Entry # 23: Unexpected Surprise

493 3 4
                                    

Lumapad  ang ngiti ni Lara nang makababa sila sa eroplanong sinasakyan nila, almost one year na kasi siyang hindi nakakauwi dito sa Pilipinas dahil sa inasikaso niya sa Spain ang naiwang negosyo ng yumao nilang magulang.     

“grabe naloka ako sa byahe natin kapatid…” rinig niyang reklamo ng  kakambal niyang si Loyd habang naglalakad sila palabas ng NAIA “ta’mo mukang haggard na me… naku! kelangan ko nang makapag re-touch” hindi niya na pinasin ang nagtitinaray niyang kapatid na abalang abala ngayon sa paglalagay ng kolorete sa mukha nito.

Napahinga siya ng malalim, ikaw ba nga naman magkakapatid gayanito? Sa twenty five years atang na nabubuhay sila sa mundong ibabaw eh wala ata itong ibang ginawa kundi mag taray, napailing siya, gwapo naman ang kapatid niya sa katunayan nga ay maraming kababaihan ang nagkakagusto rito kaya nga lang wala talaga silang magagawa dahil nasa puso na nito ang pagiging binabae nito…

sister, pano na kapag nakita nilang ganito ang ayos ng diyosa! Naku baka iwanan ako ng mga jowa ko nito!” nag iinarte pang sabi ni Loyd.

Sandaling napatingin siya sa kakambal niya, naisip niyang dapat gayahin na lang siya nito, dahil kahit wala siyang  arte sa katawan eh marami paring kalalakihan ang nagagayuma ng natural niyang kagandahan...

Bigla siyang napangiti, naalala niya tuloy yung boyfriend niyang si Drake… sabi kasi nito na yung pagiging simple niya raw ang pinaka nagustuhan nito sakanya..napabuntong hininga, sobrang miss niya na talaga ito, gusto niya na talaga itong makita’t mayakap… kaya excited na siya para  bukas dahil sosorpresahin niya ito, noong nagkausap kasi sila nito ay hindi niya sinabi rito na  ngayon ang balik nila sa Pilipinas kaya ngayon ay sosorpresahin niya ito.

Habang naglalakad ay halos abot tenga ang ngiti niya… ini-isip niya kasi ang magiging reaksyon ni Drake kapag nagkita sila nito.

“hoy ano nanaman ang ngini-ngiti ngiti mo diyang babae ka?” nagulat na lamang siya nang naramdaman niyang hinila ng kakambal niya ang ilang piraso ng bangs niya.

aray naman!” reklamo niya saka hinarap ang kakamabal at sinabunutan ito bilang ganti rito.

“arouch masisira ang hairdo ko kapatid!” reklamo nito saka niya napagdesisyunang bitawan ang buhok nito.

“ba’t kasi bigla kang nanghihila ng bangs diyan ha!?”galit na sabi niya rito saka niya inayos ang bangs niya.

“ikaw kasi wagas kang maka ngiti diyan! Ano nanaman bang iniisip mo diyan?.. Yung pag surprise diyan sa jowa mo ano?”  

Napangiti naman siya sa sinabi nito, naaalala niya nanaman kasi ang nobyo niya.

“naku naku alam mo kaloka ka! Dapat babae ang sinu-surprise hindi lalake!”

“pake mo ba!” inarapan niya ang kapatid “Ikaw ba naman maging boyfriend mo ang tulad ni Drake James Alleje na mas gwapo pa kay Tom Cruise ewan ko na lang ang kung hindi ka din maloka!” taas noong sabi niya rito saka inunahan niya ito sa paglalakad.

mas gwapo pa daw kay Tom Cruise?...” sambit nito saka niya naramdaman na humabol ito sa kanya “Sige nga, share tayo?” pabirong hamon nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama “sinasabi ko na nga ba’t may pagnanasa ka rin sa boyfriend ko”

“konti lang ” sabi nito na parang ginagaya yung commercial ng mcdo.

“sorry pero hindi ko siya pwedeng i-share sa’yo o kahit kanino.. he’s mine sister..” hinarap niya ang kakambal “only mine, get that?” banta niya pa rito saka sila tumigil sa paglalakad at hinanap ang sundo nila.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon