While in the gym, hindi pa rin makapagconcentrate si Sam sa pageexercise at hindi naman matiis ito ng kanyang kaibigan,
“Kung ako sayo pakiramdaman mo muna si Devon. Kumalap ka ng pruweba. Humingi ka ng signs kung mahal ka pa rin niya..” saad ni Aaron.
Tahimik lang si Sam at nagisp isip. “Bakit nga di ko yon gawin?” tanong niya sa kanyang sarili.
“Baka kasi ayaw lang niya lubusin o abusuhin ang tulong mo sa kanya Sam… Hindi kaya?” dugtong nito at di na nakaimik ang binata may punto din kasi ang kanyang kaibigan.
Nagmadali naman umakyat si Devon sa Condo Unit ni Sam. Dahil maghahapunan na rin ay naghanda na din ito ng makakain.
Ininda ni Devon ang kanyang nararamdaman at sakit sa katawan upang matapos kaagad ang kanyang mga gawain.
Nilatag na niya sa mesa ang kanyang niluto at nagset na din siya sa table para pagdating ni Sam ay ready na para kumain.
Hinintay ni Devon si Sam pero lampas alas-otcho ay di pa ito dumadating dahil doon ay humigop na lang siya ng mainit na sabaw at uminom ng kanyang gamot.
Alas 10 na pasado pero wala pa din si Sam kaya bago pumasok ito sa kwarto ay nagiwan ito ng maikling note para kay Sam sa mesa,
“Dear Sam,
Kung hindi ka pa kumakain may hinanda akong pagkain sa mesa.
Pagkatapos iwan mo na lang, ako na ang magliligpit niyan
bukas ng umaga.
Devon.”
Nagulat naman si Sam na pagpasok niya sa kwarto ay na ka dimmed ang mga lights except sa dining area.
Pinuntahan niya ito at binasa ang note. Nakita naman ni Sam ang effort ni Devon at napangiti ito,
“Sweet naman..” saad nito sa sarili habang nakangiti pero biglang bawi ito nung narealized magisa lang siya kakain.
Napatingin ito sa direction ng kwarto ng dalaga,
“Mahal po ba ako Devon?” tanong nito sa sarili at sinimulan na niya kumain.
Habang busy naman kumakain si Sam ay palihim na sumisilip si Devon upang tignan ni Sam kung ginalaw niya ang hinanda nitong hapunan.
Natuwa naman ito sa kanyang nakita, “Mahal kita Sam pero ayaw kong abusuhin ang kabaitan mo sa akin..” malungkot na saad nito sa kanyang sarili at marahan niyang sinirado ang pinto.
Pagkatapos naman kumain ay niligpit ni Sam ang kanyang pinagkainan at tinignan muli ang kanyang ang maikling liham na galing kay Devon.
Napangiti ito and he folded it into gently and put it to his pocket.
Pero bago siya pumasok sa kanyang kwarto gumawa din ito ng maikling liham kay Devon at nilagay din ito kung saan nakalagay ang sulat ni Devon.