CHAPTER 46:

246 1 0
                                    

Pero bago sila tumuloy sa trabaho ni Devon ay nagpasyahan nila na dumaan na sa apartment ng dalaga para kukunin ang kakailanganin niyang gamit at hinatid naito sa trabaho.

Nakita naman ni Kyra ang pagbaba ni Devon sa kakilalang kotse kaya sinalubong na niya ito para siguruhin,

“Friend! Ikaw ah? Nagkabalikan na kayo ni Sam?” na parang excited sa malalamang sagot ni Devon.

“Hindi.. Hindi ah..” sagot ni Devon.

“E, bakit kayo magkasama? At  siya pa naghatid sa iyo dito.? Ikaw wag ka ng maglihim” tanong ulit ni Kyra na parang excited ulit.

“Ano ka ba? Siya tumulong sa akin para maoperahan si nanay…” tapos tumungo sa employers room para makapagayos ng sarili.

“O.. tapos?” na sumusnod naman ito at hindi makapaghintay sa sagot ni Devon.

“Kapalit nun magtatrabaho ako sa kanya..” malungkot na saad nito.

“Ano?! Bakit ka pumayag?” na di mapakaniwala.

“Syempre para mabayaran ko at masuklian ko yung tulong niya..” sagot naman ni Devon.

“Huh? Sana sa iba ka na lang humingi ng tulong..” na parang di nagustuhan ang desisyon ni Devon.

“Kanino ako hihingi ng tulong? Kailangan na maoperahan ang Lola ko…” mangiyakngiyak na sabihin ni Devon sa kaibigan. “Lahat ibibigay ko.  Lahat gagawin ko para maoperahan lang siya. Kahit ibenta ko kaluluwa ko, gumaling lang siya..” at tumulo ang luha ni Devon at nagulat naman si Kyra sa naging reaction ni Devon at lumapit ito,

“Friend.. ayaw ko kasing makikitang nasasaktan ulit dahil lang kay Sam..” saad ni Kyra.

“Titiisin ko yun.. Para lang sa Lola ko. Nilunok ko pride ko para lang humingi ng tulong kay Sam.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tumanggi siya..” saad ni Devon at pinunasan ang luha niya at niyakap naman ito ni Kyra.

“Kung may magagwa lang sana ako.. Kung sana mayaman lang ako.. Ako ang tutulong sayo ng walang kapalit..” saad ni Kyra na parang naluluha din.

“Salmat friend  ah. Dyan ka pa din. “ saad ni Devon.

Sinabi na ni Devon ang plano nitong magleave muna sa trabaho dahil nga magtatarabaho pa it okay Sam.

Naiintindihan naman ng kaibigan niya dahil nakakstressed kung doble trabaho niya tapos nagaarala pa siya. Pinayagan naman ito ng Manager na magleave si Devon dahil nga sa sitwasyon ng Lola nito.

Hanggang dumating na ang ala sais ay tapos na ang shift nila. Sabay lumabas sa cafeteria sina Devon at Kyra,

“Oh friend kung may problema ka dun sa lover boy mo este sa amo, tawag ka sa akin or text man lang.” pabirong banat ni Kyra.

“Oo naman…” may sasabihin pa sana ito at may tumikhim sa kanilang likuran at nagulat sila pareho kung sino ang nakita nila at si Sam iyon,

“Bakit ka nandito?” parang nagtatakang tanong ni Devon.

“Syempre para sunduin  ka. Excited ka na kasing makita ng lover boy este ng amo pala..” tumingin muna ito kay Kyra bago kay Devon at ngumiti.

Nahiya si Devon sa kanyang narinig while si Kyra naman kinikilig,

“Friend, una na ako ah. Sige Sam.. Ingatan mo bestfriend ko ah?” humagikgik ito at umalis.

“Kyra.. Ikaw talaga!” sigaw nito sa kaibigan.  

“Halika ka na uwi na tayo..” saad ni Sam at umalis pero ngumingiti ito sa kanyang sarili.

Sumunod naman si Devon at sumakay na sila sa kotse,

“Bakit kailangan mo pa akong sunduin? Kaya ko naman umuwi magisa..” saad ni Devon.

“When it comes to people especially who working at me. I’m strict and peculiar with time.. I’m paying for your services in return you do your work on the allotted time..” sarkastikong saad ni Sam.

Umismid naman si Devon, “Kala ko nandito ka kasi miss mo ako..” naiinis na saad ni Devon sa sarili at dahil tahimik ang byahe nila kaya nagsalita ulit si Sam,

“Oh by the way we’re going to attend an inauguration party tomorrow night.. You’ll be my date.”  na may diin sa huling salitang binanggit.

LOVE VS DARE: BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon