Entry # 24: Half Alive

445 5 6
                                    

All I knew this morning when I woke
Is I know something now,
know something now
I didn't before
And all I've seen
since 18 hours ago
is green eyes and freckles and your smile in the back of my mind making me feel right

“Ganda talaga ng boses mo, ate”

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Shaina Clemente. Nakangiti sya sakin hawak-hawak ang kanyang lunch box.

“Ate, ba’t ang hilig mo tumamby dito sa rooftop?” tanong niya.

“Di kasi maingay dito. Walang distorbo. Ano nga pala kailangan mo?”

“Nag-lunch ka na, ate?”

“Oo. Bakit?”

Napasimangot sya sa sinabi ko.

“Sasabay sana ako sayo eh.”

“Samahan nalang kita. Lika na dito ka na mag-lunch.”

At dahil dun ngumiti sya ng malapad at tumabi sakin. Binuksan nya ang lunch box at sinimulan ng kumain.

Ako nga pala si Chrisel Villafuerte. Isang 4th year high school student sa kilalang paaralan sa lungsod ng Manila. Ito namang kasama ko sa rooftop ay isang 3rd year student na sobra kung maka-idolize sakin. Di ako sikat pero maraming nakakakilala sakin lalo na sa University namin. Di ako ganun katalino pero di nawawala sa ranking. Kung tatanungin mo ko kung bakit ako gusto ni Shaina ang isasagot ko sa’yo ay di ko alam. Di naman talaga kami close eh. Basta ang alam ko lang simula’t sapul nagtransfer sya at nakita nya ko di nya nako tinigilan at gusto nya daw na maging kaibigan ako. Di ko nga to pinapansin noon eh kaso ang epal lage. Sumisigaw pagdi ko pinapansin kaya napipilitan akong pansinin. Okay naman sya, di sya maldita kaso ayoko lang talaga magkaroon ng kaibigan dito.

“Ate, nainlove ka na ba?”

Napatingin ako sa kanya nang nagsalita sya.

“Di pa” Simple kong sagot.

“Ako kasi oo eh. Ngayon ko lang talaga naramdaman to sa buong buhay ko.” Tsaka sya ngumiti sakin.

“Ganun ba? Congrats”

“Ate, kilala mo ba si Erl Mart Enyo?”

Napataas kilay ko sa sinabi nya. Erl Mart Enyo sya ang pinakaayaw kong tao simula pa nung nagkakilala kami. Grade 6 ako nun ng magtransfer ako sa school nila. Wala naman talaga sakin kung makabilang ako sa rank student o hindi eh at wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko except sa Mama ko. Sya lang ang dahilan bakit ko ginagawa ang mga bagay na’to.

FLASHBACK

“Ikaw pala ang transferee dito. Kala ko naman dapat akong mag-alala.”

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Paki ko ba sa payatot na to. Di ko nga alam pangalan nya eh. Ang alam ko lang hanggang balikat ko lang sya.

“Alam mo para maexcite naman ang pagstay mo dito sa school gumawa tayo ng kasunduan.”

“Pwede ba tigilan mo ko? Wala akong paki sayo.”

“Wala ka paring paki kung sabihin kong pwede kitang paalisin sa school na’to at tanggalan ng trabaho ang ina mo?”

Namilog ang mata ko sa narinig ko. Alam kong sya ang anak ng may ari ng school na to at si Mama ay nagtatrabaho para sa kanila.

“Ano bang gusto mo?”

“Gusto ko? Simple lang.” Tsaka sya ngumiti ng malapad. “Gusto kong maging isa ka sa mga rank sa paaralang ito. Di ibig sabihin na nagtatrabaho ang Mama mo sa amin ay pwede ng hindi 87 pataas ang avg. grade mo.”

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon