CHAPTER 53:

260 4 0
                                    

Pagpasok ni Devon sa clinic ay nagulat siya sa kanyang nakita, sina Coleen at Ivan ay nandoon din para magpakonsulta.

Agad naman siyang namukhaan ni Ivan aalis sana siya pero tinawag agad ito ng binata,

“Devon!” mahinang sigaw ni Ivan.

Dahan dahan napalingon si Devon lumapit sa kanya ang binata bago nito ay hinawakan niya ang kamay ni Coleen pero randam ng binata ang pagiging hesitant nito kaya ni reassure niya ang dalaga.

Pagkalapit nilang dalawa, tahimik lang at di umiimik si Devon kaya kinausap na lang agad ni Ivan,

“O, ano ginagawa mo dito may sakit ka ba?” tanong ng binata. “

Masama lang pakiramdam ko..” saad naman ni Devon.

Habang si Coleen tahimik lang habang naguusap ang dalawa. Hinawakan naman agad ni Ivan ang noo nito at napabalikwas paatras si Devon,

“Medyo mainit ka..” saad nito. “Naulanan siguro kasi ako.. “ nahihiyang sagot nito.

“Maupo ka muna..” at hinatid ito sa upuan.

Kitang kita na nahihirapan sa pagupo si Devon at parang namimilipit sa sakit kaya hindi na nakatiis si Coleen at tinulungan niya ito,

“Ok ka lang ba? Anong nangyari sayo?” nagaalang tanong nito.

“Nadulas kasi ako kanina habang naglilinis sa swimming pool..” hindi pa tapos si Devon magsalita ay sumingit agad si Coleen,

“Cant believe pinaglilinis ka niya, e umuulan?!” di mapakaniwalang pahayag ng dalaga.

Nagulat si Devon sa reaction ni Coleen maging si Ivan.  

“Ok lang naman yun. Siguro kasalanan ko din at hindi ako nagingat..” paliwanag ni Devon.

“Kahit na! Matawagan nga si Sam..” sabay kuha ng kanyang cellphone. Bigla naman pinigilan agad ito ni Devon,

“Wag.. Masyado ng maraming naitulong sa akin si Sam, malaking abala na nga yun sa kanya. Ayoko ng dagdagan pa..” nagmamakaawang sambit ni Devon.

“By the way. Sam’s is really into you, na halos ikaw lang ang nakikita niya, halos sayo na gumagalaw ang mundo niya. Saan siya? He’s should be here. With you…” at tumitingin sa paligid na parang hinahanap ang binata.

“Oo nga. Bakit di mo siya kasama?” tanong din ni Ivan.

“Di ko alam. Malamig na lang yung pakikitungo niya sa akin kaninang umaga..” paliwanag ni Devon.

“May pinagawayan ba kayo kagabi?” tanong ulit ni Ivan.

“Wala naman akong maalala. Nagusap nga lang kami kagabi about sa event. Hindi niya siguro nagustuhan yung sagot ko na sinamahan ko lang siya dahil sa kasunduan namin..” saad ng dalaga.

“That’s the reason why.. Alam mo, about doon sa pinagusapan natin kagabi sa event, you don’t have to prove to me or to anyone else na gagawin mo ang lahat para kay Sam. For God sake Devon, look at you, you already did at ikaw lang ang nasasaktan…” pahayag ni Coleen.

“Balewala ito sa mga ginawa sa akin at tulong sa akin ni Sam. Tsaka inuuna ko talaga ang kasunduan namin, nahihiya na talaga ako sa kanya.” Pahayag ni Devon.

Ramdam ni Coleen ang pagkagenuine ng feelings ni Devon kay Sam dahil sinasakripisyo niya ito matulungan lang ang kanyang Lola. Naisip niya din na hindi manggamit o ano pa man ang dalaga.

Hinintay nila Coleen at Ivan magpacheckup si Devon at niyaya nila na sumabay sa kanila pauwi pero na tumanggi na ang dalaga pero di pumayag ang dalawa dahil masama ang pakiramdam nito.

Pagkababa ni Devon sa sasakyan ay humingi ito ng favor na wag sasabihin kay Sam ang nangyari sa kanya dahil ayaw niya na magalala pa ang binata sa kanya.

Pumayag naman ang dalawa sa kondisyon na magpapagaling at iinom ang gamot na nireseta sa kanya kanina.

LOVE VS DARE: BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon