Entry # 14: Sabaw ng Patotin

610 14 20
                                    

Sabaw ng Patotin

"Habang bata pa, sa damuhan maghabulan, magtampisaw sa ulan."

Masayang inaawit ng limang batang tikbalang ang paborito nilang jingle mula sa TV commercial ng Pigrolac habang nagpapagulong-gulong sa carabao grass ng isang bakanteng lote. Alas siyete na ng gabi, nagsimula na ang night-life ng mga nilalang ng dilim.

Sa isang lumang mansyon sa tapat, nakamasid si Babylyn, kating-kati ang mga paa na gumala. Malas lang nakabantay ang tatlong mga ate niya. Mas lalong minalas siya nang dumating ang kanyang Daddy Joe, may dalang gabundok na handouts tungkol sa property appraisal, at ibinagsak ito sa paanan ni niya.

"Anak, sa mundo natin malaki ang advantage kung meron kang background sa real estate," sabi ng tatay niyang engkanto.

Kaka-graduate lang ni Babylyn mula sa Mababang Paaralan ng Pinausokang Mahogany, kakasimula lang ng kanyang bakasyon papag-aaralin na naman siya. So much is expected of her at such a young age.

Nanginginig niyang pinulot ang isang pahina. Nilingon niya ang mga kapatid na pawang mga white lady, nakangiti silang lahat sa kanya half supportive, half nang-aasar. Dahil siya ang bunso at dahil medyo naiba ang hulma ng kanyang face, palagi siyang naa-out of place at nabu-bully.

"Habang bata pa, sa damuhan maghabulan, magtampisaw sa ulan."

Nabaling muli ang atensyon niya sa limang batang tikbalang na naglalaro. Naisip niya sa sarili, "Of all tiyanaks, Why is this happening to me?"

---

"Sabaw ng patotin. Please, sabaw ng patotin."

Nakataas ang mga kamay. Nakatingala sa kungsaan. Yun ang pangatlong araw na lumuhod si Perla sa harap ng malaking balete sa kanilang bakuran habang paulit-ulit na ni-recite ang ingredients ng Patotin.

Nakaantabay naman ang parents niya sa kanyang likuran, kunot ang mga noo at nag-iisip sa kanilang mga sarili kung ito ba ay epekto ng nalalapit na finals, o dala ng paggamit ng droga.

Kakaiba si Perla sa pangkaraniwang teenager, madalas siyang mag-isa at may kausap na hindi nakikita. Actually kaibigan niya si Babylyn at siya ang huling nakitang kausap nito bago mawala ang naturang tiyanak.

Oo, nawawala si Babylyn, six months na.

"Sabi niya her life is a mess," sagot ni Charles, isa sa magkakapatid na tikbalang na kabarkada ni Babylyn, nang ni-interview siya ni Daddy Joe. "Her life is chained with so many rules. She was forced to follow another person's dream. Kasalanan mo 'to Uncle Joe!"

Nagulat si Daddy Joe sa nasabi ni Charles. Gusto lang naman niyang i-direct ang future ng kanyang bunso. Sino ba namang magulang ang nagnanais na mapasama ang anak?

"Ano pang mga napag-usapan niyo ni Babylyn?" usisa ni Daddy Joe.

"Sangkap ng Patotin soup." And the little tikbalang galloped away while the poor engkanto was left dumbstruck with those words.

"I know she hates me because I boss her around," komento ni Amanda, panganay ni Daddy Joe. "Bunso siya, she has tasks as a bunso. Ayaw niyang inuutusan eh. Alam niya ba kung ano ang responsibilidad ng panganay? Walang karapatang maglayas ang mga bunso!"

And she broke into tears as guilt sunk it's blade unto her hard shell revealing her mollusk self.

"I miss my sister. Hindi ko na siya uutusan ulet, bumalik lang sana siya." dagdag pa niya.

"Marami tayong anggulong tinitingnan," sabi ni Private Detective Ben Kapre sa kanyang official statement. "Kung na-kidnap siya, dapat tinawagan na agad ang pamilya para sa areglo. Kung naglayas naman siya, She can't possibly walk in broad daylight, gabi lang siya makakapag-relocate kaya hindi maaaring walang witness. Nakikipaghalubilo siya sa tao, maaaring nahikayat siya na maging kristyano, and surrendered herself to the Lord. Isa pa, tao ang huling kasama niya bago siya nawala.

Royal Rumble: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon