Entry # 49: Chocolate in 101 Ways

283 6 2
                                    

Tinitingnan ko siya mula dito sa bintana ng library, I mean silang dalawa, habang magkayakap. Ang saya-saya nila habang ako, heto, nagmumukmok pa din sa isang sulok ng library, heartbroken.

Naalala ko nanaman tuloy yung mga panahong kami pa. Yung hatid-sundo pa niya ako sa school, yung biglang pupunta sa bahay na may mga dalang pagkain, yung hahawakan niya yung kamay ko sa harap ng madaming tao at yung kilig na nararamdaman ko tuwing magkasama kami kahit wala naman siyang ginagawa.

But that was before.

He was my guy…

Now he’s hers.

Ang sakit lang. Siya yung first love ko eh.  Madalas ko din isipin ang magiging future naming magkasama. I couldn’t imagine myself without him.

Pero hindi na kami. Wala ng kami. How can he just fall out of love when I am doing everything I can for our relationship?

Boys.

Ganyan ba talaga silang lahat?

Umiinit nanaman ang sulok ng mata ko. Ayoko na sanang umiyak eh, baka kasi ma-dehydrate na ako sa kakaiyak, pero ayaw talagang makinig ng luha ko. Pilit kong pinupunasan pero ayaw pa rin tumigil sa pagtulo. I covered my face with both hands and cry.

Nakakahiya. Sana lang walang makakita sakin dito.

Weak!

Oo na. Ako na ang weak. I can’t help it. I’m pathetic… heartbroken and pathetic.

“Weak.”

I heard a masculine voice. Napaangat ako ng ulo at tiningnan kung kanino nanggaling ang boses na yun. Then I saw a familiar boy. Classmate ko siya mula high school  pero hindi naman talaga kami close.

Pinunasan ko agad ang luha ko. “Please wag mo ipagkakalat na nakita mo ako dito, ha?” Nakakahiya!

“Sure sure.” he smirked sabay upo sa katapat kong upuan. Napatingin ako sa hawak niyang libro. ‘Chocolate in 101 Ways’ ang title. Bakit naman sa dinami-dami ng libro dito, yung recipe book pa yung naisipan niyang basahin? Weird.

May kinuha siya sa backpack niya na maliit na tupperware container at nilapag yun sa harap ko. Napansin ko yung loob na may lamang chocolates.

“Chocolate?” paniniguro ko. Tumango naman siya. “Para saan?”

Para kainin mo, duh. Ang talino ko talaga.

“Para kainin mo, duh.” he smirked. Natawa ako sarcastically. Parang narinig niya yung monologue ko. Pero bakit naman niya ako binibigyan neto?

Nginitian niya ako na para bang narinig ang tanong sa isip ko. “Matamis ang chocolates diba?” tumango ako. “The sweetness of the chocolate will help lessen the bitterness of your recent breakup.”

Wow. Good analogy. Naisip pa niya yun? Pero wait. Paano niya…

“Pano ko nalaman na kakabreak nyo lang?” tumango ako. Psychic ata ang isang to eh. “Narinig ko kasi kayo nun sa classroom. Sorry ha. I shouldn’t be eavesdropping pero wala eh. Ang gago niya kasi kaya pinakinggan ko siya. Nakakatawa.”

I frowned. So nakakatawa pala yung breakup namin. Nakakatawa pala na na-heartbroken ako.

At dahil nga psychic siya, he held up his hands. “Hindi! Hindi yun ang ibig kong sabihin. I mean siya yung nakakatawa. Nakakatawa siya kasi ang tanga-tanga niya para ipagpalit ang isang tulad mo sa isang babaeng hindi naman kasing ganda mo.” He said seriously.

Wow. That was… flattering? I mean, coming from a guy like him himself. Ni hindi nga kami close eh. Pinilit ko na lang ngumiti kahit mukhang kamatis na mukha ko. “Thanks.” I muttered.

Yumuko na lang ako. Ano ba to. Bakit ganito nararamdaman ko. Parang kabado na ewan. Ang init pa ng mukha ko. Nakakahiya. Napansin ko yung chocolate na binigay niya. At dahil sa awkwardness ko, kumuha na lang ako ng isa at kinain yon.

Ang sarap! Hindi siya sobrang matamis to the point na mauumay ka na, hindi din siya mapait. Tamang tama lang. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanya, my first real smile since my recent breakup. “Wow! Ang sarap naman nito.” Sabi ko habang ngumunguya.  Ano bang brand to?

Nginitian din niya ako. Sumandal siya at nilagay ang mga braso niya sa likod ng ulo niya. A typical ‘pagmamayabang gesture’. “Siyempre. Genius ako eh.”

And wow. Siya pala gumawa neto. Ito na ata pinakamasarap na nakain kong home-made chocolates. Natawa naman ako. Parang hindi bagay sa isang tulad niya ang nagbe-bake. If you call making chocolates baking.

“Chocolates are sweet,” dagdag niya. “It has endorphins also known as happy hormone. Tingnan mo, gumaan na pakiramdam mo diba? Sige na! Thank me, thank me!”

Tuluyan na akong napatawa. Oo na, matalino siya. Alam ko na since high school days pa lang. Hindi lang talaga halata. Hahaha

Napatingin ako sa hawak kong chocolate. I realize he isn’t like my previous boyfriend. I see him as an angel saving me from my dungeon of emptiness.

“Thank you ha… sa chocolates… and for making me feel better.”

He smiled. “You’re welcome. Consider me as your knight in shining armor.” he winked.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang barahin siya. Siguro dahil sa init ng mukha ko, o sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, o baka naman sa mga lumilipad sa tiyan ko. Kung ano man yun, wala akong pakialam. Basta ang alam ko, kaharap ko ang taong nagpasaya sa kin ngayon.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon