Pinunasan ni Devon ang kanyang mga luha at pumunta na sa kanyang trabaho at dahil kailangan din niya makausap at humingi ng advice sa kanyang kaibigan at habang papatawid na siya sa daan tila namamasyal ang kanyang isipan at hindi napansin ang motor napaparating at muntik na itong mabunggo.
Buti na lang may humila sa kanya ata ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Si Sam pala iyon at parang lalo siyang kinabahan,
“Mag ingat ka nga sa pagtawid.” Saad ni Sam at inalalayan ito hanggang makatawid sa kabilang street hinawakan niya ang kamay ni Devon at binitawan din agad.
“Salamat. Mine..” saad ni Devon at mukhang nagulat silang dalawa kaya bilang bawi si Devon,
“I mean Sam.” Dugtong ni Devon.
Tumango lang si Sam at umalis.
Tinignan lang ito umalis papalayo sa kanya.
Habang si Sam napaisip kahit na magdesisyon siya na hiwalayan niya si Devon gusto naman niya na laging safe ito. Naguguluhan siya ngayon at nararamdaman niya ang kaunting pagsisi gusto niya maging sila ulit ni Devon pero kailangan niya munang siguraduhin na hindi nga siya niloloko ni Devon kaya napagisip niya na makipagkita sa kanyang kaibigan si Aaron sa bar, sa kanilang tambayan.
Tila nagising si Devon sa isang bangungot for a while dahil niligtas siya ni Sam kanina dahil muntik na siyang mabunggo.
Pero bumalik ulit ang kalungkutan dahil naalala niya na hiniwalayan na siya ni Sam at nakarating siya sa cafeteria na malalim ang iniisip,
“Kyra! Buti nandito ka na…” saad ni Devon sa employees room.
“Umiyak ka ba? Bakit? Alam ba yan ni Sam?” tanong ng kanyang kaibigan.
Tumango lang ito sa kanyang kaibigan at nagbuntong hininga,
“Break na kami e.” naluluhang sambit ni Devon.
“Bakit naman?” na di mapakaniwala si Kyra.
“Kasi akala niya niloloko ko siya. Yung kay Ivan sa resto.” Sagot ni Devon.
“Nagpaliwanag ka na ba sa kanya friend?” tanong ni Kyra.
“Oo. Ayaw niya akong paniwalaan…” saad ni Devon. “Siguro dahil hindi ko sinabi na kaya kami nandon dahil nagpaplano ako na isang sorpresa sa kanya. Pero kahit hiwalay na kami. Balak ko pa rin ituloy yun. Hindi ko man lang suklian mga ginawa niya sa akin..” at pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Pagdating naman ni Sam sa bar andoon na ang kayang kaibigan naghihintay sa kanya,
“Why do you need my help today?” na may pabirong saad ni aaron kay Sam.
“I don’t have time for jokes today Aaron.” Seryosong saad ni Sam at umupo.
“May nangyari ba? Is it Devon?” na nagulat sa nakitang reaction ni Sam.
“Yes.. and we just split up kani kanina lang..” tugon naman ni Sam.
“Broke up? Why so sudden? The last I see you, you’re deeply in love with her?” na di mapakaniwalang narinig ito sa kanyang kaibigan.
“Yun na nga e. Pero the last time I saw her with other guy.” Naiinis na pagkasaad ni Sam.
“Are you sure na may relasyon sila? Baka she’s meeting up with a friend.” Saad naman ni Aaron.
“I was thinking that too.. pero nung hindi niya masabi kung bakit sila magkasama.. I get suspicious.” Naiinis na pahayag ni Sam.
“So your jealous.” Pabirong banat ni Aaron.
“Sino bang hindi? Girlfriend ko ang kasama niya.” Na tila naging defensive na sagot ni Sam.
“And now you broke up na with her. Ibig sabihin hindi mo na siya gusto. Wala ka ng nararamdaman sa kanya?” tanong ni Aaron.
“Fuck Bro! I really do love her and I regret na I came up to that decision.” Na parang nagsisisi.
“So you’re telling me you want her back?” na may pilyong ngiti.
“Damn yes! Pero hindi ako sure kung mahal niya ba talaga ako..” saad ni Sam.
“Oh that’s simple. Test the water.” Makahulugang saad ni Aaron.
“What do you mean?” na tila naguguluhan.
“Test her kung mahal ka ba niya talaga.” Maikling saad ni Aaron.
Habang sa cafeteria nakatanggap si Devon na tawag galing sa kanyang pinsan na si Emman,
“Hello Devon..” na may boses na kinakabahan. “Emman, bakit ka napatawag? Bakit ganyan yung boses mo kinakabahan tuloy ako.” Saad ni Devon.
“Si Nanay kasi na ospital.. Kailangan siyang operahan Devon..” saad ni Emman sa telepono.
“Ano?! Pupunta ako agad diyan…” at binababa na ang tawag at nagpaalam na pupuntahan ang kanyang Lola sa ospital.