Entry # 1: Frustrated Writer

1.1K 23 19
                                    

Every time maglalakad ako pauwi galing school, may nadadaanan akong isang publishing company. Ang alam ko, dito sa publishing company na ito nililimbag ang mga librong nabibilang sa mga pinakakasikat sa Pilipinas. Malayo pa lang ako, ay nakita ko na siyang palabas.

NAKITA KO NA NAMAN SIYA.

At katulad ng ibang mga araw, he always has this sad expression planted in his face. Hindi ko alam kong bakit ganoon na lamang ang kanyang kalungkutan, that everytime he go out of his workplace, makikta mo siyang nakasimangot at nakatungo. Kung titingnan, alam kong hindi nalalayo ang aming edad, siguro ay kaka-graduate niya lang ng college. But I’m not really sure of what does he do for a living, but I’m sure that he works there.

“Aray.” Masiyado na palang lumilipad ang isip ko na hindi ko natitingnan ang dinadaanan ko.

Medyo napalakas ang pagkakabunggo sakin dahilan para ako’y matumba.

At sa pag-angat ko ng aking ulo, nagulat akong ang lalaking kakalabas lang kanina ay siya na palang nakabanggaan ko.

“Sorry” Yun lang ang nasabi niya at dumiritso sa paglalakad habang sabunot-sabunot ang kanyang buhok.

Kainis! Hindi man lang ako tinulungan. Tumayo ako mag-isa at pinagpagan ang nadumihan kong uniform. Hindi ko alam na suplado rin pala siya sapagkat ngayon ko lang siya nalapitan.

Mura ako ng mura habang pinapagpagan ko naman ang aking uniform, nang may napansin naman akong parang libro malapit sa aking pinagbagsakan. Sa pagkaka-alala ko, wala akong librong dala sapagkat lahat nang iyon ay nasa locker ko.

Dali-dali ko namang pinulot iyon nang maisip na baka yung lalaki ang may-ari noon. I hurriedly followed the way the guy took hoping na makikita ko pa siya, ngunit sa kasawiang palad, he’s already gone, kaya wala akong ibang nagawa kundi dalhin ito pauwi.

Pagdating ko sa bahay, narinig ko na naman ang sigawan ng mga magulang ko. Nag-aaway sila. No, let me rephrase it, nag-aaway na naman sila. Wala nang pinagbago. Diri-diritso akong pumasok sa bahay papunta sa kwarto. Kahit halos masanay na ako sa pag-aaway nila ay hindi ko pa rin mapigilang masaktan.

Ibinagsak ko ang mga gamit ko sa aking study table, at naupo sa aking kama. Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Gusto ko silang sigawan, na tumigil na ngunit hindi ko rin magawa dahil alam kong wala rin itong saysay. Simula noong nangyari ang sunog sa dati naming bahay na ikinasawi ng ate ko one year ago, hindi na sila tumigil sa pagsisisihan.

Lalo akong napaiyak sa isiping iyon. Dahil din kasi doon, parang nakalimutan na nila ako. Na may isa pa silang anak na nag ngangalang Cassandra Dominguez, na buhay na buhay. Kahit na mimiss ko rin si Ate Clarisse, hindi naman ata mabuti na magmukmok kami sa nakaraan.

“Diba ate?” parang baliw kong sabi sa framed picture namin ni ate na nakalagay sa study table ko.

Tinititigan ko lang ang litrato nang may mapansin akong nakatabi dito.

Yung libro. tumayo ako sa kama, at kinuha ito. I dried my tears while inspecting the book. Hindi naman siya gaanong makapal sakto lang which I think one day is enough to read it all. It’s a pocket-sized book, na may black cover at medyo color de gatas ang mga papel. Sa amoy naman nito, obvious na it’s a new printed one.

‘BEHIND THOSE THORNS’

Yun yung title niya.

By KMZP

KMZP? Initials lang yung nilagay. Sino kaya ang author na ito? At bakit ngayon ko lamang siya narinig at parang wala namang mga published book na gawa ni KMZP?

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon