At ang taong laging sumusunod kina Sam at Devon ay nakatanggap ng di inaasahang tawag, sa kabilang linya:
“Any improvements?” at hindi makasagot ang taong sumusunod sa dalawa.
“I’m not paying you para tumunganga lang.” paghihimutok ng tao sa kabilang linya.
“Just give me more time.” Sabi naman nito.
“Siguraduhin mo lang ngayon na hindi ka papalpak.” At galit na binaba ang tawag.
Habang ang taong napagutusan ay padabog naman binagsak sa lamesa ang kanyang cellphone nito, “What’s with you? Huh? So I really need to make a plan B. Guess you’re not an easy one.” Pahayag nito sa sarili na naiinis.
Habang si Devon naman ay nasa cafeteria ngayon at nagtatrabaho.
Bumabawi siya sa araw na nagleave para sa kanilang school debate at tila malayo ang kanyang isip at napansin naman ito ng kaibigan niya,
“Uy friend.. Na-mimiss mo ba siya ulit? Parang kahapon lang magkasama kayo ahh? Hehehe.” Na kinikilig na saad ng kaibigan.
“Hahaha medyo pero meron pang iba.” Na ngumiti sa kaibigan.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” na tila naconfused sa sinabi ni Devon.
“E kasi. Halos mag 2months na kami. Wala pa akong naibibigay sa kanyang regalo. Alam mo yun?” saad sa kaibigan na parang nahihiya.
Oo. Halos 2 buwan na sila ni Sam. Ang unang isang buwan ay hindi pa gaanong binibigyan estado kung ano man sila at yung natitirang isang buwan yun yung simula na nakapagusap sila sa bahay ng dalaga kung ano man meron sa kanila.
“Yun ba? Bigyan mo siya ng hmm… ayy diba mayaman yun parang na sa kanya na lahat e?” saad ni Kyra dahil kahit siya wala maisip.
“Yun nga din iniisip ko e. Hayy feeling ko na sa kanya na lahat..” na parang nawawalan na ng pagasa.
Bigla naman may pamilyar siyang tikhim siyang narinig si Ivan pala iyon na nakaupo sa table malapit kina Kyra at Devon kung saan sila maguusap,
“Mukhang ang laki ng problema mo ah?”na parang sumasabat sa usapan nila.
Hindi ito pinansin ni Devon dahil hindi niya feel makipagusap dito at si Kyra na lang ang sumagot para sa kanya,
“Bakit? Anong pwede bang ibigay sa boyfriend na feeling mo na sa kanya na ang lahat?” pabirong saad ni Kyra kay Ivan.
“Hmm. Hindi naman nakikita yun sa halaga sa effort pwede na.” makahulugan saad ni Ivan. “Basta alam mo na espesyal ito para sa kanya siguradong magugustuhan niya iyon.” Dugtong naman ng binata.
“Kung gusto niyo tulungan ko kayo?” saad ulit niya.
Hindi makasagot si Devon pero si Kyra mukhang excited,
“Sigee!” maikling saad niya sa binata at lumingon kay Devon, “Friend, ayan oh? Tutulong daw siya.” Saad ni Kyra. “Sige hintayin mo kami ni Devon malapit na matapos ang shift namin.” Saad ni Kyra.
“Ok ba ‘to?” bulong ni Devon na parang di sigurado.
“Oo. Tsaka mukha naman siyang mayaman. Alam niya siguro mga taste ni Sam.” Bulong din nito sa kaibigan at bumalik na ang dalawa sa trabaho.
Umalis ang tatlo pagkatapos ng kanilang shift. Hindi alam ni Devon kung saan sila dadalhin ni Ivan pero sumakay na lang sila sa kotse nito.
Habang ang taong sumusunod sa kanila ay nagpadala ng mensahe thru text, “All set.”
