Entry # 29: Love of a Father

370 4 5
                                    

Lahat ginawa niya para sakin.

Lahat sinakripisyo niya para lang sakin.

Ako?

Anong magagawa ko para sakanya?

***

"Anak, ayos ka lang ba?"tanong ni papa.

Kinuha ko ang bote ng alak at buong lakas na hinagis yun sa pader ng kwarto ko.

"Ang kulit mo tanda! Alis ka nga dito!"galit na sigaw ko.

"Anak, kung may problema ka, nandito lang ako. Makikinig ako sa'yo."

Bwisit. Paulit-ulit nalang niyang sinasabi yan. Nakakasawa.

Tumayo ako. Hinarap siya at tinignan ng masama.

"Bingi ka ba o makitid ang utak?! Ang sabi ko, umalis ka dito!"

Wala siyang nagawa kundi ang yumuko at malungkot na lumabas ng kwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at hinayaang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Cindy bakit...bakit niloko moko? Mahal na mahal kita pero tang-ina, di ako tanga para di malamang may boyfriend ka sa school niyo!

"Mga walanghiya kayo Cindy! Papatayin ko yang lalake mo pag nakita ko kayo!"

Tumayo ako. Lumabas ng kwarto at pabagsak na sinarado ang pintuan.

Nakita ko si papa na nakaupo sa sahig at matiyagang naghihintay sa labas ng kwarto ko.

"Ano ba! Paharang-harang ka!" Sinipa ko siya para makadaan ako.

Tumayo siya at pinahid ang luha sa mata niya sa pamamagitan ng likuran ng palad niya.

Heto na naman siya, umiiyak kapag nakikita niyang nasasaktan ako. Ang corny niya takte, ang tanda na para mag-inarte pa ng ganito.

"Anak, san ka pupunta?"

"Paki mo ba?"

Nainis ako nung sumunod siya sakin. Hinayaan ko lang siya. Kahit anong gawing pantataboy ko sakanya, di rin naman siya aalis.

Paglabas ko ng bahay, kaagad akong sumakay ng motor ko at tinulak muna si papa bago paandarin ang motor ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Si papa. Ang taong kinaiinisan ko. Palagi kasing 'bawal yan' at 'huwag mong gawin yan' ang palagi niyang sinasabi kapag nagbibisyo ako. Daig pa ang guard kung mansita. Ang KJ niya, asar. Di ako nabubuhay sa panahon ni Rizal, moderno na ngayon at ayokong mapag-iwanan ng panahon.

Mas lalo kong pinaharurot ang motor ko dahil sa pagkairita. Naalala ko na naman kasi yung araw na pa close kami ni papa.

Dinala ako ni papa sa isang simbahan, ang lugar kung saan palagi niya kong dinadala pagkatapos naming kumain sa carinderia.

"Anak, wag na wag mong kakalimutang manalangin ha? Natutuwa si papa kapag nagp-pray ka."

Tumango ako at nagdasal.

"Good boy ang anak ko. Paglaki mo, dapat good boy ka pa rin ha?"

Hindi ko alam pero nandidiri ako kapag naalala yan. Dapat mabait ka, dapat mapagbigay ka, dapat matulungin ka, dapat, dapat dapat! Nakakasawa! Palagi nalang dapat maging banal sa lahat hanggang sa abusuhin ka na nila!

Mahirap maging mabait, sasamantalahin ka ng ibang tao, at ayokong lumaking 'boring' ang buhay ko. Salamat sa mga barkada ko dahil tinuro nila sakin kung pano maging masaya. Ang totoong kasiyahan.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon