Entry # 39: Letter to Romeo

352 6 2
                                    

"Okay class, You may start writing your letters now." sabi ni Mam Frances.

Pinapagawa kasi kami ng letter na ibibigay sa mga Third Years na magsisilbing Secretaries of Juliet namin na sasagot sa letter ginawa namin, Parang sa movie na Letters to Juliet lang.

Kaya kami pinapagawa nito ay dahil February ngayon at Valentine's Day ngayon at kahit papaano alam ng teacher namin sa English kung gaano namin kagusto na maging special this day.

Pagkatapos naming gumawa ng letter ay ipinasa na namin to sa aming guro. Samu't sarin reaksyon at pagdi-daydream ng aking mga kaklase ang aking naririnig.

"Julie anong nilagay mo dun sa letter mo?" tanong ng seatmate ko.

"Wala. Secret na yun." sabi ko sa kanila. Ayaw ko kasing malaman nila kung sino yung hinahangaan dito sa school kasi uulanin na naman ako ng mga pang-aasar nila. 

"Asus. Kung alam ko lang si Kuya JM lang yun." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko pero sinikap ko pa ring itago yun.

"Ewan ko sa inyo. Bahala na kayong manghula."

Lumipas ang ilang subjects at Recess na namin. Yung mga classmates ko hindi mapakali dahil ibabalik na yung mga letters namin na may reply. Nagsipag-unahan na silang lumabas na kulang na lang masira yung pinto namin. Lumabas din ako pero hindi dahil sa letter, baba kasi ako sa canteen dahil sa nagugutom ako. 

Ramdam na ramdam ko talaga yung essence ng Valentines ngayon yung tipong kapag single ka echapwera kayo sa celebration na to. Outcast o Untouchables.

"Miss okay ka lang?"

Sa sobrang pag-iisip ko di ko na namalayan na may nabangga ako at napaupo pa ako dahil sa lakas ng impact.

"Tingin mo Okay lang-" di ko na natuloy sasabihin ko nang malaman ko kung sino yung nakabangga sa akin. Si Kuya JM !

"Okay ka lang Juliette?" tanong niya ulit. Kinakausap niya ako !  Atsaka alam niya pangalan ko ! Ano nang gagawin ko? Naramdaman kong uminit yung mukha ko kaya tumayo na ako agad.

"O.. okay lang po ako." Shems. Di ako makapaniwala.

After that hinatid niya ako sa classroom ko just to make sure na okay ako. Seriously kinikilig talaga ako pero nagulat ako nang bigla niya akong hilain kung saan pero di ko na pinansin yun dahil may iniintindi akong iba, Hinahawakan niya yung kamay ko ! Lalo tuloy bumilis tibok ng puso ko.

What have I done to get this blessing from God? Dahil pinakopya ko yung uhugin kong classmate kanina o natripan kong makinig sa klase namin kanina? o naawa na talaga sila sa miserable kong buhay?

Dinala niya ako sa rooftop ng school namin tapos may inabot siyang papel, medyo pamilyar pero binasa ko na lang.

Dear Juliet,

      Ummm. Hi? Hello Juliet? Same name pero sana huwag naman maging tragic lovestory ko.First of all, Pasensya na di ako marunong mag-construct ng sentence di kasi ako nag-grade one, joke, baka pabalikin ako ng grade one, pero ano, kasi, may hinahangaan kasi akong tao, Si JM Mendoza, I'm sure kilala mo naman po siya di ba? Kasi siya lang naman ang S.C. Treasurer natin na pang Escort ang gwapo at pang Governor ang talino. Ano.. Kasi.. Gusto ko lang naman siya maging close friend sana kaso mukhang ayaw niya eh. Paano lagi niya akong iniiwasan tapos kapag binabati ko siya ng Good Morning dinededma niya lang ako at binibilisan ang lakad. Seryoso, Lagi naman akong mabango kapag nilalapitan ko siya ah? Pero sana mabigyan mo ako ng advice na makakatulong sa nakakapanlumo kong sitwasyon. Promise kapag natuwa po ako sa advice mo magkakaroon tayo ng Trip to Jerusalem at kahit sa iyo na yung upuan ko dun, paliparin mo kung saan. Yun lang po. Have a Good Day even though I knew that I already ruined it because of this letter. God Bless ! :)

- Juliette Mechael Sobrviñas, II-Love

Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa. Ano naman kaya nagawa ko at nagalit sa akin agad ang langit? Di ko pa naman siya nilalandi ah? Di ba pwede i-rewind yung kanina? While I'm still floating due to extreme happiness while holding his hand?

"A.. e.." mukhang matatapos ko yung patinig nito dahil sa wala akong masabi pero on a Good Side, Napatunayan ko na nag-grade one ako. Di pa rin ako mapakali kaya tiningnan ko ulit yung paper, may nakasulat dun na reply !

Hi sister in law ! Buti naman naisipan mong umamin kasi mas mukhang magiging tragic pa ang lovestory mo kaysa kay Juliet kapag hindi ka pa kumilos. Well, First of all, alam ko naman mentally challenged kaya I understand kung di ka marunong mag-construct ng sentence. Joke. Ang talino mo kaya, sadyang nagpapakatanga ka lang sa kuya ko. Second, hindi ka niya iniiwasan kasi sa mabantot ka, iniiwasan ka niya dahil mentally challenged din yung kapatid ko kaya meant to be talaga kayo, de joke lang. Iniiwasan ka niya kasi baka mangisay sa kilig yun, kasi matagal na ding inlove sa iyo yun, di lang magawang umamin, ang nega kasi, pinagseselosan pa ang kaibigan mong bakla at natatakot na baka ma-busted agad. Ewan ko nga kung saan nagmana yun eh. And lastly, kung ako sa iyo, humanda ka nang kiligin dahil ibibigay ko to kay kuya. Wahaha. Ayan ang laki na nang natulong ko kaya kukunin ko na yung prize ko. Hahaha. Salamat sa trip to Jerusalem.

P.S. Hangad ko ang maganda niyong lovelife. Nawa'y pagpalain ang mga Manhid at Torpe niyong puso.

- Your Ever Wonderful soon to be Sister in Law.

May kapatid nga pala siya sa Third Year ! Bakit ko ba kasi nakalimutan yun?!  Sana pala di ko na lang binasa. Mas lalo tuloy bumigat yung atmosphere dito and seriously, awkward silence is killing me. Tumalon na lang kaya ako? o magbigti dito sa rooftop?

"My sister gave it to me. So I guessed you've already read my sister’s reply to your letter?"

Nakita ko siyang lumalapit sa akin kaya lumalayo naman ako.

“I think so po.”

“Nakakahiya mang sabihin, pero totoo yung mga sinabi ng kapatid kong pasaway,”

O-M-G ! Umaamin ba siya sa akin? Na-speechless ako lalo.

"You like me?"

"Hah? Di po ah ! Sino po may sabi?"

Tungak ko talaga, nakasulat nga pala sa paper yun. Instead na tumigil siya sa paglapit sa akin, ngumisi lang siya at pinagpatuloy ang paglapit.

"Really?"

Oh geez. Mukhang matutunaw ako dito dahil sa mga titig niya at ngisi.

"So what if I told you that, I like you too. Will you still deny it?" Ano?! May gusto siya sa akin? Is he kidding me? or this is just a dream? Ba’t ang daming mga magagandang bagay ang nangyayari sa akin? Kinurot kurot ko yung sarili ko.

"Anong ginagawa mo?" Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung mukha niya at tinusok tusok.

"Totoo ba to?" Bigla siyang ngumisi.

OH MY GOSH ! TOTOO NGA !

Lalayo pa sana ako pero pinigilan niya ako. Ano nang gagawin ko? Bakit may nararamdaman akong sumisipa sa tiyan ko? May anak na ako? Oh no. Juliette Batang Ina? O Ito yung tinatawag nilang butterflies sa tiyan? Na nag-mutilate kapag sobrang kinikilig ka?

"It seems like I didn't really like you."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Okay na sana kanina eh. Ba't ba binawi niya? at parang ang moody ng heaven ngayon? Magbibigay tapos babawiin yung blessing? Bigla niyang nilapit yung mukha niya sa akin. Yung sobrang lapit, mabibilang mo na lang yung centimeters sa daliri mo.

"Because I think and feel that I already love you Juliette."

And that made my butterflies in my stomach became crazy and wild na pwedeng dalhin sa mental.

Best and Most memorable Valentine's day, na nagsimula lang sa sulat na para sa mga Third Year o Secretaries of Juliet namin, pero sa di inaasahang pangyayari, My Letter to Juliet  became My Letter to Romeo instead.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon