Chapter 26

3.3K 80 6
                                    

Chapter 26

Matapos ang tatlong araw ay nakabalik na rin si Ice sa bahay. Halos hindi naman sila mapag-hiwalay ni Damien, hindi ko alam kung magseselos ba ako o ano but i am happy for my daughter.

"Ang saya saya ng apo ko." hindi ko namalayan na katabi ko na pala si mommy.

Nakatingin lang kami sa dalawa na naglalaro sa may garden. Napapangiti ako tuwing ngumingiti ako anak ko kaya hindi matanggal tanggal ako ngiti ko dahil hindi rin matanggal ang ngiti niya habang kalaro ang kaniyang ama.

"Oo nga po eh..." sagot ko.

"Sana tuloy tuloy na 'to, pati rin kayo ni Damien ay maging maayos na." sambit ni mommy.

Nawala naman ng unti-unti ang ngiti ko. Maayos naman kami, pero...hindi ko alam! hindi ko alam kung anong meron saamin ngayon! he's extra sweet hindi lang sa kay Ice kun'di pati na rin saakin. I don't even know if okay na ba ang napag-usapan namin kung nakuha ba ang closure na gusto ko.

Ang nagtataka lang ako ay kung nasaan si Aaron ngayon?

Kinagabihan ay maagang nakatulog si Ice, dahil na rin sa sobrang pagod. Dala naman ni Damien ang ibang gamit niya, he decided to stay in here for a while. Umangal ako kaso nagpumilit siya at pumayag rin si mommy na dito siya manatili, sumapaw pa si Felix.

"Kahit doon ka na matulog sa kwarto ni Shin!" wika ni Felix na naglakad papuntang kusina.

Ang gagong iyon!

"I'd like that. I will sleep in your room."

"In your dreams! maraming guest room dito, masyadong masikip kung doon ka pa sa kwarto ko."

Bumalik naman si Felix at sumapaw na naman.

"Malaki ang kama niyan! kasya ang apat na tao! hindi masikip, kahit gumulong gulong pa kayo." ngumisi si Felix.

Binato ko naman siya ng unan. "Tangina mo!"

"Hala minura ako?"

Sinamaan naman ako ni Damien ng tingin. Oo nga pala ayaw niya ng nagmumura. Pero nagmumura rin naman siya, ayos.

Wala na nga akong nagawa. Dala dala na niya ang gamit niya papunta sa kwarto ko. Eh kasi ayaw ko talaga siyang katabi! hindi sa pabebe ako, pero kasi the last time na nagtabi kami, nabuo si Ice. Sandali nga! am i expecting na may mangyayari saaming dalawa?

"Diyan ka lang sa labas?"

Natauhan naman ako nang bigla kong marinig ang malamig niyang boses. Nakatulala na pala ako dito sa labas. Naiilang naman akong pumasok, pakiramdam ko biglang lumiit ang kwarto ko. Fvck! i am too tensed. Relax lang!

"Maliligo lang ako." sabi niya at pumasok na sa loob ng banyo.

Nakatanga naman ako ngayon habang nakaupo sa may gilid ng kama. Ano ba kasi ang iniisip ko! nothing will happen! God!

Hinintay ko siyang matapos. Gusto ko rin maligo, i feel so sticky. Medyo napatalon pa ako nang biglang bumukas ang pintuan sa banyo. Tapos na pala siya, kanina pa pala ako nakatulala dito at kung ano ano ang iniisip. Tumayo na ako.

"Maliligo lang din ako." dumiretso na ako sa banyo, ramdam ko naman ang mga titig niya saakin.

Sinara ko na ang pinto at napasandal doon. I should stop thinking! ano ba 'to!

Mabilis lang rin ako naligo. Naka-spaghetti strap lang ako at dolphin shorts. Ganito naman ako usually bago matulog but all of a sudden i feel uncomfortable or maybe it's Damien who makes me feel uncomfortable. Nakahiga na siya pero dilat pa rin ang mga mata na nakatutok lang sa kisame. Nakaalalay naman ang kabilang braso niya sa ulo niya.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon