Chapter 30

2.9K 82 12
                                    

Chapter 30

Si Damien lang ata ang kilala kong bakla na napakahilig. We just made love for how many hours now, 'buti na lang matibay itong kama.

"Another round?" he smirked.

Gulantang ko siyang hinarap. Hinihingal pa nga ako! magrerequest na naman siya ng isa pang round?

"Tao ka pa ba?" sambit ko.

Natawa naman siya ng malakas. Agad ko naman siyang sinuway dahil baka magising pa sina mommy. Niyakap na lang niya ako at binaon ang mukha niya sa leeg. He loves hiding his face on my neck.

"Let's just cuddle, then." he chuckled.

And i also noticed how much he loves to cuddle other than making love. He's so clingy, i swear but i'm loving it! matagal ko na gustong mangyari ito kasama siya. Nararamdaman ko naman ang bawat dampi ng labi niya sa leeg ko. Hinampas ko naman siya. Natawa na lang siya at nakatulog na rin sa wakas.

Kinabukasan ay nag-grocery kami kasama si Ice. Hindi na sumama si mommy at Felix dahil bonding time raw namin ito as a family. Malapit na rin ang pasko, kaya excited kaming bumili ng mga regalo.

We let Ice rode in the cart. Habang si Damien naman ang nagtutulak nito.

"Ang cute naman nila, napakagandang pamilya."

I smiled pero unti-unti ring nawala. Hindi ko alam kung matatawag ba kaming pamilya gayong hindi pa naman kami kasal ni Damien. I don't want to confront him about it dahil baka wala pa sa plano niya iyon pero hindi ko naman maiwasang malungkot dahil gusto ko maging isa na kaming dalawa. Ayoko namang maging demanding kaya hinihintay ko na lang siya.

Minsan pa nga napapaisip ako kung ako na lang kaya ang magpropose sakaniya? pero nakakahiya naman iyon.

"Hey..." tawag saakin ni Damien.

Kanina pa pala ako tulala hindi ko napansin. Nginitian ko siya para wala siyang maisip na kung ano. Nasabihan na rin ako ng dalawa tungkol sa bagay na iyon, they also suggested na ako na nga ang magpropose sakaniya.

Pero babae pa rin naman ako. Gusto ko maranasan iyong magpopropose saakin iyong lalake.

We bought something for the noche buena. Next week pasko na, excited naman si Ice dahil unang beses siyang magpapasko rito sa Pilipinas. Hindi muna ako namili ng gifts para sakanila, saka na lang siguro kapag mag-isa ako para surprise.

Kinabukasan napabisita si Tita Josette sa bahay. Nakalimutan ko si Tita! wala nga pala siyang kaalam alam sa lahat ng nangyari. Nalaman ko lang na si mommy ang nagimbita sakaniya.

"Ay oh! ang ganda naman ng apo ko!" binuhat niya si Ice, napatingin naman si Ice sa banda namin ni Damien.

"She's also your grandma, Ice." sambit ko.

Nanlaki naman ang mata ni Ice at agad na niyakap si Tita. Napangiti naman ako, hinarap ko si Damien nakatingin pala saakin.

"Hindi mo pala sinabi kay tita?" takang tanong ko siya.

"I was about to." he said. tumango na lang ako. "I have a surprise for you."

Napatitig naman ako sakaniya. "What kind of surprise? hindi ko naman siguro ikamamatay iyan 'no?" biro ko.

He rolled his eyes on me.

"Bakit hindi na lang sa Christmas kung gano'n?" i asked.

"Basta." ayon na lang iyon sinagot niya.

Naglunch na kami kasama si tita. Everything seems so fine and simple, hindi ko naman mapigilan kun'di ang mapangiti. Sana ito na iyon, wala ng mapait na pangyayari. Nagpaalam naman kami ni Damien na aalis.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon