Entry # 31: M. Martinez

393 5 4
                                    

M. Martinez

WANTED: SERIAL KILLER

Phoenix, ang babaeng apoy

Kilala sa pagsunog sa lagpas sampung mga sundalo at si Gobernador Marko, yumaong gobernador ng San Diego kasama ang ilang sibilyan.

Ang sinumang makahuli ay gagantimpalaan ng isang milyong piso.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa babaeng ito.

PIRA-PIRASO kong pinunit ang mumunting papel na ito. Basura. May mga taong tutuligsa sa akin dito sa kagubatan kahit pinuno na nila ako ng kanilang pangungutsya. Sana lang, hindi na nila ako gambalain at hayaang mamuhay ng tahimik.

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga benda na nakapulupot sa aking kanang kamay. Nang matapos ay lumagablab ang mga apoy na kulay pula at dilaw at pumaikot sa aking kamay. Hindi ako napaso; nanatili ang maputlang kutis ng aking balat. Ang apoy ay umabot lagpas sa aking balikat. Mistulang pakpak ng isang phoenix ang dulo ng mga apoy.

Pyrokin ang tawag sa mga taong katulad ko na kayang kontrolin ang apoy. Una itong tinawag ng aking ina. Noong una ay namangha ako. Pero kinalaunan, kinamuhian ko na.

Mapanganib din pala ang maging kakaiba.

Nakarinig ako ng mga kasa ng baril sa aking likuran. Tumalikod ako at nadatnan ko ang mga armadong pulis na nakapalibot sa akin. Nakatutok ang mga baril sa akin.

“Hindi ka na makakatakas, Phoenix,” wika ng isa sa mga armadong pulis sa aking harap. Nabasa ko ang kaniyang pangalan malapit sa kaniyang puso: M. Martinez.

M. Martinez? Sumagi sa aking utak ang ilang taong nagngangalang Martinez na kilala ko. Isa na siguro si Mariella Martinez. Isa rin siya sa mga Pyrokins. Siya ang nagturo sa akin kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan. Siya ang nagbigay ng bendang may mahika upang hindi masunog kapag dumidikit sa kanang kamay ko.

Dahil katulad ko siya ay hindi maiiwasan ang mga panunukso sa kaniya. Malakas siya. Tiniis niya ang lahat ng iyon upang may kasama akong katulad ko.

Pero anong nangyari? Nauna siyang namatay dahil sa bato ng isang itak sa kaniyang likuran galing sa isang sibilyan. Inakala ng sibilyan na pinatay niya ang asawa at anak nito at ang sanhi ng pagkasunog ng kanilang bahay. Pero ang totoo’y naglalaro ang anak nito ng posporo kaya nasunog.

Nakakalungkot. Kailangan ba nilang patayin ang isang taong walang ginagawang masama? Ang isang taong puno ng kabutihan ang puso?

Bang! Bigla silang nagpakawala ng mga bala. Pero, mas mabilis ako. Tinunaw ko kaagad ang mga ito bago pa man may dumaplis sa akin. Nagsimulang maging mapangahas ang aking mga apoy.

Pumulupot sa aking katawan ang apoy na tila isang ahas. Kumurba ang apoy na isang malaking kamay. Kinuha nito si Martinez. Nabitawan niya ang dalang baril at sumigaw. Mukhang nataranta ang mga kasamahan niya at magpaputok muli. Agad ko itong tinunaw.

“Ibaba niyo ang mga baril niyo o susunugin ko ang katawan nitong lalaking ‘to!” utos ko sa mga nakapalibot sa akin. Agad naman nilang ibinaba ang kanilang mga baril.

“Kababaing tao mo at ganito ka ka-brutal? Mukha ka pa namang bata,” tukso ni Martinez. Sa galit ay sinunog ko ang kaliwang kamay niya. Sumigaw siya sa sakit.

“Tumahimik ka o itutuloy ko ang pagsunog sa ‘yo!”

Tumalikwas ang mga kasamahan niya.

Iniharap ko ang katawan ni Martinez sa akin. Nakita ko ang mukha niyang puno ng galit at kamuhian sa akin. Hindi na normal iyon kung araw-araw mong makikita ang mga sibilyan na may ganitong mukha sa iyon.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon