Chapter 2

3.3K 101 17
                                    

Chapter 2

Maaga akong gumising para maabutan ko si Damien sa bahay nila, i was waiting for him outside their house. Sinabi ko na kay Mommy na sabay ulit kami ni Damien kahit hindi naman talaga kami nagsabay kahapon. She even asked me some questions.

"Kailan pa kayo naging close ni Damien?" takang tanong ni Mommy.

She's eyeing me suspiciously, i smiled. Kailan nga ba? never naman kami naging close, ako naman talaga itong feeling close sakaniya.

"Uhm...matagal na." i answered.

"Matagal na? hindi ko nga kayo nakikitang nag-usap." napangiwi naman siya.

"Basta Mommy! aalis na ako bye!" nagpaalam na ako kasi magtatanong pa sana siya.

And here i am again, hinihintay siya. bumukas ang pinto and it was him, todo ngiti naman ako sakaniya! akala mo ah, you can't shoo me that easily.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" iritado niyang tanong.

"Sasabay!" sagot ko. umiling na lang siya at naglakad. "Maglalakad lang tayo?"

"Sumakay ka kung gusto mo." masungit niyang sabi, napangisi naman ako. ang cute niya talaga! ang sarap kurutin sa singit.

"Sabi ko nga maglalakad lang tayo." bulong ko.

Sumabay ako sa paglalakad niya. Ang tangkad niya talaga, hanggang balikat lang niya ako. Habang naglalakad ay diretso lang ang tingin niya, hindi ba siya naco-conscious sa paligid niya? para siyang robot na katawang tao, saka lang siya nagiging tao kapag kasama niya si Aaron.

"Ano height mo?" tanong ko pero 'di niya naman sinagot.

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Nakakapanis naman 'to ng laway!

Malapit na rin naman kami sa school kaya hindi na ako nagsalita pa. Nang makarating kami dire-diretso lang siya sa paglalakad hindi na ako hinintay, may dadaanan pa sana ako pero mukhang aral na aral na siya.

Mabuti na lang wala pa ang first subject namin kun'di patay ako. Napakasungit pa naman, kaya tumandang dalaga eh. Pagpasok ko ay nando'n na si Aaron at busy sa cellphone niya, hindi ko na kailangan manghula dahil alam ko naman kung sino iyon. Tumabi na ako sakaniya, napalingon naman siya saakin at binaba na ang phone niya nang makita ako.

Aaron is actually handsome, hindi nalalayo ang pagkagwapo niya kay Damien ko. He is also tall and handsome mas matangkad nga lang si Damien ng kaonti sakaniya, he is chinito at mukhang may halong chinese. Sayang lang talaga dahil napabilang siya sa piderasyon ng mga babaeng na-stuck sa katawan ng lalaki.

"Nandiyan ka na pala?" ngiti niya saakin, i smiled back.

"Kumusta?"

" Okay lang naman, anyway, I'm sorry nga pala kahapon sa pinakitang attitude ni Damien. Masungit talaga iyon kung minsan."

Anong minsan! lagi kayang masungit 'yon. Simula ata no'ng pinanganak na siya nakabusangot na siya.

"Okay lang. wala saakin iyon." i said. Hindi na kami nakapagkwentuhan dahil dumating na ang terror naming prof.

Second subject sabay ulit kami, nakasalubong pa namin si Damien. He smiled to his boyfriend habang ako naman ay inirapan niya. Napangisi naman ako. Nang mag-lunchbreak naman ay sumabay ulit ako kina Aaron, I need to be persistent. Kailangan lagi akong nakikita ni Damien para mamiss niya ako in case na mawala ako. hehe.

"Ako na ulit bibili ng food natin. Love be good to Shin." wika ni Aaron bago umalis.

"Oh narinig mo naman siguro bebe mo? be good daw." ngisi ko sakaniya.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon