Chapter 16
Naikot ko na ang buong bahay pero hindi ko siya mahanap. Nababaliw na ako! hindi ko alam kung saan nagsususuot ang batang iyon! Napatalon ako sa gulat nang biglang may yumakap sa hita ko.
"Gotcha Mommy!" she giggled.
I smiled at her and bended my knees to reach her. Kinurot ko naman ang pisngi niya, napasimangot siya at sumigaw. Nasaktan ata kaya binitawan ko na agad ang pisngi niya.
Bernice Leondra Pascua, my four year old daughter. It's been four years since the day i left Philippines. Payapa na ang buhay ko rito sa San Francisco kasama ang anak ko. Hindi ko naman maipagkakaila na nagmana si Ice sa daddy niyang bakla. Unlike Damien na bugnutin, nakuha naman ni Ice ang ugali kong napakaligalig.
Dito ko tinapos ang huling dalawang taon ko sa kolehiya. Pumasok ako sa isang university dito nang mag-iisang taon na si Ice. Mabuti na lang at nandiyan pa rin si Mommy para maalagaan si Ice tuwing nasa iskwelahan ako. Nang makagraduate at naghanap na kaagad ako ng trabaho dahil need ko ng pera para kay Ice at para makaipon para sa future niya.
"You need to take a shower na." sabi ko sakaniya. Agad naman siyang tumakbo.
"I still want to play!"
At gaya ko rin, napakakulit niyang bata. Halos masiraan na ako ng bait dahil masyadong mapilit ang bata ito. But she's a good kid. Minsan nga lang namomroblema ako tuwing hinahanapan niya ako ng Daddy. Ayoko magsinungaling sa bata at okay na rin naman ako, sinabi ko sakaniya ang tungkol sa daddy niya, kung na saan ang daddy niya, kung bakit hindi kami magkasama.
"There are things that you cannot understand, yet." paliwanag ko sakaniya sa isang gabi na hinanap niya ang daddy niya.
"Okay but can i see him, instead?"
"But he's not here, baby." pagpapaintindi ko.
"Then let's go to him mommy! i want to see him!"
Alam kong hindi ko rin naman matatakasan habang buhay si Damien. Kahit tinanggi niya ang anak ko noon, hindi ko pa rin ipagkakait sakaniya ang maging ama sa anak ko pero kung ayaw niya e'di 'wag niya! Masyado kaming maganda ng anak ko para pilitin siya! Nasa sakaniya na ang desisyon kung gustuhin niyang makita ang anak ko o hindi. Sooner or later kailangan naming bumalik ng pilipinas, tutulungan ko si Felix sa business at iyon na rin ang chance ni Ice para makilala ang daddy niya.
"Mamita!" sumugod agad ang anak ko nang makita si Mommy na kakapasok lang sa bahay.
"How are you pretty girl?" lumuhod si Mommy para mapantayan si Ice.
"Still pretty mamita!" Ice giggled. Napakaharot rin para sa isang bata. "Anyway, mamita. Can i go to school?"
Hindi ko pa pinapapasok si Ice sa isang school. At dahil nga babalik kami ng pilipinas, napagisipan ko na lang din na doon ko na lang muna siya pag-aaralin.
"Soon baby!" ako na sumagot imbes na si Mommy.
"Why not! I wanna go to school now!" she pouted. Mommy kissed her cheeks.
"Wait 'til you turn five years old." sabi ni Mommy.
"But i am four, only one then i will turn five! can you consider it instead and let me go to school?" napairap na lang ako sa sinabi ng anak ko.
Nang gabing iyon ay agad ring nakatulog si Ice dahil sa sobrang pagod kakalaro kasama ang kasambahay. Kailangan namin maghire ng kasambahay dahil hindi lagi kaming nandito ni Mommy sa bahay, kailangan may magbabantay kay Ice sa sobrang ligalig niya baka kung saan saan pa siya magpunta kapag walang bantay.
BINABASA MO ANG
Just To Get You
RomanceDesperatation can be too toxic but Shin doesn't care of what other people think as long as she get what she wants, and she wants him.