Entry # 13: A JEJE'S DAY

522 15 15
                                    

Parang kuwagong nagmamasid si Neneng mula sa pintuan ng kanyang kwarto.

'Clear,' isip niya nang masigurong wala sa paligid ang kanyang ina.

Tumakbo ng pagkabilis- bilis si Neneng at ginamit na naman niya ang kanyang mala-ninja moves upang mabilis na makapunta sa kanilang banyo.

Dali-daling nilock ni Neneng ang pinto ng banyo at binuksan ang kanilang spot light bulb na may orange light na madalas makita sa mga mamahaling hotel at restaurant. 

Tumingin si Neneng sa salamin at chineck kung may butil ng pawis sa noo, bawal pa man din siyang pagpawisan dahil may shooting pa siya ngayon.

"Hair, check. Cap, check. No pawis, check. Angle, check. Pose, check. Camera, check," nang masiguro ni  Neneng na kumpleto na ang kanyang mga kakailanganin ay inilabas niya na ang kanyang Torque DX75 Wifi3G na QWERTY ang keypad at may front camera pa.

Napangiti si Neneng nang makita ang kanyang mukha na nakabalandra sa screen ng cellphone, "Ang ganda ko talaga!"

Pinindot ni Neneng ang gitnang keypad ng cellphone para makapunta sa menu. Pakapunta sa menu ay hinanap kaagad ni Neneng ang icon ng camera at ito'y pinindot. Sa ikalawang pagkakataon ay napangiti si Neneng nang makita ang walang kakupas-kupas niyang ganda.

Tinignan muli ni Neneng ang sarili sa salamin bago ngumiti sa harap ng 1.3 Mp camera ng cellphone.

'Click,' pagkarinig ni Neneng ng tunog ay excited niyang tinignan ang kuha niya.

Pagkatapos ng mga higit benteng shots na puro nakangiti at nagpapacute lamang ay naisipan naman ni Neneng na magpalit ng pose, "May peace sign naman para mukhang Koreana," napahagikhik si Neneng sa naisip.

Naisipan niya rin na magpalit ng pwesto dahil mas pumuputi siya kung nasa tapat niya ang kahel na ilaw dulot ng feeling hotel nilang ilaw.

'Click! Click! Click! Click!" sunod-sunod na kuha ni Neneng sa sarili.

Nang maalala ang itim na cap na dala na ang kalahati'y net lamang na pinapalamutian ng mga nakatayong linyang may iba’t-ibang kulay at may malaking letrang 'N' pa sa harap ay naisip na rin itong ipatong ni Neneng sa ulo.  Ayaw ni Neneng na tuluyang isinusuot ang paboritong sombrero sa ulo dahil ito ang uso sa kanila-- ang nakapatong lamang.

Muli ay napicture na naman si Neneng ng kanyang sarili hanggang sa lumabas ang 'memory full' sa screen ng cellphone.

Isinarado ni Neneng ang kanilang inidoro at doon umupo. Binuksan niya ang 'settings' ng cellphone at binuksan ang 3G upang maavail ang FREE FB ng Globe na hanggang January 25 pa naman.

Pagkabukas ng 3G ay dali-daling binuksan ni Neneng ang facebook account. Pumunta agad ang dalagita sa kanyang photos upang maiupload ang 257 photos na puros selfie niya na kinuhanan kani-kanina lamang. Habang naguupload ang kanyang mga pictures ay nagiisip na rin si Neneng ng isang creative title para sa album na inaupload.

"aK03wHz pH0wsXHsZz," napahagikhik si Neneng dahil sa album title na naisip kaya't itinaype niya ito agad.

Nang matapos maiupload ni Neneng ang 257 niyang mga litrato ay pumunta siya sa kanyang activities upang maicheck na nasa timeline niya na nagupload siya ng mga pictures.

Pinindot ni Neneng ang 'Share' sa may ibabang parte ng kanyang kapopost lamang na album at nagisip muli ng panibaging malikhaing katagang ilalagay sa 'write something' na parte, "wL4 L4nhgGxsz pH0wsXHzz! Hihihihi"

Pagkatapos maishare ni Neneng ang panglabing pito niyang album na puro selfies niya lamang ay naisip naman niyang tignan ang mga online.

Nang makita ni Neneng  na online ang superduperultramegahyperbonggamajormajor niyang crush na si Ken Kulangot, na nakalagay as facebook name niya, pinindot agad ni Neneng ang pangalan ng binata sa chatbox at nagmessage rito, "3l0W pH03wxszz! f4k!Lik3 n4maN pH03wxszz nG mG@ f!cTUr35 k0ewshZxs @t p4k! c0Mm3Nt n@ R!n pH0ewSxZZ n4 m@G4nd@xszZ aq03wxZs. M@g4nD4 n@M@n pH03wXsZz ak03wXszZ, d!B@?"

Nanginginig na pinindot ni Neneng ang send button at sobra naman ang kilig na naramdaman nang maisend na niya ang mensahe.

Biglang napatayo si Neneng mula sa inuupuang inidoro nang marinig ang malakas na kalabog ng pintuan ng banyo kasabay ng anti-candy crush na bunganga ng nanay, "Hoy Neneng! Ano na naman ang ginagawa mo diyan sa loob? Ano ng nangyari sa inuutos ko sa'yo? Nagpipicture ka na naman ba?! Ang pangit-pangit mo na nga nagpipicture ka pa! Kamukha mo na nga ang kalabaw ni Manong Erning sa itim mo! Tapos yung tigyawat mo pa sa baba! Halika rito't matiris nga 'yang bwisit na nanang yan!

Napabuntong hiniga na lamang sa Neneng at napaisip, “Buong araw na naman ba akong nasa banyo?” 

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon