Entry # 42: DEAR JAMES

387 8 5
                                    

Naalis ang mga mata ko sa binabasang libro nang makitang padating na si James sa kinaroroonan ko. Taglay na naman niya ang ngiting yun. Ang ngiting kahit sinong babae ay siguradong mahuhulog.

Binaba niya ang dalang gamit at umupo sa tabi ko. Basa ang buhok niya. Palatandaan na kakagaling niya lang sa swimming practice nila.

"Kumusta ang practice?" tanong ko sa kanya habang inilalagay sa loob ng bag ang librong alam kong hindi ko na mapagtutuunan pa ng pansin.

"Ayos lang," sagot niya pagkatapos ay pinadaanan ng kamay ang buhok. Hindi nakaligtas sa ilong ko ang amoy ang shampoo niyang ginamit. "Nabeat ko na yung record ko."

"Talaga?" masaya kong tanong. "Eh di maganda. Congrats!"

"Hmmm mmmm," tanging sinabi niya. "Pero may mas maganda pa sa balitang ‘yon," dugtong niya.

Nagkunot ako ng noo. "Ano?"

May inabot siya mula sa bulsa pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang isang dilaw na sobre.

Unti-unti niya itong binuksan. Pagkatapos, inilabas niya ‘yong puting papel.

"Dear James..."

Pinagmasdan ko siya habang binabasa niya ang love letter na mula sa kanyang secret admirer. Halatang-halata na nag-eenjoy siya sa pagbabasa.

Hindi ko na nga masyadong maintindihan ang binabasa niya dahil abala ako sa pagtingin sa gwapo niyang mukha. Na mas lalo pang gumagwapo kapag ngumingiti siya o di kaya naman ay natatawa.

Hay. Bakit ba kailangan niyang maging ganyan kagwapo? Kabait? Kasweet? Kathoughtful? Kagentleman?

Mahigit tuloy sa madalas, nakakalimutan ko ang lugar sa buhay niya—isang bestfriend. Isang dakilang bestfriend lang.

Oo, guilty as charged, in love ako sa bestfriend ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero bigla ko na lang naramdaman na iba na ang tingin ko kay James. Kung mas nalaman ko nga lang ng maaga eh di sana nagawa ko ng pigilan. Para ngayon, wala akong malaking problema.

"Love, Secret Admirer," pagtatapos niya sa binabasa. Tinupi niya ang papel at binalik ito sa dilaw na sobre.

"Alam mo malakas talaga ang pakiramdam ko na kilala ko ang nagsusulat nito," sabi niya.

"Paano mo nasabi?" tanong ko.

"Eh kasi sa buong tatlong buwan niya akong sinusulatan, parang alam niya ang bawat nangyayari sa buhay ko. Parang alam niya kung may problema ako, parang alam din niya kung may magandang nangyari sa akin," paliwanag niya.

"Baka naman nagkataon lang," sagot ko.

"Hindi eh. Alam mo Ann, hindi nagkataon ‘yon kung halos araw-araw alam niya ang nangyayari sa akin," pilit niya.

"Eh may suspetsa ka ba kung sino?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala."

"Wala naman pala eh," sabi ko. "Teka, bakit parang gusto mong malaman kung sino yang admirer mo?"

Ngumiti siya. "Paano ko ba sasabihin 'to? Um, naniniwala ka ba na pwede mong mahalin ang isang tao kahit na hindi mo pa siya nakikita?"

Natawa ako. "Siguro?"

Maya-maya pa, naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.

"Parang..." umpisa niya sa sasabihin.

Naku naman! Wag niyang sabihing...

"In love na ako kay mystery girl."

Napalunok ako. Tama nga ang hinala ko. Pero bakit?

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon