Entry # 57: Ang pag-ibig

280 3 4
                                    

Park

25 minutes late.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko.

Dinial ko ang number niya pero di niya sinasagot.

Nagsimula na akong kabahan.

"Jake!"

Lumingon ako sa likod.

Akala ko si Arianne pero nagulat ako nang makita si Lea.

"Lea? A-anong ginagawa mo dito?" Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit? Di ba pwede?"

Tanong niya sa akin habang lumalakad palapit sa akin.

Ngayon ko lang siya ulit nakita simula nang magtapos kami ng pag-aaral 2years ago.

Maganda parin siya ngunit may kaunting pinagkaiba sa kanya.

Nakamove-on na kaya siya sa akin?

Sana oo.

"U-uhm hindi naman. Si Arianne kasi. Baka makita na naman tayo tapos kung ano ano na naman ang sasabihin nyon." Natatawa kong sabi.

"Ahh ganon ba."

Ngumiti siya at tumalikod.

Nagulat naman ako kaya bigla ko siyang pinigilan sa braso.

"Uy teka. Biro lang yon. Ito talaga."

Namula naman siya at napakamot ng ulo.

Natawa ako sa reaksyon niyang yon.

"Anyway, ngayon lang ulit kita nakita. Buti napasyal ka dito."

"Madalas akong magpunta rito. Teacher kasi ako at malapit lang ang iskul na pinagtratrabahuan ko rito. Ginagawa kong tambayan itong park pag gusto kong magmuni after work."

Tumawa siya saglit.

"Lagi rin kami napapasyal dito ni Arianne."

Sabi ko.

Huminga muna sya ng malalim bago muling magsalita.

"Actually, nakikita ko kayo lagi ni Arianne na magkasama dito. Lumalayo lang ako dahil syempre, alam mo na."

Natatawa niyang sabi.

"Teka bakit mo naman ginagawa yon. Tagal na niyon e. Kalimutan na natin."

Inaalala niya parin ang nangyari dati.

Naguilty tuloy ako. Kaya minsan nakikibalita nalang ako sa naging kaklase namin nung college.

"Haha! Ayaw ko lang ng gulo. Di pa kami nagkakaayos ni Arianne. Change topic. Ikaw? Musta ka na? May trabaho ka na?"

"Ito nakahanap na ng trabaho. Kailan lang natanggap sa isang kumpanya. Ngayon naman, balak kong sorpresahin si Arianne. Magpropropose na ako ng kasal sa kanya." Abot-tenga ang ngiti ko habang sinasabi yon.

"S-sigurado ka?"

Napakunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Masyado pa yatang maaga para sa inyo."

"Proposal pa naman to e." Natatawa kong sabi.

"E si Harry?"

"Paano naman napasok sa usapan yon? Di naman na sila nagkikita nyon."

"Sigurado ka?"

"Hmm oo. Unless kung may tinatago sila sa akin."

Sa likod niya napansin ko ang isang babaeng na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno.

Tila may hinihintay ito pero bigla akong natauhan nang maaninaw ko ang babaeng yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon