

Eventually sila ang tanghalang best debater and best report. Both went to stage to receive their awards and certificates. At pagkababa niya may naghihintay  kay Devon at inabot ang boquet of flowers.

Maraming nakatingin kaya nahihiya ito na hindi tanggapin at maraming bumubuyo sa kanila at sumigaw ng “Kiss!”.

Hindi naman matiis ni Sam ang kanyang nakita dahil nga girlfriend niya ang andoon kaya lumapit ito.

While si Devon tinanggap na lang ang bulaklak at makaalis na.

Pero naramdaman na lang niya na may humawak sa kanyang kamay at naginterlaced ito ng kusa sa mga daliri nito at hinila na siya papaalis.

Si Sam iyon at di umiimik at lumabas na lang sa lugar. While ang mga tao ay nagulat dahil si Sam Concepcion pala iyon at nahiya sila sa kanilang inasal.

Nang nakaalis na ito sa lugar at nagsimula na itong nagsalita,

“Kung gusto mo naman pala ng bulaklak. Sana nanghingi ka na lang sa akin.” Na may bahid ng pagseselos.

“Hindi naman ako nanghingi. Binigay na lang niya ito sa akin. Nahihiya akong di tanggapin. Kasi madami ang nakatingin.” Saad naman ni Devon at di na umimik si Sam at mukhang nawala sa mood.

Dahil ayaw niya may nakakuha sa attensyon ni Devon maliban sa kanya. Napansin na ito ng dalaga at umalis bitbit ang bulaklak.

Nagulat si Sam kung saan ito papunta  yun pala sa basurahan at tinapon ni Devon ang mga bulaklak at bumalik kay Sam.

“Wala na bang sumpong ang mine ko?” at hinawakan ni Devon ang kamay ni Sam.

Ngumiti lang ang binata at umalis na rin sila.

Habang may isang taong nakatanaw at di nagustuhan ang nakita.

LOVE VS DARE: BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon