Entry # 32: I Almost Have It All

363 3 9
                                    

-----

Isang masigabong palakpakan ang pumailanglang sa Function Room ng Ayah Mendoza Medical Center. Ganap alas-otso ng umaga, kung saan kasalukuyang ginaganap ang opening para sa publiko. Pinanood ko sa LED video na malapit sa akin ang pagdating ng Mendoza Family. Princess Ayah was vision in her light green dress. Lalo pa itong pinaganda nang mga mata nito sa paglapit ni Rohann. Hindi na ako nagulat ng pinagkaguluhan ang dalawa ng media.

Ayah has a weak heart. At the age of 20; she had undergone a heart transplant surgery. And Rohann was his private doctor.It’s only six month, when she had her surgery. She was looking better now. Hindi na siya mukhang pallor and unhealthy kagaya ng dati. She looked so pure, innocent and lovely.

Nakasunod pa rin ang video hanggang sa makaupo ang mga ito. Nag focus ang frame sa magkahawak-kamay na sina Rohann at Ayah. Nakita kong masuyo at puno ng pagmamahal na hinalikan ni Rohann sa noo si Ayah.

Parang may mga kamay na pumiga sa dibdib ko.

It had been more than decades ago.

Nagtago ako sa likod ng malaking puno sa campus namin. Fourth year highschool na ako.

"Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ng isang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Agad ko naman siyang namukhaan− si Rohann, ang class president at running for valedictorian.

"Wala kang pakialam!" Pinalis ko ang luha ko. "Umalis ka na rito!" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ayokong magpakita ng kahit anong emosyon sa kahit na sinong tao dahil maari nila itong magamit laban sa akin.

"Nakita kitang naiiyak nang tumbakbo ka papunta rito." Umupo siya sa tabi ko. "Sige na, baka sakaling makatulong ako."

"Anong maitutulong mo? Mabibigyan mo ba ako ng pamilya sa Family day? Sino ba kasing nakaimbento na gawing family day ang Foundation day?"  Pilit kong pinipigilan ang luha ko na malapit nanamang tumulo.

"Iyon ba? 'Asan ba ang pamilya mo, Kimberly?"

Ngumiti ako ng mapakla. Umiling muna ako bago ko sinagot ang tanung niya."Ulila na akong lubos. Namatay si mama nang isinilang niya ako.Kahit na isa lang akong bunga ng pagkakamali. Walang magawa si Papa kundi kupkupin ako at patirahin kasama ng tunay niyang pamilya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon namatay si Papa sa isang sakit na dumapo sa kaniya. Sampong taon palang ako noong mga panahong iyon. Si Nanay Sally ang asawa ni Papa, pumayag siyang tumira ako sa bahay nila kapalit ng paninilbihan ko sa pamilya niya.”

"Hindi ka ba pupuntahan ni Nanay Sally mo dito?"

Gusto kong matuwa sa ideya na iyon pero mas naiiyak ako sa kadahilan na kahit kailan hindi ako pag uukulan ng oras ni Nanay Sally.  "Kahit kailan hindi niya ako tinuring na pamilya. Kung hindi lang ako naging scholar baka hindi niya ako pinag-aral dito. Naaalala lang niya ako ‘pag bigayan ng allowance saka pag may kalat sa bahay at kailangan maglinis." Itinaas ko ang aking palda at pinakita ko ang pilat sa aking hita sa loob ng uniform ko at ang mga sugat nang pagmamaltrato ng ina-inahan ko.

Basura ang trato sa akin ni Nanay Sally. Pinangako ko sa sarili ko na i-aangat  ko ang buhay ko kahit anong mangayari. Hindi ko masasabing inaruga nila ako noon. Dahil bawat isang pagkakamali ko noong bata ako katumbas noon ay buong araw na hindi ako kakain.

Muli akong tumigin kay Rohann at awa ang nabasa ko sa kanyang mga mata. "Wag ka nang malungkot. Gusto mo, ipakilala kita sa nanay at tatay ko? Para kunyari sila ang ang magulang mo." Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko mapigilang hindi sagutin ang ngiti niyang iyon. For the first time in my life someone makes me feel important. "Okay lang ba?" tanong ko.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon