CHAPTER 41:

445 2 0
                                        

Nagsimula na ang klase nila late naman nakapasok si Devon dahil na rin sa kakaiyak. Namumugto ang kanyang mata kaya hinihintay na niya itong humupa ng kakaunti kahit papaano.

Dahan dahan siya pumasok para di madistract ang klase at pagkakita niya isa na lang ang bakanteng upuan yun ang sa likod katabi si Sam.

Kaya walang choice kaya umupo na lang siya doon at pinipilit na makinig sa klase pero ang laman ng isipan niya ngayon kung paano niya makakausap si Sam.

Hanggang natapos ang klase umalis agad si Sam tatawagin sana ito ni Devon pero nakalabas na ito sa classroom at lumabas na rin siya baka sakaling mahabol pa niya ito pero di na niya nakita kung saan nagpunta si Sam.

Sinubukan niya tawagan pero out of reached din ito. “Saan na kaya yon?” tanong  ni Devon sa kanyang sarili.

Sinubukan niyang maglakad  lakad sa school grounds papuntang canteen at nakasalubong siya ni Ivan,

“Devon pwede kita makausap? Kahit saglit lang?” tanong nito.

“Ano ba yun? Tanong naman ni Devon.

“Nagkausap na ba kayo? Ni Sam?” dugtong ni Ivan.

“Hindi pa e. Iniiwasan nga niya ako ngayon..” sagot naman ni Devon.

“Sorry.. Devon. Sorry talaga. “ makahalugang sambit ni Ivan at nagpaalam umalis.

Hinayaan lang ni Devon na maglakad papalayo sa kanya si Ivan ng ituloy ni Devon ang paglalakad niya di niya inaasahan bumungad sa kanyang harapan si Sam iyon.

Bakas ulit sa mukha niya na hindi niya gusto ang nasaksihan. Lumapit si Devon ng dahan dahan at kinausap ito,

“Sam.. Mine… Pwede ba tayo mag usap?” tanong nito.

“So.. Totoo pala. Harap harapan mo na akong niloloko!” sagot ni Sam.

“Hindi… Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Sagot ni Devon na may tonong nagmamakaawa.

“Ano ba meron sa inyo ng lalaki yun na hindi ko alam? Di ba sabi ko naman sayo kung may iba ka ng gusto sabihin mo lang. Hindi yung pinagmumukha mo akong tanga.” Galit na pahayag ni Sam.

“Hindi.. Hindi ko pa masasabi sayo ngayon. Pero walang namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko siya gusto.. Yun yung totoo.” sagot ni Devon dahil hindi niya nga masabi ang kanyang sorpresa para kay Sam. Kahit papaano ay gagawin niya pa rin ito. Plano na niyang simulan ang paghahanda nito.

Nagulat naman si Sam sa sagot ni Devon dahil wala siyang narinig na konkretong sagot kay Devon kung bakit niya nakitang magkasama sila ni Ivan at naiinis siya dahil dun,

“Talaga lang ah? You don’t even give me a damn clear explanation kung bakit kayo magkasama.” Naiinis na pahayag ni Sam. Then he came up for a decision, “ I need to have space alone. Time to think. Siguro everything was all sudden for both of us. For what we have..” saad ni Sam.

Nagulat naman si Devon sa mga sinabi ni Sam na parang di niya kayang malunok lahat ito,

“Are you breaking up with me?” naluluhang tanong ni Devon.

“Yes..If you don’t trust me…  Let’s just split up.” Maikling saad ni Sam.

“Pero..” may sasabihin pa sana si Devon pero pinutol na ni Sam,

“I have to go..” at iniwan si Devon at naglakad na ito paalis.

Nanghihina ang tuhod ni Devon at sobra talaga siyang nasaktan at umupo sa bench malapit sa kanyang kinatatayuan at umiiyak na lang.

“Sam kung alam mo lang.. Para sayo lahat yun… Kung kelan naman mahal na mahal na kita saka naman nangyari ‘to..” saad ni Devon sa kanyang sarili.

Nakita naman lahat ni Ivan ang mga pangyayari nila Devon at Sam sa hindi kalayuan.

He really feels for Devon, sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

”I am sorry Devon. May dahilan kung bakit ginawa ko ito.” Makahulugang saad ni Ivan sa kanyang sarili.

Habang si Sam naging malungkot sa naging desisyon nito. Kahit siya nasaktan siya sa kanyang sinabi. Gusto niya munang dumistansiya kay Devon dahil nasaktan talaga siya at parang natapakan ang kanyang pride. Hindi niya kasing kayang makita ang sarili niya na magmukha siyang tanga at niloloko siya ng taong pinakamamahal niya.

Higit sa lahat hindi niya kayang ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya at hiniling niya na sana madali siyang makapag move on.

LOVE VS DARE: BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon