At ng matapos na ang kanilang usapan napagdesisyonan nila na maging professional na lang sila. Parehas silang nalungkot at tinago na lang ito sa kanyang sarili at umaarteng na di sila naapektuhan. Pero hanggang saan nila ito kayang tiisin?
"What's your plans? Wala naman tayong pasok bukas and my work ka ba sa cafeteria?" na parang concerned sa dalaga.
"Meron pero night shift ako. Babalik na ako ulit sa ospital para sabihin kina Nanay nakahanap na ako ng paraan para maoperahan na siya." tugon ni Devon.
"Ok. I'll drive you there." maikling saad ni Sam at tumayo then hinahanap niya ang susi ng kanyang kotse.
"Hindi na. Sobrang abala na yun." na tumanggi sa binata.
"No. Now your working with me and I'm your boss. You just have to listen and do what I say." saad ni Sam na medyo napakaauthoritarian pero umaarte lang naman ito.
"Ayy opo." maikling sagot ni Devon at nahihiya at bumaba na sila at sumakay sa kotse at tumungo na sa ospital.
Hindi maiiwasan ni Devon na sariwain ang nangyari sa kanila kanina. Parang bigla kasing nagiba si Sam.
Nung una na kita niya kay Sam ang katauhan ng isang boyfriend ngayon naman isang boss o amo na lang siya ngayon pero iniisip niya na ok na yun kaysa iwasan siya nito. Masakit man pero kailangan na niya tanggapin.
Then parang bumalik ang kanyang huwisyo dahil narinig na lang niya si Sam na may kausap sa cellphone, "Hi Ms Bustamante I need you to work on this asap. I need you to personally apply for Ms..." at tumingin ito kay Devon,
"What's your grandma's name again?" tanong ni Sam. "Teresita Seron." sagot agad ni Devon.
"Ms. Teresita Seron for an sponsorship for her eye surgery. Make sure it states there that medications and follow up check ups and or other mediacal needs will be cover up. Yes... This is urgent so I need this to be processed. That's all. Bye.." at binaba na ni Sam ang tawag.
"Sam, salamat sa tulong ah?" napakasincere na pagkasaad ni Devon.
"I'm just doing what is need to be done and this is a deal, right?" tugon ni Sam at tumango lang si Devon.
Pagbaba sa kotse ni Devon, "Thank you sa paghatid ah?" saad ng dalaga.
"No. Wala yun." maikling saad ni Sam pero nung pababa na si Devon humabol ito ng,
"I'll wait for you here." dugtong nito at napaupo pabalik si Devon,
"Huh? Hindi na. Punta na lang ako sa inyo bukas ng maaga para sa trabaho ko." saad ng dalaga.
"Ohh yeah. I forgot to tell you your job will start tonight." na parang sarkastiko.
Wala naman choice si Devon dahil nga boss niya iyon,
"Sige po at babalik ako agad." tugon naman ni Devon at lumabas na sa kotse. Ngumiti naman si Sam sa mga nangyari.
Habang papunta si Devon sa kwarto ng kanyang Lola ay di na niya maitago ang excitement dahil nakahanap na siya ng paraan ay may tutulong na sa kanila.
"Hi Nanay? kamusta na kayo?" at humalik sa noo pagktapos ay nagmano at bumeso na din sa pinsang si Emman.
"Kamusta insan? may nahanap ka na bang paraan?" na parang nagaalala.
"Oo. meron na. May nagsponsor na sa operation niyo Nay kasama na dun yung gamutan lahat lahat na." masayang tugon ni Devon.
"Talaga cousin. Diningin na ni Lord prayers ko." tugon ni Emman at yumakap kay Devon.
"Oo. Kaso kailangan ko yun pagtrabahuan para mapalitan yung tinulong nila. kaya di ako gaanong makakauwi pero try kong bumisita." malungkot na tugon ni Devon.
Naging malungkot din ang pinsang Emman at ang kanyang Lola,
"Salamat anak ah? Pasensiya na abala pa kita.." sagot ng kanyang Lola.
Lumapit ito sa kanyang Lola umupo sa tabi nito at hinwakan ang kanyang kamay,
"Wala yun Nay. Kayo naman. Syempre para sa inyo gagawin ko lahat yun.." tugon niya na naluluha ang kanyang mata.
Bago umalis si Devon ay binigyan ng kaunting pera si Emman para sa pagkain nila maglola pagkatapos ay humalik na ito sa dalawa at umalis.
Naghihintay naman si Sam sa labas ng kotse at nakasandal,
"Ang bilis mo naman?" tanong nito.
"Nahihiya po kasi ako sa inyo kung maghihintay pa kayo ng matagal." tugon naman ni Devon.
Pagkatapos ay inalalayan ito makasakay ng kotse at nagdrive na ito pabalik,
"Diba you said na may trabaho ka ngayong gabi?" tanong ni Sam at tumango lang si Devon.
"Mga hanggang anong oras yun?" tanong niya ulit.
"Hanggang ala sais ng umaga kinabukasan. Bakit mo naitanong?" na naging curious naman si Devon.
"What? Then your working for me. Then we have school. How will you supposed to handle that?" na di mapakaniwalang saad ni Sam.
"Wag ka magalala. Kakayanin ko naman." saad ni Devon at kinakabahan baka bawiin ni Sam ang kanilang deal.
"No. If you want to continue our deal. You have to choose between me or the cafeteria. Dont worry I'll pay you twice from your salary as barista." na parang di sangayon kay Devon.
"Sam.. Hindi.. Kakayanin ko talaga. Wag mo na lang din ako suwelduhan." saad ni Devon at dahil mahabang dekusyon ito tinabi ni Sam ang kotse para makapagusap sila,
"kaya nga I make you leave your work as barista, its the same thing pero ako naman ang nagbibigay sayo ng salary. Dont worry too much dahil hindi ka naman sa akin forever magtatrabaho. i just need your help until sem break. " tugon ni Sam na parang nalungkot sa huli ganoon din si Devon.
Tumango lang si Devon dahil hindi niya alam ang sasabihin,
"So talk to your general manager about this. This.. Is not for me. I'm doing this for you." saad ni Sam at tumango ulit si Devon at pinagpatuloy ulit ang pagmamaneho.
